Si Flame Emperor ang namumuno sa lahi ng Flame God na nagmula sa sangkatauhan at nagtayo ng isang malayong teritoryo mula sa teritoryong hawak ng mga tao para mamuhay at magparami. Matapos ang maraming era, unti unting lumakas ang lahi ng Flame God at matapos samahan ng hindi mapantayang lakas ni Flame Emperor, walang sinuman ang nagawang bumangga sa lahi ng Flame God.
Masyadong malayo ang teritoryo ng Flame God at ng sangkatauhan sa isa't isa, pero madalas na pumapasok ang lahi ng Flame God sa mga digmaan sa labas at sumasali sa ilang grupo para labanan ang sangkatauhan.