Nang makita ang sahig na puno ng mga nakakalat na magical artifacts, hindi maiwasang
makaramdam nina Ye Sha at Ye Mei ng pait sa kanilang puso at pigilan ang kanilang panaghoy.
Nakikilala nila na ang ilan sa mga magical artifacts na iyon ay pinakamahuhusay ngunit dito
ang mga ito'y… itinapon ng kanilang Lord Jue dahil ito ay hindi sapat?
[Lord Jue, maaari mo bang sundin ng kaunti ang nakasaad?]
[Batay sa pamantayan na iyong itinakda, anong taon ng unggoy at buwan ng kabayo bago ka
makahanap ng isang angkop na magical artifact?]
[Hindi mo ba napansin na ang Young Miss ay walang balak na tumayo lamang at maghintay sa
iyo?]
Ang paningin ng dalawang kalalakihan ay wala sa sariling nabaling sa isa pang salansanan na
gawa sa buto kung saan nagtungo si Jun Wu Xie.
Si Jun Wu Xie ay unang nakatayo sa tabi ni Jun Wu Yao , hinihintay nya ito na pumili ng
magical artifact na angkop sa kaniya. Ngunit bigla niyang napagtanto… mas mabuting huwag
nang tumayo upang maghintay dahil tiyak na magtatagal ito.
Siya ay agad nagpasya na maghanap na lamang sa paligid ng bulwagan. Nauna nang nabanggit
ni Jun Wu Yao na ang magical treasures na may parehong katangian sa soul ng isang tao ay
magbibigay ng isang tiyak na antas ng pinag-isang taginting sa kaniyang paghipo. Bagaman
hindi niya batid ang mga gamit ng magical artifacts, kahit papaano ay masusubukan niya ang
epekto mula sa iba't ibang artifacts.
Si Jun Wu Xie ay lumaking dalubhasa sa paggamit ng kaniyang spirit power at kailangan
lamang niyang tawagin ang maliit na piraso nito at hawakan ang artifacts upang maramdaman
niya ang reaksiyon mula dito.
Tulad ng fire type magical artifacts, kapag ito ay hinawakan niya, makakaramdam ang
kaniyang palad ng bahagyang init habang ang lightning types ay mag-uudyok ng kirot na
parang may tumutusok at ang water type ay magpaparamdam sa kaniya ng pangangatog sa
lamig…
Si Jun Wu Xie ay naiwan at dahil walang magawa, siya ay umalis upang maghanap sa paligid.
Dinakma ni Little Jue ang isang bungkos ng jade ornaments at masayang nginuya papalayo
habang nakabuntot kay Jun Wu Xie, sumunod siya sa likuran nito at ang kaniyang
namumulang mga mata ay halos lumuwa habang nakatingin sa magical artifacts na nasa
butong salansanan.
Kung may binanggit na mayroong isang tiyak na dami ng spirit power sa jade stones na naging
isang pang-akit sa Soul Calming Jade, kung gayon ang lahat ng magical artifacts na naglalaman
ng napakalawak na kapangyarihan kay little Jue , ay walang pinagkaiba sa mga masasarap na
pagkain sa buong mundo at siya ay nakatayo sa gitna ng ng mga ito. Kahit na ngumunguya siya
ng jade stones sa bibig, hindi niya mapigilan ang paglalaway. Matapos siyang bigyan kanina ng
babala ni Jun Wu Xie, hindi na siya nangahas na maglibot at walang patumagang "yit", dahil sa
natatakot ito na magdudulot siya ng di-kasiyahan kay Jun Wu Xie. Samakatuwid, upang
mapigilan ang kaniyang katakawan, siya ay sumunod sa likod ni Jun Wu Xie, upang ang likuran
ni Jun Wu Xie ay magsilbing paalala sa kaniya.
Ito ay nangyari sa pamamagitan ng likas na pakiramdam, ngunit para kay Jun Wu Xie ito ay
nakakatuwa.
Ayos lang sa kaniya kung si Little Jue ay kukuha ng isang bungkos ng magical artifacts upang
ito ay kainin, ngunit wala siyang paraan upang malaman ang magiging epekto nito kay Little
Jue.
Mabuti man o masama para sa kaniya, ay isang bagay na wala siyang katiyakan.
Ngunit ang makita ang kahabag-habag na mata ng munting na nilalang ay isang bagay na hindi
maiwasan ni Jun Wu Xie kundi ang maging malambot.
"Halika." sinabi ni Jun Wu Xie na nakaunat ang mga kamay sa harap ni Little Jue.
Kumurap ang mga mata ni Little Jue habang nakatingin sa kamay ni Jun Wu Xie na nakaunat sa
harap niya ng ilang sandali, pagkatapos ay humawak siya ng mahigpit.
Si Little Jue ay inakay ni Jun Wu Xie papunta kay Jun Wu Yao, upang tumayo sa mga nakakalat
na magical artifacts na inihagis ni Jun Wu Yao sa kaniyang paligid.
"Wu Yao."
"Hmm?" Wala sa sarili na tugon ni Jun Wu Yao at ang kaniyang ulo ay nakatuon pa rin sa mga
magical artifacts habang hinahanap niya ang isang bagay na "angkop" para kay Jun Wu Xie
nang marinig na ang pagtawag ni Jun Wu Xie sa kaniya. Ngunit sa sumunod na sandali, isang
matinding gulat at bumadya sa kaniyang mukha.
[Tinawag siyang Wu Yao?]
[Hindi na kuya?]
Dahil sa tusong pagbabago na iyon, naramdaman ni Jun Wu Yao na tila may isang kuting na
ginagamit ang munting kamay nito upang banayad na kalmutin ang kaniyang at iyon ay
nakakalasing napakiramdam. Itinaas niya ang ulo upang masdan si Jun Wu Xie na
nagniningning ang mga mata, siya ay talagang nagulat.
"Ang magical artifact na para sa akin ay maaring isantabi pansamantala. Maaari mo bang
tulungan si Little Jue na makita ang angkop para sa kaniya?" Tanong ni Jun Wu Xie habang
nakatingin kay Jun Wu Yao na may kakaibang ekspresyon sa mukha.