Umupo sina Luo Feng, Rong Jun at Wuka sa sofa at nanood sa screen, makikita rito ang mga nagaganap na laban sa primal region.
"Tapos na ang kalahati sa mga gaganaping laban, malapit nang magharap sina Mo Luo at Simayan." Itinaas ni Wuka ang kanyang wine at dumekwatro "Ang sinumang matatalo sa kanilang dalawa ay kinakailangang makipaglaban para sa kanilang pananatili!"
"Hm." Titig ni Luo Feng sa screen.
Siguradong dapat si Mo Luo ang matalo sa labang ito!
Sa loob ng napakalaking villa ni Mo Luo sa primal region, nagindian seat siya sa ibabaw ng isang madamong lupain habang tahimik na nageenjoy sa pagninilay niya sa mga nagdaan niyang laban.