Sa malawak na kalangitan ng Remote Ocean, isang abot langit na liwanag ang makikita na nilalabas ng ginintuang santuaryo.
Umupo si Luo Feng sa harapan ng santuaryo, pero ang kanyang mga mata ay nakatingin sa napakalaki niyang god country habang dumadaan sa kanyang isipan ang mga larawan na naglalaman ng mga lihim na engraving. Walang tigil na umikot ang mga alaalang ito sa kanyang isipan at paminsan minsang nakakaalala ng tatlong mga misteryoso at napakagandang mga technique para sa pagteteleport, pananakal at pagseseal ng space… Ang mataas na naabot ni Luo Feng sa landas ng mga larawang naglalaman ng engraving ay nagresulta sa pagkakabuo ni Luo Feng sa mga technique na naglalaman ng kumpletong set ng space origin law, na naging dahilan kung bakit siya nakakaramdam ng sabik… sa bawat sandaling maiisip niya ang mga larawan na naglalaman ng mga lihim na engraving.