Sou!
Kinuha ng higanteng diyos na halimaw ang mga tropeyo ni Luo Feng at lumipad pabalik na na parang isang kislap ng ilaw. Masyado itong naging mabilis kaya hindi na ito nagawang habulin ni Pei Feng Knight.
"Sa loob ng bulsa ko." ikinaway ni Luo Feng ang kaniyang kamay at nilagay ang space ring, ang world ring at ang armor type na tunay na kayamanan sa loob ng kaniyang world ring.
Isang mabagsik na sigaw ang tumama sa mga tainga ni Luo Feng "Blade River Emperor, masyado kang sakim!"
Tumalikod si Luo Feng at nakita ang pagsugot ni Pei Feng knight sa kaniya. Ngumiti ito at nakipagcommunicate gamit ang kaniyang boses. "Pei Feng Knight, isa ka nang kandidato sa pagiging isang sinasambang heneral. Ganito ka na ba talaga kamangmang? Naniniwala ka ba talaga na iiwan ni Bark Mirror Emperor ang mga maiiwan kong kayamanan sa sandaling mapatay niya ako? Nagbibiro ka siguro! Kung gusto mo ang mga ito, kunin mo gamit ang sarili mong mga kamay!"