アプリをダウンロード
58.06% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 907: Imperial Guard Army (4)

章 907: Imperial Guard Army (4)

編集者: LiberReverieGroup

Nakumbinsi naman si Yuan Biao sa pag-iyak ni Fei Yan.

"Hangga't hindi pa nahuhuli si Jun Xie, wala sa inyo ang pwedeng umalis dito! Babantayan ng Imperial Guards ang lugar na to. At kapag may nagtangka sa inyo na lumabas, huwag niyo kaming sisisihin sa sasapitin ninyo!"

Matapos sabihin iyon ay pinangunahan na ni Yuan Biao ang paglabas sa ikalawang palapag ng Immortals' Loft. Nang sila ay makalabas, inutusan niya ang kaniyang mga tauhan na bantayan ang Immortals' Loft magdamag.

Iginiya nina Qiao Chu ang "takot na takot" na si Fei Yan pabalik sa silid nito. Nang maisara na ang pinto agad tinanggal ni Fei Yan ang kamay ni Qiao Chu na nakaakbay sa kaniya. Tumuntong ito sa upuan at dinungaw si Yuan Biao: "Bobo ka! Nangahas ka talagang takutin kami!? Hahayaan muna kitang magsaya ng ilang araw, at kapag natapos ang lahat ng ito, gugulpihin kita at iiyak ka sa nanay mo!"

Kanina lang ay mukha itong mahina at mahinhin, ngayon ay para itong tigre na handang lapain ang sinumang lalapit dito!

"Little Yan, gumagaling ka sa pag-arte mo ah!" Saad ni Qiao Chu habang nakangiting nakatitig ay Fei Yan. Huwag niyong huhusgahan si Fei Yan dahil sa pambabae ang itsura nito. Ang personalidad nito ay matapang at tuso din. Bihira lang ang pagkakataong makita niya si Fei Yan na pangatawanan ang pagiging babae nito at hindi niya maiwasang humalakhak dahil dito.

"Isa pang tawa mo makakatikim ka sakin! Naniniwala ka bang isang sampal o lang sa'yo eh patay ka agad?!" Si Fei Yan ang pinakamalakas sa kanilang lahat. Bukod sa ang Ring Spirit niya ay isang napakalaking unggoy, ang lakas ng kamay nito ay hindi kakayanin ni Qiao Chu.

Bigla namang natauhan si Qiao Chu at umiling-iling.

"Matalino din ang Yuan Biao na iyon. Inenteroga muna niya ang innkeeper bago tayo. At matalino talaga siyang piliin ang mukhang napakahina sa grupo para pagbantaan niya. Sa nakikita ko, hindi sila titigil hangga't hindi nila nahahanap si Little Xie. Sigurado akong ang susunod nilang pupuntahan ay ang Crown Prince's Residence." Tiwala naman siya sa utak at galing ni Jun Wu Xie. Alam niyang malulusutan ito ni Jun Wu Xie.

Isa pa, kasama ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh, Little Black, Drunk Lotus at Ye Sha bilang mga tagapagligtas niya. Kahit pa magsabay-sabay ang Imperial Guard Army, hinding-hindi nila mahahawakan si Jun Wu Xie.

Gayunpaman...

"Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang kagustuhan ng Emperor ng Fire Country na patayin si Little Xie. Ano kaya ang sikretong nakapaloob sa singsing na iyon?" Kahit anong isip ni Fan Zhuo, hindi niya pa rin mahanap ang dahilan.

"Tungkol diyan, tingin ko ay malalaman iyan ni Little Xie pag nakita na niya si Lei Chen. Si Lei Chen ang Crown Prince, paniguradong marami siyang alam tungkol sa Fire Country." Sagot ni Fei Yan.

Tumango naman si Fan Zhuo bilang pagsang-ayon.

"Hindi ako nag-aalala para kay Little Xie. Kahit pa makipagtulungan pa ang Emperor sa iba, hindi siya mananalo kay Little Xie. Mas iniisip ko ngayon ay kung paano kaya ang paraan na gagamitin ni Jun Wu Xie ngayon?" Punong-puno ng tiwala si Qiao Chu kay Jun Wu Xie at hindi na siya makapaghintay na masaksihan ang matatamo ng Emperor, ng Fourth Prince, ng Empress at ng Prime Minister.

"Tingin ko ay labis na magsisisi ang Emperor dahil hindi niya nagawang mahuli si Little Xie ngayon." Natatawang saad ni Fan Zhuo.

Sa oras na iyon, abala naman ang Imperial Guard Army sa paghahanap kay Jun Xie. Naalarma ang buong Imperial Capital dahil dito. At habang abala ang lahat...

Isang maganda at maliit na binibini ang dumating sa Crown Prince's Residence!


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C907
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン