"Wala nang silbi yang pagtitig niyo sa akin. Hindi ko dapat tatraydurin ang Qing Yun Clan. Gayunpaman walang-wala kayo kay Jun Wu Xie." Saglit na nag-alangan si Bai Yun Xian bago niya napagtantong matatalo pa rin ang Qing Yun Clan at wala nang saysay ang pagtatago. Nunca ay ihinayag niya na ang katotohanan: "Ang totoo niyan, ang lason na nainom ni Mo Xuan Fei ay gawa ni Jun Wu Xie at ipinainom niya rin ang lason na iyon sa'kin. Sinadya kong dalhin kayo kay Mo Xuan Fei para siya ay tignan at gamutin para makita kung kaya mo o ni Jiang Chen Qing nq labanan ang lason na iyon. Kung isa man lang sa inyo ang nakagawa 'non, sinabi ko na noon mismo ang totoo."
"Ngunit pareho niyo akong binigo nang pareho niyong hindi nalaman ang dahilan ng sinapit ni Mo Xuan Fei. Paano ko sasabihin sa inyo? Senior, hindi ba' t lagi mong ipinagmamalaki ang sarili mo pagdating sa larangan ng medisina? Paanong napakadali kang naloko ng isang lason na gawa ng isang bata?" Naibsan ang bigat na nadarama ni Bai Yun Xian nang masabi niya iyon at nagawa niya nang ngumiti.
Gusto lang ni Bai Yun Xian ang mabuhay.
Kahit ang kagalang-galang na si Qin Yu Yan ay natalo ni Jun Wu Xie at iyon ay parang nagbigay nang lihim na kasiyahan kay Bai Yun Xian. Sa kabilang banda, mas lalo siyqng natakot kay Jun Wu Xie.
Si Jun Wu Xie ay may kakayahan at talento sa paggawa ng gamot na hihilingin ng Qing Yun Clan kung makikita nila iyon. Magaling si Jun Wu Xie at matapang, kung kaya naman ganon na lang ang takot ni Bai Yun Xian dito at ayaw niya na itong kalabanin kahit mayroon man siyang isandaang buhay. Gusto niya lang ang mabuhay at hindi ang kasuklaman.
Hindi makapagsalita si Qin Yu Yan habang humuhupa ang kaniyang nararamdaman. Tanging ang nagawa na lang niya ay titigan si Bai Yun Xian na parang lalamunin niya ito ng buhay!
"P.....uta....." Sa kabila ng kaniyang dinadanas, ay nagawa pang magmura ni Qin Yu Yan ngunit kasunod non ay nagsuka ito ng dugo at kumalat sa sahig.