Halos pumutok ang tiyan ni Qiao Chu sa kabusugan at napadighay ito ng malakas. Tiningnan naman siya ng masama ni Fei Yan bago humarap kay Jun Wu Xie at sinabing: "Nakita mo na ba ang mga impormasyong nakalap ko noon sa Yan Country?"
Nitong nakaraang buwan ay hindi umalis si Jun Wu Xie at Fan Zhuo sa Zephyr Academy habang sina Qiao Chu, Rong Ruo at Hua Yao ay bumalik sa Phoenix Academy para balitaan si Yan Bu Gui sa kanilang susunod na plano. Tanging si Fei Yan ang pinakaabala. Kinailangan niyang pag-aralan maigi ang sitwasyon sa Yan Country bago magsimulang magplano ang grupo sa kanilang pagpunta dito.
Walang araw na hindi naging abala si Fei Yan at bumalik lang ito noong araw na aalis na sina Jun Wu Xie upang magtungo sa Yan Country. Sa kanilang biyahe papunta dito, inilahad niya ang mga impormasyong kaniyang nakalap. Dahilan para magkaroon ng ideya ang grupo sa sitwasyon sa Yan Country.
Ang Yan Country ay may apat na anak, ang pinakamatanda ay ang Yan Country's Crown Prince na siyang pakay ng grupo.
Tumango si Jun Wu Xie.
"Anong binabalak mo ngayon, Little Xie? Mag-aantay ba tayo hanggang sa malaman natin ang resulta bago tayo lalapit sa Crown Prince o magsisimula na tayo ngayon? Narinig kong nakikipag-usap ang Crown Prince sa mga disipulong kalahok sa Spirit Battle Tournament bago magsimula ang kompetisyon." Tanong ni Fei Yan kay Jun Wu Xie.
Simula nang makilala niya si Jun Wu Xie, ang mga plano nito at hinuha ay kailanman hindi pumalya.
"Hindi natin kailangang magmadali. Sa ngayon, magmamasid-masid lang muna tayo." Kahit na malaking tulong ang impormasyong ibinigay sa kanila ni Fei Yan, kailangan niya munang makita mismo ang sitwasyon bago gumalaw.
Ang dalawang beses na nakasalamuha si Jun Wu Xie ng mga taong lihim na may ugnayan sa mga taga-Twelve Palaces ay hindi basta-bastang tao. Ang una ay ang lalaking gumagamit ng mga kabataan bilang mga daga upang sa mga iyon subukan ang mga lasong ginawa nito, at ang pangalawa ay nagplanong patayin ang lahat ng disipulo sa academy. May bali-balitang ang Yan Country's Crown Prince ay mahinahon. Nabansagan na itong Crown Prince simula pa ng sampung taong gulang pa lang ito at lagi na itong naaasahan. Sumunod dito ay nagkaroon pa ng tatlong anak ang Emperor. Naging mapagmahal na kuya ang Crown Prince sa mga kapatid nito.
Base sa kaniyang mga narinig, mukhang hindi ito masamang tao.
Pero...
Para masangkot ito sa mga taga-Twelve Palaces, hindi nangahas si Jun Wu Xie na lubos na paniwalaan iyon.
Katulad na lang ni Mo Xuan Fei noong simula. Base sa mga alaala ng dating may-ari ng katawang ito, nalaman ni Jun Wu Xie ang tunay na pagkatao ni Mo Xuan Fei. Mas malala pa rin si Mo Xuan Fei kaysa sa kaniyang mga nalaman tungkol sa Yan Country's Crown Prince. Pero sa kaso ni Mo Xuan Fei isa lang itong putik na nakabalot sa ginto, masangsang ang tunay nitong pagkatao.
"Pwede, tingin ko ay tatagpuin niya din tayo agad. Hindi ba't sabi ni Fei Yan ay mahilig makipag-usap ang Crown Prince sa mga mahihirap na kagaya natin?" Natatawang saad ni Qiao Chu. Taon-taon bago magsimula ang Spirit Battle Tournament, naglilibot ang Yan Country's Crown Prince sa mga representative ng bawat academy. At wala siyang diskriminasyon, mayaman man o mahirap na academy ay hinaharap niya. Kailanman ay hindi niya minaliit ang mga hindi gaanong kilalang academy.
Ipinagtataka iyon ng karamihan.
Para bisitahin ang top three academies ay isang paraan para mapadali ang kanilang pag-recruit ng mga bagong disipulo.
Pero para sa isang Crown Prince na magtitiyaggang bisitahin ang mga malilit na Academy ay hindi nila maintindihan.
Sumimsim si Jun Wu Xie sa kaniyang tubig at hindi nagbigay ng reaksyon sa komento ni Qiao Chu.
Mataman namang nakikinig lang si Fan Jin sa isang tabi, at katulad ng iba, hindi niya rin maintindihan ang dahilan sa likod ng ginagawang iyon ng Crown Prince. Ang tanging nasa kaniyang isipan lang ngayon ay ang kanilang pagsali sa Spirit Battle Tournament.