"Fu Wei San, mas mahina ang scanning device na ginagamit ng target kaysa sa atin kaya hindi pa nila tayo nakikita." Mahinahong sinabi ng mukhang malakas na undying.
"Hm." Tumango naman ang mukhang walang kinatatakutang makaliskis na nilalang, tumama ang kanyang tingin sa higit 20 mga sector lord "Mga anak, hindi pa tayo nakikita ng atign mga targets kaya patago natin silang lalapitan. Tandaan ninyo na huwag na huwag kayong lalayo kay Tuo Lu, sa pamamagitan nito ay magagawa ng ating scanning device na majam ang kanilang scanning device na magtatago sa ating lokasyon."
"Opo." Mukhang natatakot ang 20 mga sector lord na sumama sa mga ito.
"Paliit na ng paliit ang ating distansya sa kanila, 10 million km, 8 million, 6 million…" mahinang sinabi ng mukhang malakas na undying.
"Bumabagal na tayo." Utos ng isa nilang kasama na may pangalang Fu Wei.
Mabilis na huminto ang nabubuhay nilang spaceship.