Dahil sa mga naranasan noon, ay mas madali na ngayon sa grupo ang bumaba ngayon sa
Heaven's End Cliff. Naghanda si Jun Wu Xie ng marami-raming recovery elixirs at bagaman ang
mga epekto nito ay hindi magtatagal sakanila sa ilalim ng marahas na mga kondisyon, ay
naglinang siya ng marami nito. Ang grupo ay uminom ng mga elixir na iyon sa kanilang
pagbaba at nagawa nilang mapanatili ang kanilang spirit energy. Idagdag pa doon sa mga
nagdaan na panahon, si Qiao Chu at ang iba pa ay nakagawa na ng malaking pagbabago sa
kanilang spirit powers, at malapit na sa bungad ng indigo spirit. Hindi magtatagal at magagawa
na nilamagtagumpay sa indigo spirit. Kaya ang oras na magagawa nilang panatilihin iyon ay
mas matagal na kaysa noon.
At sa kanilang pagdating sa ibaba ng Heaven's End Cliff, silang lahat ay nasa maayos na
kondisyon pa ngunit hindi sila nagmamadali. Sa halip ay nagtayo sila ng simpleng tolda sa gilid
ng bangin at binigyan ang mga sarili ng sapat na pahinga, alam nila na pagkatapos noon,ay
mahaba-habang sandali rin na hindi sila mabibigyan ng pagkakataon na makapagpahinga.
Kaya kinuha nila ang bawat sandali na mayroon sila ngayon upang makapag-ayos, ginawa nila
ang lahat upang mapanatili ang kanilang sarili sa magandang kondisyon.
Ang damit na suot nila sa kanilang mga katawan ay espesyal na gawa ng mga tao na inatasan
ni Jun Wu Xie sa Qi Kingdom. Ang hangin sa ilalim ng Heaven's End Cliff ay napakaginaw at
maalinsangan. Upang makagalaw doon ng mahabang oras, ay kailangan nilang ng tamang
pananggalang o ang kanilang spirit powers ay mabilis mauubos. Ang mga damit na iyon ay
dinisenyo ni Jun Wu Xie kung saan ay inayon niya iyon sa uniporme ng pangunahing hukbo ng
ikadalawampu't apat na siglo, ngunit sa panahong iyon, ay wala sila ng mga eksaktong
kagamitan na magagawang epektibo na iwasan ang tubig, kaya hiniling ni Jun Wu Xie sa mga
mananahi na balutin ang damit ng suson ng espesyal na kemikal na hindi tinatagusan ng tubig.
Ang mga kemikal na iyon sa loob ng limitadong haba ng oras ay magagawa na panatilihin ang
pinahusay na kapal ng materyal sa damit kung saan kahit na sila'y nasa ibaba ng bangin at
binalot ng makapal na hamog, ay hindi nila kailangan mag-alala na mababasa ang kanilang
kasuotan dahil sa matinding alinsangan.
Inilabas ni Jun Wu Xie ang Spirit Fire Globes na hinanda niya noon upang bigyan ng liwanag
ang buong lugar kung saan napakababa na makakita.
Dahil sa nanatiling tuyo ang kasuotan, si Qiao Chu at ang iba pa ay nagawang makatipid ng
malaking dami ng kanilang spirit powers na kakailanganin sana nila upang mapanatili ang
temperatura ng kanilang mga katawan. Bagaman maraming suson ang suot nila sa loob at
labas, dahil sa mainam na taas at magandang pangangatawan, ang mga kabataan ay hindi
nagmukhang mataba sa kanilang kasuotan at hindi rin naging hadlang sa kanilang mga kilos.
Ang glaciers sa ilalim ng kanilang mga paa ay nagbuklod ng hindi mabilang na katawan ng mga
tao sa malamig at matigas na yelo na nagpunta doon upang hanapin ang libingan ng Dark
Emperor. Napansin din ni Jun Wu Xie ang mga lugar na mayroong mas maraming glaciers na
namumuo, mas maraming katawan na halos kalahati lamang ang nakabaon sa yelo. Ang mga
katawan na iyon ay wala pa noong huli silang magpunta doon at kung susukatin ang panahon
na nagdaan sa dami ng yelo na nabuo, ang mga taong iyon ay maaring nagtungo sa Heaven's
End Cliff matapos ang pagpunta nila doon nang nakaraan.
Pinakita lamang nito na ang Twelve Palaces ay hindi pa rin sumusuko sa kanilang paghahanap
sa libingan ng Dark Emperor at ang mga namatay na kaluluwang ito ay patuloy na dadami sa
pagdaan ng mga araw.
"Heh heh…Sabi, matapos natin mahanap ang libingan ng Dark Emperor at makuha lahat ng
kayamanan ng Dark Emperor upang maging atin, kapag nalaman iyon ng Twelve Palaces, hindi
ba't magwawa sila sa galit?" Tanong ni Qiao Chuhabang nakatitig sa bunton ng mga buto na
dumadami sa ilalim ng Heaven's End Cliff, ang mukha niya ay napangisi.
Gaano kalaking pagsisikap na ang nagugol ng Twelve Palaces? At ilang tao na rin ang kanilang
isinakripisyo? Ngunit hindi pa rin nila nagawa maski makita man lang ang pintuan ng libingan
ng Dark Emperor! Ngunit siya at ang mga kasama niya ay may malinaw na puntirya sa kanilang
pagpunta doon. Hindi magtatagal at lahat ng kayamanan na pinag-imbutan at pinagnasaan ng
lahat sa Middle Realm ay mapapasakamay na nila! Ang pakiramdam na iyon ay nagdulot ng
pagragasa ng dugo dahil sa kagalakan na nararamdaman ng mga kabataan!
"Kung magwawala sila sa matinding galit, ay hindi ko nalalaman. Ngunit ang gawin ang
anuman at lahat sa abot ng kanilang kapangyarihan upang usigin tayo ay isang siguradong
kapalaran na hindi natin matatakasan." kibit-balikat na saad ni Fei Yan. Nang makita na
nagagawa pa nilang pag-usapan ang mga bagay-bagay bukod sa kasalukuyan nilang hinaharap,
ipinakita lamang nito na maayos pa silang lahat.
"Lumapit sila sa akin kung kaya nila! Ang munting panginoon na ito ay hindi natatakot!"
Mayabang na saad ni Qiao Chu.
Hindi na nakisali si Jun Wu Xie sa kanilang usapan at sa halip ay naupo ito sa loob ng tolda
habang hawak ang isang bagay sa kamay na tila isang aguhon.