Mabilis na pumunta si Luo Feng sa banyo. Agad siyang pumasok sa shower at naligo gamit ng maligamgam na tubig.
Pagkatapos nito, sa pamamagitan ng isang isip ay isang ginintuang enerhiya ang bumalot sa kanyang katawan na nakapagpaevaporate sa mga patak ng tubig sa kanyang katawan. Mabilis siyang nagbihis at tumakbo pababa! Sa mga oras na ito ay naipark na ni Xu Xin ang kanyang sasakyan at naglakad habang dala ang kanyang mga pinamili.
"Wow." Bukas ni Luo Feng sa pinto.
"Marami-rami ang mga sangkap na binili mo ah." Nasurpresa si Luo Feng nang makita niya ang dala nitong basket.
"Maghintay ka lang at kumain," buong tiwalang sinabi ni Xu Xin. Matapos niyang ilagay ang dala niyang basket sa kusina ay agad siyang naglabas at nagsuot ng isang apron mula sa kanyang bag.
"Handang handa ka ah." Tawa ni Luo Feng.
"Siyempre naman!"