"Sinusuyo mo ang kamatayan!"
Nagbago ang ekpresyon ng Void Stage martial artist nang lumabas sa kaniyang katawan ang nakakakilabot na aura sa anyo ng pagiging makapangyarihan at itinutulak pababa si Duan Ling Tian.
Naging bahagyang malamig ang tingin ni Duan LingTian at nanginig ang kaniyang katawan nang pilitin niyang tiisin ang makapangyarihang itsura ng lalaking nasa katamtamang edad.
Hindi siya nangahas na gumalaw, kung hindi ay talagang maaapektuhan siya.
"Hmph! Tingnan natin kung gaano katatag ang mga buto ng langgam na ito."
Umismid ang Void Stage martial artist. Ang makapangyarihang itsura nito na tumutulak pababa kay Duan Ling Tian ay mas lumakas pa.
Ang kaba sa katawan ni Duan Ling Tian ay dumoble, ngunit ang mga itim ng mata ni Duan Ling Tian ay humapit at pinagngalit niya ang kaniyang mga ngipin at nagtiis. Ang kaniyang kalooban ay matatag tulad ng isang bundok.