Matapos kimkimin ang hinanakit na ito sa loob ng higit 3,000 taon, walang tigil siyang nagaral at wala sa sariling pinalakas ang kanyang potion habang nangangarap ng isang paghihiganti sa mga ito balang araw. Palaging iniisip ni Poison na…kung hindi lang pinili ng ika 7 niyang kinakapatid na idistract ang kaiyang mga kalaban noon, maaari pa sana itong makatakas. Pero para mailigtas si Poison, bumalik ito para harangin ang makaliskis na undying na si Tuo Lu na naging kabayaran ng kanyang buhay.
"Nagtagumpay ako, ikapitong kapatid, nagawa ko rin sa wakas, napatay ko na rin ang halimaw na nangangain ng laman na iyon." Sigaw ni Poison sa kanyang loob. Sa loob ng higit 3,000 taon, nagawa na rin niyang tawanan at muramurahin ang pagsasakripisyong iyon, pero mananaili pa rin ang hinanakit na ito sa kanyang loob.
Tapos na ang paghihiganting ito.