Hinatid ni Luo Feng si Hong pabalik sa tirahan ni Bushka noong araw ding iyon. Nagawa ring sabihin ni Hong habang paalis na "Kinakailangan ko talaga ang tulong mo sa problemang ito Luo Feng. Pero kinakailangan mo munang malaman ang tamang impormasyon at mga pangyayari na kaugnay sa sitwasyong ito bago subukan itong solusyunan. Kung magagawa talaga nitong masaktan si Ji Qing sa kahit anong paraan, hindi ko talaga…"
"Alam ko ito kuya Hong!" tango ni Luo Feng.
Ito rin ang rason kung bakit hindi nagpakilala si Luo Feng kanina. Noong dumating si Ji Lan Deng…agad na inudjust ni Luo Feng ang mga muscle sa kanyang mukha para maiwasan ang pagkilala sa kanya ni Ji Lan Deng.
Kahit anong mangyari!