"Kung ang matandang hukluban na iyon ay hindi gumawa ng isang bagay na napakasama at
nakakabaliw… Hindi ko hahayaan na gawin ito ng Grand Chieftain… Hindi talaga…" bigla ay
nagsimulang tumangis ni Xiong Ba, ang malalim na pakikipaglaban sa loob ng kaniyang puso at
ang pagsisisi na nararamdaman niya para kay Jun Xie ang lumalamon sa kaniya, nagawang
pabagsakin at panghinaan ng loob ang isang walong talampakan na higante.
"Qing Yu, hindi ko talaga malaman kung ano ang aking dapat gawin… Nakita ko ang paglaki ng
Young Miss… ang Grand Chieftain… puwersahang ipinakita sa Grand Chieftain ang kahihiyan
na ginawa ng mga hayop na iyon sa kaniyang anak… Hindi ko… Hindi ko kaya…"
Walang nakakaalam kung ano ang tunay na nangyari sa silid na iyon ni Jun Xie nang araw na
iyon.
Bagama't si Qu Wen Hao ang Grand Chieftain na pinangakuan ni Xiong Ba ng walang
kamatayan na katapatan, ngunit sa mukha ng katapatan na iyon, ang hindi mabali na katauhan
ni Xiong Ba ay matindi na hindi nito magagawang magpasakop sa kahit kanino.
At nang sabihin sa kanila ni Qu Wen Hao sa halos mukhang patay nitong hitsura ang lahat ng
kaniyang naranasan, ang puso ni Xiong Ba ay hindi nagawang manatili na matapang.
Bagama't ang katauhan ni Qu Wen Hao ay hindi maituturing na matigas at matibay, ay
matatag naman nitong pinanghahawakan ang sariling prinsipyo. Kahit na ang kaniyang asawa
ay nabihag, at kailangan niyang magpasakop sa ilalim ng iba, ay ginawa pa rin nito ang lahat
upang protektahan ang mga tao ng siyudad. Ngunit ang hangganan ng kabangisan ni Qu Xin
Rui ay sumobra na sa kanilang inaasahan.
Sa mundong ito, saan ka makikita ng isang ama na kayang tiisin na makita ang sariling anak na
ipinapahiya ng ganoon…
Hindi lubos maisip ni Xiong Ba kung anong klase puwersa ang pinagdaanan ni Qu Wen Hao,
kung gaanong sindak at bagabag ang dulot nito sa isang matatag na lalaki upang yumuko at
magpasakop, isinuko lahat ng kaniyang konsensya.
Inubos ni Qing Yu ang kopita ng alak ng sunud-sunod, hindi nagsasalita. Ang matapang na alak
ay nagdala ng guhit sa kaniyang lalamunan habang dumadaloy pababa, nagdala ng matinding
sakit, hindi nasisiyahan sa alak bagkus ay tila isa itong uri ng parusa.
Parusa sa sarili.
"Oh? Nagsisiya kayo sa napakagandang gabi, naitaon na ako ay nakakaramdam ng matinding
uhaw!" isang boses ng binata ang walang sabi-sabi na narinig sa loob ng silid.
Naguguluhan na lumingon si Xiong Ba at Qing Yu upang tingnan kung sino iyon at nakita nila si
Qiao Chu na tumalon sa silid mula sa bintana, kasama si Hua Yao na ang mukha ay biglang
nakita sa likuran nito.
"Dali, uhaw na uhaw na ako." humahalakhak sa sabi ni Qiao Chu habang naglalakad palapit,
matinding gulat ang nakita sa mukha ni Xiong Ba at Qing Yu. Pinanood nila si Qiao Chu na hindi
natitigatig na kinuha ang isang bote ng alak mula sa isang sulok, pinunit ang selyo upang
mabuksan at itinungga ang laman sa kaniyang bibig.
Walang pagmamadali na naglakad si Hua Yao habang sinusulyapan ang mga mukha nila Xiong
Ba at Qing Yu, ngunit hindi ito nakakita ng kahit anong kahina-hinala.
"Iyon ay talagang tumama sa eksaktong lugar!"gilalas na sabi ni Qiao Chu habang pinupunasan
ang kaniyang bibig at nakatingin kila Xiong Ba at Qing Yu.
"Hindi ninyo kailangang maalarma. Nangangamba kami na baka ang mga tao sa siyudad ay
madiskubre kami kaya palihim kaming pumasok dito. Talagang napagod kami sa pagkakataong
ito. Upang masundan ang mga taong iyon, ay hindi namin nagawang ipikit ang aming mga
mata sa mga nagdaan na araw, kaya siguro naman ay pagbibigyan ninyo kami kung uminom
kami sa inyong alak, tama ba?" panunukso ni Qiao Chu, may kabuluhan na kumindat ito sa
natigilan na si Xiong Ba.
Napanganga si Xiong Ba at hindi nito alam ang sasabihin sa mga sandaling iyon.
Inilagak ni Jun Xie si Qiao Chu at ang iba pa niyang mga kasama sa labas ng siyudad noon
upang malaman ang lugar kung saan ikinulong ni Qu Xin Rui ang mga taong Thousand Beast
City, at sa pagpapakita ni Qiao Chu ngayon dito, ibig sabihin nito ay nalaman na nila ang
eksaktong lugar!
"Hindi kalakihan ang inyong Fiery Blaze Clan Hall, ngunit bakit matapos ang paglibot sa buong
lugar ay hindi ko nakita si Little Xie? Saan ninyo siya itinago? Ipag-utos ninyo na dalhin siya
dito madali sapagkat naglakabay kami araw at gabi upang dalhin dito ang balita." saad ni Qiao
Chu habang binasa na naman muli nito ang kaniyang lalamunan nang uminom muli ito ng alak,
isang mapusyaw na kulay ng pula ang gumapang sa kaniyang mukha, nagningning ang mata sa
pananabik at kagalakan.
Ang salitang Little Xie ay humampas sa utak ni Xiong Ba na tila isang malakas na kidlat at ang
kalasingan na pumuno sa kaniya ay biglang naglaho at walang bakas na iniwan, tinakasan ng
kulay ang kaniyang mukha!