Sa heavenly bridge ng Virutal Universe.
Habang nakasuot ng full armor at boots, nagpakita si Luo Feng sa gitna ng isla na gumulat sa watchman na si Bevin habang tinitingnan ito at nakangiting sinasabi na, "10 taon na rin ang nakalilipas, bakit nga ba ngayon ka lang pumunta? Ilang beses na sumusubok ang mga kasama mo bawat taon."
"Ayokong madistract sa pagsasanay." Ngumiti si Luo Feng at naglakad palapit.
"Hm?" Nasurpresa ang watchman na si Bevin habang tinitingnan ang binatang may itim na buhok. Naramdaman niyang hindi na gaya noong dati si Luo Feng.
"Gusto kong subukan ang 9 universe bridge, puwede na ba akong tumawid?" tanong ni Luo Feng.
"Walang tao sa 9 universe bridge ngayon." Ngiti ng watchman na si Bevin.
"Salamat."
Ang bawat hakbang na ginagawa ni Luo Feng shua! Shua! Shua! Nag-iwan ito ng isang bakas ng kanyang imahe habang ang kanyang totoong katawan ay nagawa nang makarating sa mismong 9 universe bridge.