Tumayo si Luo Feng sa harap ng 9 universe bridge at tumingin sa walang hanggang tulay na sa kanyang harapan. Nakangiti niyang sinabi na "Matagal tagal na rin tayong hindi nagkikita, kaibigan. Natural lang na gulatin ko kayong lahat ngayong araw. Oras na para ibigay ko ang lahaet ng aking makakaya at ipakita sa lahat ang aking lakas."
Sou!
Agad siyang naging isang gintong beam ng ilaw at nawala papunta sa malayo, ito na ang pagsisimula ng kanyang pagsubok.
…
Habang sinisimulan ang kanyang pagsubok, sinimulan na ni Watchman Bevin ang pagpapadala ng mga sulat.
"Siguradong pinapanood ng maraming matataas na miyembro ang hindi mapapantayang henyo nitong nakaraang 10,000 eras na si Luo Feng." Bulong ni Watchman Bevin "Inutusan nilang lahat akong ipaalam agad sa kanila ang balita, sa oras na muli siyang sumubok sa tulay."
10 na sulat ang nagawa nitong ipadala sa loob ng isang iglap.