Paanong sa loob ng maikling panahon ay naging si Hua Yao ang magpapakasal?!
Hindi makabawi sa pagkagulat si Qiao Chu! Hindi nito alam paano ipoproseso iyon sa kaniyang utak!
Ang lahat ay nakatingin kay Qiao Chu na palakad-lakad sa silid na iyon.
"Tingin ko, masayang okasyon ang ikasal si Brother Hua. Bakit masyado kang nababagabag diyan?" Nakaangat ang isang kilay na tanong ni Fei Yan.
Mas lalong namula ang mukha ni Qiao Chu: "Magkapatid kami ni Brother Hua hanggang kamatayan! Paanong mauuna siyang magpakasal kaysa sa akin? Maiiwan akong mag-isa. Kawawa ako!"
"Oh! Ngayon alam ko na." Tinatamad na sabi ni Fei Yan.
Mas lalong hindi napakali si Qiao Chu.
Tumikhim si Hua Yao at tumingin kay Jun Wu Xie: "Anong balak mo?"
Bago pa makasagot si JUn Wu Xie ay muling nagsalita si Qiao Chu: "Brother Hua, hindi ka magpapakasal 'di ba? Gagawin mo ba?"
Tinignan lang ng masama ni Hua Yao si Qiao Chu.
Nagsalitang muli si Jun Wu Xie: "Papalitan mo lang ang anyo mo. Gagayahin mo ang itsura ko hanggang sa matapos ang seremonya. Sa mata ng lahat, ako ang nagpakasal sa kaniya."
Matapos sabihin iyon ni Jun Wu Xie ay nakahinga ng maluwag si Qiao Chu. Mas lalo namang naging kakaiba ang tingin ni Fei Yan kay Qiao Chu.
Tumango si Hua Yao at sumagot: "Sige."
"Brother Hua, ang babaw mo. Inutusan ka lang na magpakasal ay agad mo namang susundin?" Malapad ang ngiting tudyo ni Fei Yan kay Hua Yao.
Tinignan ni Jun Wu Xie ng masama si Fei Yan. Agad naman itong tumahimik.
"Hindi mo naman isasama si Qu Ling Yue satin sa susunod 'di ba?" Sa wakas ay normal na ulit ang pagsasalita ni Qiao Chu. Ang kaniyang naiisip ay ginagawa lang ito ni Jun Wu Xie para protektahan si Qu Ling Yue. Ngunit ngayon ay nahanap na nila ang piraso ng mapa at kailangan na nilang umalis upang magpatuloy sa paghahanap ng iba pang praso ng mapa. Base sa mga sitwasyong kanilang pinagdaanan noon, mukhang hindi makakaya ni Qu Ling Yue sumama sa kanila.
Kung dito sa Lower Realm, malakas ang spirit power ni Qu Ling Yue. Ngunit kung ikukumpara sa kanilang lahat na naririto ay mahina pa ito. Lahat ng panganib na kanilang posibleng makaharap ay hindi makakayanan ni Qu Ling Yue.
Umiling si Jun Wu Xie: "Depende sa kaniya. Kung gusto niyang manatili dito, maiiwan siya dito sa Thousand Beast City. Kung hindi, papapuntahin ko siya sa QI Kingdom para magpunta saking Lolo."
Mabuting tao si Qu Ling Yue. At hindi niya dapat danasin ang lahat ng ito.
"Er…" Mayroong nabuong imahinasyon sa isip ni Qiao Chu. Nagtungo si Qu Ling Yue sa Qi Kingdom at babatiin ang Lolo ni Jun Wu Xie, sasabihing 'Ako ang asawa ni Jun Wu Xie'. Malamang ay labis na magugugalat ang Lolo ni Jun Wu Xie.
Laging nagpapapunta si Jun Wu Xie ng tao sa Lin Palace kapag gusto niya. Tulad na lang ni Mu Chen, Yin Yan maging si Mu Qian Fan. Ngayon naman madadagdag si Qu Ling Yue sa listahan. Nararapat lang na magbigay ng respeto si Qiao Chu kay Jun Wu Xie.
"Pwede. Sana ay gumaling siya." Tumango-tango si Fan Zhuo bilang pagsang-ayon sa ideya ni Jun Wu Xie. Nakikita nila ang pag-aalala ni Jun Wu Xie kay Qu Ling Yue. Siguro ay dahil iyon sa "guilt" na nararamdaman ni Jun Wu Xie para kay Qu Ling Yue.
Mapapalagay na ang loob ni Jun Wu Xie sa kaalamang mayroong ligtas na matutuluyan si Qu Ling Yue.
"Ipagpaubaya mo na samin. Sinisigurado kong hindi mapapahiya si Qu Ling Yue."Kampanteng saad ni Qu Ling Yue.
Tumango naman si Jun Wu Xie. Gusto niyang bigyan si Qu Ling Yue ng enggrandeng kasal. Para malaman ng buong Thousand Beast City na si Qu Ling Yue ang taong pinoprotektahan ni Jun Xie at walang sinuman ang dapat na umapi dito!