アプリをダウンロード
19.01% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 297: Orange Spirit (1)

章 297: Orange Spirit (1)

編集者: LiberReverieGroup

Sa pangalawang araw mula sa pagdating ni Jun Wu Xie sa Hidden Cloud Peak, siya at si Qiao Chu ay nakakuha na ng uniporme ng mga disipulo. Para hindi na makakuha pa ng mga suspetsa, pareho silang bumalik sa kwarto ng mga disipulo.

Nang magpakita sila sa patyo na nakauniporme, ang mga mata ng ibang kabataan na pinahirapan ng dalawang araw ay halos pumutok mula sa kanilang mga ulo.

Yung dalawang batang iyon na mula sa unang araw pa lamang ay napakatamad na! Nang dinadala nila ang kanilang pagod na katawan para magbuhat ng tubig, bigla na lang silang nawala, at sa pangalawang araw, pinilit silang mag-dilig ng mga damong-gamot ay yung dalawang yun ay mas lalong walang ginawang maayos!

Bigla na lang silang pumikit at nahimatay!

Idinala sila kay Tandang Ke, para maranasan ang pagtrato ng Tanda.

Para lang bumalik kinabukasan?

Alas!

Nakabalik sila ng may uniporme para sa mga natanggap na disipulo na may mga mapupulang pisnging nagsasagisag ng kalusugan!!

"Anong nangyayari dito?! Saan niyo nakuha ang mga damit na iyan!?" Tanong ng mga kabataan na nakatitig ng pagalit kay Jun Wu Xie at Qiao Chu na halatang nakakapagpahinga ng maayos.

Hindi patas! Ang mga masisipag ay pinahihirapan, at ang mga tamad ay ginantimpalaan! Hindi pwede ito!

Ang mga kabataan ay nanggagalaiti sa inggit at nagpigil ng galit. Merong ibang makikitid ang utak na tumakbo direkta sa mga nakatatanda para ikuwento ang hindi makatarungang pangyayaring kanilang dinanas.

"Nakatataas! Yung dalawang yun ay mga tamad…" Ibinuhos nila lahat ng sama ng loob nila at isinumbong lahat ng krimen at katamaran nila.

Ang mga disipulong nahinto ng mga kabataan ay nakasimangot sa kanilang pinagsasabi at nagsalita "Manahimik nga kayo! Naawa ang Tandang Ke sa mahihina niyong katawan at binawasan ang gawain para sainyo. Ang panahon niyo'y dapat ginagamit para magpalakas kayo at hindi para magdaldal kayo! Sinasabi ko sa inyo, ang mga may uniporme ay tunay na disipulo ng Hidden Cloud Peak at si Jun Wu Xie at Qiao Chu ay tinanggap at inaprubahan ni Tandang Ke mismo at walang pwedeng magkwestyon noon! Kung ikukwestyon niyo lang ang desisyon ni Tandang Ke, ay magsilayas nalang kayo sa Hidden Cloud Peak!

Matapos niya ito sabihin, itinulak niya ang nagsusumbong na kabataan, ang mukha'y makikitaan ng inis.

Ang mga tupang isasakripisyo ay nagkaroon ng katapangan para paboran sila? Kung di lang sila kinaawaan ni Tandang Ke, walang makakalabas sakanila ng buhay.

Kahapon lang, itinawag ni Ke Cang Ju ang punong disipulo niya at ipinaalam na ang Hidden Cloud Peak ay pansamantalang hindi tatanggap ng tupang isasakripisyo. Mababaon siya sa pagaaral kung kaya't wala siyang oras para hawakan ang mga kabataang iyon. Kung kaya't nagiwan siya ng mga utos para sa mga disipulo na bawasan ang paghihirap ng mga bagong pasok na kabataan.

Sa utos ni Ke Cang Ju, ang mga disipulo ng Hidden Cloud Peak ay nagpigil ng paglibang sa kanilang sarili sa mga tupang isasakripisyo.

Ang mga mangmang na iyon ay walang kaalam alam na sila'y kinaawaan at itinira at nagkaroon pa sila ng lakas ng loob na gumawa ng gulo.

Ang mga kabataang nasigawan ng kanilang nakatataas ay napatigil at napatitig. Naramdaman niya sa kanyang dibdib ang hindi makatarungan ng sitwasyon.

"Anong ginawa ng dalawang yun para makuha ang pabor ni Tandang Ke?! Imposible ang lahat ng ito para paniwalaan!" Narinig ng ibang kabataan ang mga pangyayari at wala silang nagawa sa kadugaan ng mga pangyayari. Sa mata nila, si Qiao Chu at Jun Wu Xie ay basura lamang. Bukod sa pagpapanggap na masunurin at kaawa-awa, ano pa ang kaya nilang gawin? Ang mga basurang ito ay hindi karapatdapat tanggapin bilang disipulo ng Hidden Cloud Peak bago sa kanila!


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C297
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン