"Kuya Hong," tawa ni Thunder God, "Hindi na ako magtataka kung bakit hindi kita magawang pantayan. Ganito pala ang isang domain!"
Tumawa si Hong.
Ang domain…
Kahit sa walang katapusang kalawakan ay makukunsidera ito bilang isang napakataas na state na mahirap abutin. Sa sobrang hirap ay hindi magagawa ng isang universe fighter na ipinapanganak sa isang galaxy na magkaroon ng sarili nitong domain!
"Kapatid," tingin ni Hong sa nakaputing robe na binata. "Matapos magwala ng nangangaing halimaw na iyon noong isang gabi ay nakasisiguro ako na nagpapahinga ito sa ilalim ng karagatan. Kung lalabanan natin ito hanggang sa kamatayan ay kinakailangan muna natin itong palabasin sa karagatan. Ito ang dahilan kung bakit ibabahagi ko sa iyo ngayon ang lahat ng aking kaalaman tungkol sa domain at ang magiging pakinabang nito sa iyo."
Tumango si Thunder God.