Sa teritoryong kontrolado ng prinsipe, ikinalat niya ang mga undying fighter at mga sector lord sa paligid para lang mahanap si Luo Feng. Bilang resulta, kahit na inutusan sila ng prinsipe na paligiran at pigilan si Luo Feng, matatagalan pa rin ang mga fighter na magtipon tipin at makarating sa lugar na iyon.
"Kinakailangan ko nang makatakas dito! Isip ni Luo Feng. Maaari ngang nakakalat ang army nito sa maraming lugar. Siguradong sinusubukan ng mga itong paligiran ako pero matatagalan sila na makapunta rito. Kaya magagawa ko pang makatakas kung magmamadali akong lumayo sa kanila.
Ginamit ni Luo Feng ang kaniyang Shi Wu Wing at nagsimulang lumipad nang mabilis, agad siyang naging beam ng silver na ilaw.
"Kinakailangan kong kunin ang aking advantage sa oras at makalayo sa abot ng aking makakaya" makapigil hininga niyang sinabi "Hindi ko dapat hayaang mapaligiran ako ng mga iyon. Dahil kung hindi, ito na ang magiging katapusan ko."
******