Nakatayo si Ke Cang Ju, ang kanyang likod ay namamaluktot at ang mata'y nanliit habang nakatitig sa dalawang kabataan. Ang maitim na labi'y malupit na napangiti. Ginalaw niya ang kanyang mga kamay at dalawang kadena ang lumabas sa malalaki niyang manggas. Itinali niya ang kadena sa tiyan nila Qiao Chu at Jun Wu Xie, at kinaladkad ang dalawa sa silid sa ilalim ng lupa.
Matapos niyang umalis, ang maliit na itim na anino ay nakapagtago sa likod ng mga garapon ng medisina at nakasunod itong nakatago sa dilim.
Sa malalim na silid sa ilalim ng lupa, maaamoy na ang kasuka-sukang amoy ng dugo, na nakahalo na sa malakas na amoy ng mga halaman na umatake sa pang-amoy ng isang tao.
Ang matalas na tunog ng kampanilya ni Ke Cang Ju ay nag-alerto sa dalawang disipulo ng Hidden Cloud Peak at dali daling sinalubong ang kanilang maestro.
"Maestro" Sila'y yumoko ng may paggalang.
Binitawan ni Ke Cang Ju ang kadenang nakatali sa dalawa at inutos sa dalawang disipulo: "Dalhin niyo sila dito."
"Opo, Maestro."
Kinuha ng dalawang disipulo ang mga kabataan at ibinuhat sila sa nakataas na sahig na gawa sa kahoy. Dalawang malakas na kalabog ang narinig nang itapon ang dalawang kabataan sa sahig.
"Linisin niyo sila ng maayos. May mga bagong gamot akong susubukan sakanila." Sinabi ni Ke Cang Ju na may kakilakilabot na tawa bago siya pumasok sa loob.
Sa loob ng madilim na silid, kumutitap ang mga ilaw at ang magandang binata'y nakasabit sa dingding, ang mukha'y namumutla. Hindi na siya gumagalaw, at tila parang patay na ito.
Kumuha ng tubig si Ke Cang Ju at itinapon ito sa binata.
Ang napakalamig na tubig ay nagpagising sa walang malay na binata, at dahan-dahan nitong itinaas ang kanyang ulo, ang mga mata'y nagpapakita ng kamunghian, ang maliit na patak ng luha sa ilalim ng kanyang mata ay malinaw na makikita.
"Nakikita kong malakas ka pa. Maganda yun. Maglaro tayo ng ibang laro ngayon." Humalakhak si Ke Cang Ju at naglabas ng manipis na tubo mula sa timbang puno ng malapot at maitim na likido. Nakababad ang tubong iyon at makikita ang mga tinik na nakabalot dito.
Itong binatang ito ay mula sa naunang pangkat ng bagong kasapi na dinala sa Hidden Cloud Peak noong nakaraang buwan. Lahat ng kasama niya sa pangkat na iyon ay namatay na sa kamay ni Ke Cang Ju. Itong binatang ito ay mayroong pambihirang life force at ang kanyang kalakasan ay nalampasan na ang lahat. Kahit sa kanyang dalawang linggo ng pahirap, buhay parin ito.
Ang tubong binabad sa itim na lason ay hinampas sa payat na katawan ng binata, ang bawat haplos ay nagiwan ng napakalaking sugat dahil sa tinik na kumakapit sa kanyang balat. Ang itim na lason ay kumapit sa kanyang sugat at ang pulang sugat ay nagiging murado.
"Ito ang may lasong tubo na tumutubo lamang sa Eastern Spirit Mountain, Ako ang kumuha nito at ilinublob sila sa katas ng Heart Eroding Grass. Ang tinik ng nakalalasong tubo ay matalas, pero madaling masira. Pero kung nakababad ito sa katas ng Heart Eroding Grass, naninigas ito at nagbibigay tibay sa mga tinik nito." Patuloy niyang hinahampas ang binata habang siya'y "nagtuturo".
"Ang pinakamaganda dito ay, hindi nakakamatay ang lason pero magbibigay ito ng napakasakit na pakiramdam at paghihirap sa katawan ng isang tao. Ang mga sugat na naiiwan nito ay magbibigay ng pakiramdam ng isang libong langgam na kumakagat sa iyong bala. Hua Yao, naaalala mo ba lahat ng tinuturo ng Maestro mo sayo?" Patuloy na hinampas ni Ke Cang Ju ang tubo sa kanyang katawan, ang ang mata ni Ke Cang Ju'y napuno ng tuwa at kagalakan.