"Ipaiintindi ko sa iyo na hindi magiging mas malakas ang ikalimang level ng Nan Shen Armament na ginagamit mo sa ikaapat na level na ginagamit ko!" Isip ni Luo Feng sa kanyang loob habang nakatayo sa kanyang dark cloud shuttle, kasalukuyan nang mabilis na tumutusok ang malabong imahe ng gintong blade papunta sa kanya mula sa malayong lugar, pero nagawa nang ilabas ni Luo Feng ang isang bagay na parang isang ginintuang energy ball na bumalot sa poste niya ng totem.
Rumble…kahit na nagmukhang mabagal ang paggulong ng posteng totem ay agad nitong nasalag ang ginintuang imahe ng blade sa loob ng isang saglit.
"Nagawa niya talaga itong salagin? At malampasan!" Nanlalamig na tumingin ang lalaking nakasuot ng silver na armor mula sa malayong lugar.
"Chi chi chi…"