Kahit na palakaibigan silang nakipagusap sa isa't isa, naging matindi ang ginagawang pagiingat ng dalawang panig. Dahil kailangan nilang magkaisa para makapasok sa core area, kailangan muna nilang magkasundo sa ngayon.
Pero sa oras na makapasok sila sa core…
Sa pamamagitan ng magkabilang panig mula sa magkalabang kampo, agad silang maglalaban para sa kayamanan!
"Hehe." Tumingin si Purple Clock emperor sa grupo ni Luo Feng, naging kasing tulis ng blade ang ginawa nitong pagtingin.
Nanlalamig ding tumingin sa mga ito si Luo Feng.
Hindi itinago ng bawat panig ang galit nito sa isa't isa. Walang sinuman sa kanila ang mangmang kaya hindi na nila ito kailangan pang itago.
"Mga bangkay."