Itinadhana ang January 14 para maging isang kakaibang araw!
Makikita ang pagsugod ng hindi mabilang-bilang na halimaw sa mga ilog ng limang kontinenteng tinitirhan ng mga tao sa buong daigdig. Dahil sa layo nito ay hindi man lang nagawang makalapit ng karamihan sa kanila sa mga headquarter cities. Nagsimula na rin ngayon ang matinding sagupaan sa pagitan ng mga star traveller level fighters at emperor level monsters! Binroadcast naman ng bawat bansa sa buong mundo sa bawat headquarter city ang kanilang pakikipaglaban!
Nakasalalay sa bawat labang ito ang pag-asa ng nakararami.
At ang pag-asa ng sangkatauhan sa daigdig ay nagresulta sa isang walang hugis na aura! Isang aura na nakapagpapakulo ng dugo ng lahat na nakapagpatibay ng loob sa iilang nagdadalawang-isip na representative fighters na tumayo at lumaban ng taus puso!
Ang bawat laban ay naging madugo!