Tanging mga nilalang lang na binubuhay ng laman at dugo ang makakapagsanay sa Nine Volume Manual. Ang katawang tagamosha ni Luo Feng ay isang energy type na nilalang, kaya mas mahina nang husto ang naging lakas nito kaysa sa orihinal niyang katawang lupa at golden horned beast, kahit matapos nitong imabsorb ng essence na nagmula sa isang orihinal na uri ng tunay na kayamanang "space heart."
Hindi nakalampas ang tagamosha niyang katawan sa limit ng pagiimprove ng 100 beses. Kaya nakatakdang mas maging mahina ang tagamosha niyang katawan kung paguusapan ang lakas. Mas magiging kapakipakinabang lang ito sa pagtakas, pagtatago at pagbabago ng anyo. Pero kung paguusapan ang pakikipaglaban, kinakailangan nang dumepende ni Luo Feng sa orihinal niyang katawan at sa kaniyang golden horned beast.
Para naman sa isang katawan na kagaya ng Nine Remoteness Ocean, pinili ito ni Luo Feng dahil sa tinatanglay nitong walang hanggang undying energy.