アプリをダウンロード
94.28% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 693: The Final Sacrifice

章 693: The Final Sacrifice

編集者: LiberReverieGroup

Nang marinig ni Yin na ang susi ay ang Book of Nalu, napuno ng pagsisisi ito.

Hindi man pamilyar ang pangalan na ito sa mga pangkaraniwang tao, pero para sa mga matatandang nilalang gaya ni Yin, alam nito ang tungkol sa alamat ng Book of Nalu.

Sadyang hindi naniniwala si Yin na magagawang kolektahin ni Marvin ang lahat ng pahina ng Book of Nalu!

At kung magawa man niya ito, hindi pa rin ito nangangahulugan na isa isang mabuting bagay.

Ang pagkamatay ng makapangyarihang God ay isang leksyon kung gaano kapanganib ang Book of Nalu.

Pero maganda ang kanyang timpla dahil sa pagkakakuha niya sa Vampires's Secret Percept, kaya nagdesisyon siyang hayaan na kay Marvin ang kanyang Cloak. Sa halip, pinaalalahanan na lang niya ito, "Wala ka bang napapansing mali?"

'Mali?'

Naguluhan si Marvin.

Magtatanong na siya na kung ano ang ibig nitong sabihin pero bago pa man niya ito magawa, bigla na lang sumabog ang librong hawak ni Yin at binalot nito ang Vampire Primogenitor.

"Kung hindi ka mamatay ditto, umaasa akong magkikita tayong muli balang araw."

Kasabay ng pagkawala ng boses nito, nawala na rin si Yin sa kakaibang silid.

Nanatili naman na tahimik si Marvin.

Sadyang hindi isang pangkaraniwang nilalang ang isang libong taong gulang na Vampire na ito.

Nagmungkahi ito ng pakikipagtulungan kanina, pero sa huli, agad itong umalis matapos na makuha ang pakay niya. Sa ginawa nito, masasabing wala itong prinsipyo.

Pero hindi naman talaga umasa si Marvin na matutulungan siya ni Yin.

Sa katunayan, mabuti nang hindi siya tinraydor ng Vampire na ito para lang makuha ang Fate Tablet.

Matapos umalis ni Yin, naging mas panatag ang loob ni Marvin.

Ngayon ay hindi na niya kailangan alalahanin ang posibleng palihim na pag-atake ng Vmpire Primogenitor.

'Pero anong ibig niyang sabihin na may mali?'

Sumimangot si Marvin.

Naging maayos ang proseso ng pagkuha nila sa Fate Tablet, at wala slang nakaharap na problema. Ito kaya ang ibig sabihin ni Yin?

Hindi ito katulad ng ibang lugar na mayroong nagbabantay sa kayamanang nakapaloob dito.

Mas mabuti ng aba na maging madali ang mga bagay-bagay paminsan-minsan?

Lumingon si Marvin at tiningnan ang dinaanan nila papasok.

Tumagos sa dilim ang kanyang paningin at naaninag ang isang anino sa may lagusan/.

Isang babaeng naka-azure na damit!

Ang Azure Matriach!

Kumunot ang noo ni Marvin.

Muntik na niya itong malimuntan!

Sinundan siya at si Yin ng babaeng ito para makahanap ng pagkakataon na tanggalin ang selyo na nakalagay sa World Ending Twin Snakes!

Ngayon, dalawa sa mga pinakamahahalagang kayamanan sa lugar na ito na ang nakuha nina Marvin at Yin. Ngayon lang naging ganito kahina ang selyo ng Wold Ending Twin Snakes!

'Pucha, anong plano niya?!"

Agad na binilisan ni Marvin ang kilos patungo sa pasilyo.

Ang distansya mula sa kakaibang silid at sa pasilyo ay maikli lang kaya naman sandali lang binaybay ito ni Marvin.

Pero nang maka-apak si Marvin sa pasilyo, biglang nagbago ang kanyang reaksyon!

Ang pwersang pumipigil sa kanya ay naging mas malakas!

Tila tumatawid siya ng isang bundok sa kada hakbang niya!

Kapag nagpatuloy ito, hindi mapipigilan ni Marvin ang Azure Matriarch!

Nagngalit ang kanyang mga ngipin!

Endless Path!

Isang malaking pagsugal ang Endless Path habang nasa ilalim siya ng pwersa ng sealing power.

Ang kakaibang sealing power na ito ay mayroong napakalakas na restraining effect. Dahil sa paggamit ni Marvin ng Endless Path, mas malaki nang tatlong beses ang nababawas sa stamina ni Marvin.

Pero mas mabilis na ang kanyang kilos kesa kanina!

Pawis na pawis ang kanyang noo nang umabot siya sa bulwagan at nakita niyang mayroong ginagawa ang Azure Matriarch.

Anong ginagawa niya?

Pinagpatuloy ni Marvin ang pagtungo sa Azure Matriarch.

,..

Nandoon pa rin ang fountain na nasa gitna ng bulwagan.

Makikitang taimtim ang mukha ng Azure Matriarch.

Hindi mabilang ang mga kandilang hawak nito sa kanyang mga kamay.

Tila gawa sa dilaw na wax ang mga kandila.

Pero nang makita ni Marvin kung ano ang mga ito, halos masuka si Marvin!

Human Skin Candles…

Ilang inosenteng tao kaya ang pinatay nito para makagawa ng ganoong karaming kandila?

Ang bawat kandila ay gawa sa 99 na inosenteng kaluluwa!

Ito ang Chaos Power na nakukuha mula sa mga Ghost!

Wala namang magawa si Marvin habang pinapanuod ni Marvin ang Azure Matriarch na maglagay ng mga kandila sa paligid ng fountain.

Sa kada limang hakbang niya, naglalagay ito ng kandila sa lapag.

At sa mga oras na iyon, kita-kita ni Marvin na mayroong kakaibang pormasyon ang pumapalibot sa fountain.

Siguradong ang Azure Matriarch ang may kagagawan nito, sinasamantala niya ang pagkaktaon na mahina ang selyo.

Sa labas ng bulwagan, hindi mabilang na halimaw ang umaalulong na parang mga Ghost, at tila sabik na may hinihintay!

Napailing sa gulat si Marvin!

Muli nang bumalik ang kanyang paningin sa fountain.

Magkayakap pa rin nang mahigpit ang dalawang magandang pigura.

Pero sa mga oras na ito, tila kakaiba na ang reaksyon ng mga mukha nito para kay Marvin!

Kung hindi pa rin niya mapagtanto kung sino ang dalawang ito sa mga oras na iyon ay isa na siyang tanga!

'Ang dalawang iyon ang nakaselyong Twin Snakes!'

'Kaya naman pala napakalakas ng sealing power sa bulwagan na iyon at hindi nangangahas na pumasok ang mga halimaw na 'yon!'

'Ang fountain ang huling selyo!'

'Nakita ko na ang mga iyan sa mga sira-sirang mural, nagdarasal ang mga taga-sunod sa pares ng mga ahas na 'yon…'

Mabilis ang takbo ng isip ni Marvin habang inaalala ang mga impormasyon na mayroon siya tungkol sa kanila.

Isang mapait na ngiti ang gumihit sa labi ni Marvin.

'Alam ng aba talaga ni Yin ang tungkol sa selyo ng World Ending Twin Snakes?'

Kung alam niya lang na ang lokasyon na ito ang kinalalagyan ng selyo nito ay napaghandaan na niya ito at nakagawa ng mga hakbang para maiwasan ang pangyayaring ito! Hindi sana ganito kasama ang sitwasyon ngayon!

At ang lahat ng ito ay dahil sa kulang ang kanyang impormasyon!

Kaya ngayon, tila mahihirapan na si Marvin na pigilan ang Azure Matriarch.

Nang makalapit na si Marvin sa bulwagan, tapos nang ihanda ng Azure Matriarch ang mga kadila.

tinitigan nito si Marvin, makikitang puno ang mga mata nito ng pagkamuhi.

Nanatiling tahimik si Marvin habang sinusubukang ipagpatuloy ang paggamit sa Endless Path para makalapit pa.

Alam niyang may pagkakataon pa siyang makalapit bago ito matapos!

Pero sa pagkakataon na ito, isang hindi mapakaling ingay ang nagmula sa mga halimaw.

Isang hubo't hubad na babae ang itinutulak ng gagamba, natataranta ito habang pwersahan itong itinutulak papasok ng bulwagan!

Namutla si Marvin!

Ngumisi ang Azure Matriarch habang hinahalina ang babae.

Makikita ang takot sa mukha ng babae, at sa isang iglap, isang madugong rune ang lumitaw sa kanyang mala-porselanang balat.

Nabalot siya ng mga rune ng Evil God!

"Siya na ba ang Final Sacrifice?" Hirap na tanong ni Marvin.

Tila maganda ang timpla ng Azure Matriarch at nagpakita ng isang mapang-asar na reaksyon. "Paano kung siya na nga?"

"Sa tingin mo ba mapipigilan mo pa ako sa pagkakataon na 'to?"

"Pinatay mo ang nakababata kong kapatid, winasak mo ang lahat ng pundasyon ng Twin Snakes Cult sa Feinan."

"Ito ang kabayaran sa lahat ng pagkaka-utang mo, Marvin!"

Pinagpatuloy ni Marvin ang paglalakad patungo dito, sinusubukan niya itong libangin. "Pero dapat ako ang singilin mo sa lahat ng 'yan."

"Hindi ka dapat mangdamay ng inosesnte."

Humagikgik ang Azure Matriarch. "Pasensya na, ayaw na kitang kausap."

"Nagsimula na ang ritwal."

Habang sinasabi niya ito, kusang sumindi ang lahat ng mga kandila.

Umalingawngaw ang hiyaw ng babae sa buong bulwagan!


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C693
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン