July 17, 2066 sa oras ng China, ang petsa kung kailan magsisimula ang arena wars.
Walang naging kahit anong pagbroadcast ang ginawa sa loob ng 100 na mundong pinagdausan ng elimination stage. Nagresulta ito sa pagkanerbiyos at pagkabagabag ng nasa 1.3 trilyong star fields ng buong Ganwu universe country, kasama ang hindi mabilang na mamamayan nito. Sabagay, tanging mga ranking lang ang kanilang nakita at hindi ang mismong laban! Pero ang sisimulang arena wars ay naging bukas sa kahit sinong nais manood sa mga labang gaganapin dito. Nagresulta ito sa pagiging matindi sa bentahan ng mga ticket sa arena na para bang isang tindero na nagbebenta ng mga hot cakes!
….
Nahahati ang arena war sa 1,000 na grupo! At nasa 200 na grupo ang maglalaban-laban araw araw.
Ang mga maglalaban sa unang araw ay ang group 1 hanggang 200.