Sa mga sumunod na round sa tournament, nanguna si Jun Wu Xie sa kaniyang mga nakalaban. Wala ni isa sa mga iyon ang nakaiwas sa kaniyang unang atake. Lahat ng humarap sa kaniya ay na itapon palabas ng battle stage ng walang kahirap-hirap.
Dahil sa pambihirang lakas ni Jun Wu Xie, naisip ng lahat na dapat mas nagpasalamat ang mga umatras kay Jun Xie noon. Kung hindi ay naitapon din ang mga iyon palabas ng battle arena ng walang kahirap-hirap.
Sa oras na iyon ay walang nangahas na pagtawanan si Jun Xie. Lahat ng mga kabataang kinuntya noon si Jun Xie ay napapayuko ng ulo tuwing siya ay makakasalubong, siguro ay nahihiya ang mga ito para sa kanilang mga sarili. Natatakot din silang baka bigla na lang silang patayin ni Jun Xie.
May tatlong rounds pa bago itanghal ang nanalo sa bawat battle district. Tuloy-tuloy ang labanan at pakonti ng pakonti ang mga natitirang contestant. Puno pa rin ang district battle arena, kahit na sila ay natalo ay nanatili pa rin sila para manood. Pinag-aaralan nila ang galaw ng mga natirang malalakas upang magamit nila sa susunod na taon!
Nagpatuloy ang kompetisyon at ito ang unang beses na mayroong dumating na espesyal na bisita.
Naghahanda ang mga kabataan para sa kanilang laban nang makita nila ang grupo ng mga guwardiya at nagmamartsa patunga sa battle arena.
Sa oras na iyon ay nakatuon ang mata ng mga kabataan sa Imperial Guards na pumasok. Kung pagbabasehan ang mga armas ng mga guwardiya, matutukoy na ang mga ito ang guwardiya ng Yan Country's Imperial Palace.
[Anong ginagawa ng mga Imperial Guards dito? Bakit bigla na lang silang naparito?]
Maya-maya lang ay may narinig silang malakas at malinaw na boses.
"Ito ang first battle district? Akala ko ay kakaunti na lang ang matitira dito dahil halos patapos na ang tournament." Umalingawngaw ang boses ng lalaki mula sa labas ng arena. Isang gwapong lalaki ang may-ari ng boses na iyon at nakasuot ng dilaw na brocade suit habang marahang naglalakad papasok ng arena.
Ang mukha ng lalaki ay parang isang puting jade, ang mga mata nito ay puno ng galak. Sa bewang nito ay may nakasabit na white jade.
Nang makita ng mga tao ang pumasok, lahat sila ay nanigas sa kanilang kinatatayuan.
Nakatayo si Jun Wu Xie sa isang sulok si Jun Wu Xie habang pasimpleng inoobserbahan ang lalake.
Ito si Lei Fan, ang Fourth Prince ng Yan Country. Nakilala ito bilang anak ng Emperor at ng mahal nitong asawa, ang Empress. Ngunit ang totoo ay anak ito ng Empress at ng kabit nito. Mas bata si Lei Fan kaysa sa iba pang mga prinsipe. Gwapo at mestiso ito at higit sa lahat, ito ang paborito ng Emperor.
Sa apat na prinsipe ng Yan Country, ito na na lang ang tanging prinsipeng tumitira sa Imperial Palace. Kumpara sa tatlo pang prinsipe, mas maayos ang turing kay Lei Fan kaysa sa iba. Hindi lang kumuha ng personal na tutor ang Emperor kay Lei Fan, personal din nitong tinitignan ang araw-araw na pangangailangan ni Lei Fan.
Kumpara kay Lei Fan, ang Third Prince ng Yan Country ay halos isang palaboy ung ituring ng Emperor.