Walang nag-akalang gagawin iyon ng War God. Hindi rin ito makakabuti para sa ibang mga God.
Ang World Ending Twin Snakes na muntik na sanang muling makulong nang isang buong era, ay nagkaroon ng pagkakataon na makatakas.
At kahit na sumarado pa in ang Ethereal Plane Seal dahil sa natitirang epekto ng Sealing Power, wala na itong katuturan.
Nakawala na ang World Ending Twin Snakes.
Pinilit ni Wayne maka-ipon ng enerhiya para makapagbukas ng isang Long Distance Lens spell para makita nila ang World Ending Twin Snakes. Ang nakita nila ay ang pagbagsak nito sa isang dagat ng yelo!
Ang Pambo Sea!
Tumakas na sila mula sa Ethereal Plane, umalis sa Sky Tower, at sa wakas ay nakabalik na sa tunay na mundo!
Kahit na sa panlabas ay nanghihina pa rin ito, si Marvin na lumaban sa mga ito, ay alam na hindi madaling kalabanin ang dalawang Ancient Evil God na ito. Siguradong makakabawi ang mga ito mula sa pinsalang natamo nila sa dalawang Seal.
Nanuod ang lahat habang binabasag ng World Ending Twin Snakes ang tipak ng yelo at ang tuluyang pagpasok nito at pagkawala mula sa mata ng mga tao.
Kapag mas malakas ang isang tao, mas malaki ang pagpapahalaga nila sa kanilang buhay, kasama na ditto ang World Ending Twin Snakes.
Matapos makawala sa ikalawang Seal, malamang ay magiging maingat ang mga ito.
Pinili nilang mawala sa mata ng mga tao sa ngayon para mag-ipon ng lakas.
Lalo pa at ito na ang era ng mga Gods Descent.
Maaaring hindi nila matalo ang mga Great God matapos silang makatamo ng pinsala dahil sa mga Six-Pointed Stars
Ang ganitong uri ng kalaban ang pinakanakakatakot sa lahat.
Kahit si Marvin ay nais munang magtago bago gumawa ng matinding hakbang.
Nagbago na ang lahat, ngayong mayroon nang dalawang powerhouse, na kinayang makipagsabayan kay Lance noon, na nagtatago. At pareho nitong gustong patayin si Marvin kaya naman bahagyang nanlumo ito.
Sa susunod na magkita ang mga ito, kahit pa hindi pa buo ang kanilang lakas, ay maaaring nabawi na ng Twin Snakes ang malaking porsyento ng kanilang lakas.
Kung hindi siya magiging mas malakas, mas malakas pa sa kasalukuyan niyang lakas, at mas malakas pa sa pinangarap niyang lakas noon, baka hindi niya magawang protektahan ang kanyang sarili lalo na ang White River Valley.
Idagdag pa na nagsuka ng dugo si Wayne nang dahil sa nangyari.
Malinaw na kahit na mayroon siyang napakalakas na Magic Power, malaking pinsala ang dinulot ng pangingielam ng War God sa kanyang katawan!
"Pinagmamasdan nila ang lugar na 'to!"
Tumingala si Wayne at tiningnan ang kalangitan.
Naunawaan nilang lahat ang ibig nitong sabihin.
Matapos madispatya ng mga God ang Astral Beast, hindi sila bumalik sa kanilang mga God Realm, sa halip, lumapit sila sa Feinan hanggang sa makakaya nila.
Kahit na hindi sila makakapasok sa Feinan sa ngayon nang hindi nagdudulot ng matinding epekto sa plane, hindi naman ito nangangahulugan na hindi sila mangingielam sa mga nangyayari sa Feinan sa pamamagitan ng iba't ibang pamamaraan.
Mabuti na lang at sila ay nasa Sky Tower. Namumutawi dito ang kapangyarihan ni Lance, pati na ang presensya ng Universe Magic Pool, kundi walang nakatakas mula sa spear ng War God!
Nakatakas mula sa kanila ang World Ending Twin Snake dahil sa malaki-laki ang lagusan ng Ethereal Plane. Dahil rin nakadisenyo ang Seal na ito na mas matibay ang isang parte nito… Mas madaling sirain ang Seal na ito mula sa labas kesa mula sa loob.
Idagdag pa na malakas rin ang mga Law ng Sky Tower. Kahit na hindi natukoy ng War God ang eksaktong lokasyon nina Marvin, madali lang para sa kanya na matantsa ang hangganan kung saan nagtatagpo ang dalawang magkaibang Plane. Isa pa malaki ang kanyang pupunteryahin, kya kahit pa humina ang kanyang speak dahil sa kapangyarihan ni Lance, tatamaan at tatamaan talaga niya ang lagusan.
'Hindi magiging madali ang mga susunod na araw!'
Makikita ang pait sa mukha ni Marvin.
Pagod na siya, ang kanyang False Divine Vessel ay bumabawi pa rin ng lakas, at ang Fate Tablet ay hindi pa maaaring magamit!
Sa mga susunod na araw, bukod na lang kung mamatay siya, hindi maiiwasan ang paghabol sa kanya dahil sa Fate Tablet.
Habang iniisip ito, biglang nakaisip ng mapusok na plano si Marvin!
'Wala na kong mapagpipilian…. Para sa White River Valley at kay Wayne, ito lang ang maaaring gawin.'
Isang matinding determination ang kumislap sa mga mata ni Marvin.
Pero nang sasabihin na niya sa lahat ang plano niya, biglang tumingin si Wayne sa lahat at snabing, "Pasensya na kayong lahat, sensitibo ang kalagayan ng kapatid ko kaya naman ako na ang humiihingi sa inyo ng tawad!"
"Umaasa akong hindi maapektuhan ng gagawin ko ang relasyon niyo o sa White River Valley. Pasensya na pero wala na akong magagawa."
Natutulirong nagtanong si Marvin, "Anong gusto mong gawin?"
Iwinasiwas ni Wayne ang kanyang kamay!
Bago pa magkaroon ng reaksyon ang lahat, lumiwanag ang puting ilaw sa kapaligiran.
"Woosh!"
Sa sumunod na sandali, naramdaman nilang nagbago ang paligid.
Tumingin sila at nakitang nasa labas na sila ng Sky Tower!
"Inilibas talaga tayo ng batang 'yon sa Sky Tower?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jessica.
Tumango si Ivan, makikita sa mukha nito na hindi ito natutuwa. "Baka para sa kanya, si Marvin lang ang maaari niyang pagkatiwalaan."
"Nakakabahala ang estado ni Marvin ngayon. At nasa loob pa ng katawan niya ang Fate Tablet. Marahil normal lang na hindi agad magtiwala sa sitwasyon na 'to."
Tumango ang Copper Dragon. Ang lahat ng mga nailabas ng Sky Tower ay maganda ang relasyon kay Marvin, kaya naman hindi sila nainsulto sa ginawa ni Wayne.
Pero gusto pa rin nilang malaman kung ano ang nangayari matapos silang ilabas ni Wayne.
Hindi naman nagtagal at nakuha na nila ang kasagutan.
Ang lahat ng mga powerhouse na nanunuod pa rin sa eksena ay natulala sa gulat nang biglang umangat ang Sky Tower!
Ang prestihiyoso at napakalaking Wizard Tower ay biglang lumipad!
Umabot ito sa ulap at mabilis na lumipad patungo sa Katimugan!
Paglipas ng tatlumpung Segundo, nakarinig ng pagsabo ang mga abalang mamamayan sa White River Valley!
Napatingala sila dahil sa gulat.
Nakita nilang isang mataas na Wizard Tower ang lumitaw sa Sanctuary, sa labas lang ng White River Valley!
Sa tuktok ng Wizard Tower, isang matang kumikinang na parang araw ang lumitaw. Nasinagawn ng araw ang bawat sulok ng White River Valley!
Maraming alikabok ang namumuo sa labas ng Wizard Tower.
Kinabahan ang mga gwardya ng White River Valley. Ang ilang powerhouse na nasa loob ng territory ay naghihintay ng pagkakataon para kumilis. Sa pamumuno ni Madeline; agad silang nagtipon sa lugar na malapit sa Tower.
Hindi nila nauunawaan kung bakit lumipad at napunta ang Tower na ito sa White River Valley!
Lalo pa at sinabi sa kanila ni Lord Marvin na walang maaaring pumasok ng Sanctuary nang walang pahintulot niya!
Anong mayroon sa liwanag na iyon?
Tila mas mainit ito at mas nakakapanatag ng loob kesa sa liwanag ng Source of Fire's Order.
Agad nanagpunta si Anna sa harap ng Wizard Tower nang mabalitaan niya ang tungkol dito.
Nang makita niya ang Wizard Tower, biglang kumabog ang kanyang dibdib dahil sa hindi malaman na dahilan.
Sinabi ni Marvin na kung ano lang ang pinahintulutan niya iyon lang ang makakapasok!
'Ibig sabihin, ang Tower na 'to….'
Habang iniisip niya ito, unti-unti nang nahahawi ang alikabok.
Isang matangkat na binate at isang bata ang lumabas, akay-akay ang isa't isa.
Maalikabok pa rin ang mukha ni Wayne pero malaki ang ngiti sa mukha nito.
"Kuya, nakauwi na tayo."
Tumango si Marvin, at kahit na hindi ito masyadong nakabati dahil sa nanghihina pa ang katawan nito, isang malakas na sigawan ang umalingawngaw sa White River Valley!
Nagbalik na ang Overlord! Pati na si Master Wayne!
Malaking balita ito para sa mga naninirahan sa teritoryo.
Ang hindi nila alam ay mananatili ang malamlam na dilaw na liwanag sa labas ng White River Valley nang pitong araw – Absolute Sanctuary.
Sa susunod na pitong araw, si Marvin at ang White River Valley ay malabong gambalain ng sino o kahit anong nangyayari sa labas.
Para kay Marvin, sapat na ang pitong araw.