Sa loob ngisang sinaunang palasyo na nakatayo sa ilalim ng lupa sa main continent ng Yan Ji.
Makikita sa mga dingding ng palasyong ito ang ilang mga larawan ng pagsasakripisyo na naglalabas ng mahinang enerhiya ng origin law. Sa loob ng ilang trilyong taon, hindi pa nagagawang masira ng mga ito nang tuluyan. Nagulat nang husto si Luo Feng noon una niyang makita ang mga ito. Sino nga ba ang magaakalang may mga nilalang na nakatira rito maraming taon na ang nakalilipas.
Umupo siya sa sahig ng palasyo.
Nang biglang…
Rumble! Rumble! Rumble!
Magkakasabay na tumusok ang siyam na mga beam ng ilaw sa makapal na layer ng bato at direktang tumama sa palasyo. Agad na sinira ng napakatinding puwersa ng mga laser ang isang bahagi ng palasyo, maging ang space sa paligid ay napunit habang nagliliparan ang maliliit na bato sa paligid.
Nagising lang si Luo Feng nang tumama ang siyamg na mga laser sa palasyo.
"Hindi ito maganda!"