"Luo Feng, napili ko na ang mga bagay na kinakailangan mong bilhin mula sa listahang iyan. Isesend ko na sa iyong netbook ngayundin."
Inabot si Babata ng isang segundo bago makapili ng mga bagay na kanilang kinakailangan.
"Napakabilis mo!" nagulat ng husto si Luo Feng.
"Isa ako sa pinakamalakas na AI sa lahat, isang nabubuhay na AI! Kaya natural na mas mabilis ng husto ang aking processing speed kaysa sa mga computer na mayroon kayo ngayon." Maririnig mula sa boses ni Babata sa isipan ni Luo Feng ang kasiguraduhan nito sa kanyang kakayahan.
Sa loob ng study room.