アプリをダウンロード
82.04% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 603: Poison Drug

章 603: Poison Drug

編集者: LiberReverieGroup

Sa Rotten Mushroom Swamp, ang kagustuhan ng Snake Witch ang nasusunod.

Sinugurado ni Marvin na hindi masira ang kahoy na tableta sa baywang ng Snake Witch sa kanilang laban dahil alam niya na ito ang suso para ligtas na makapasok sa bahay nito.

Sa kabiglang banta, kahit na alam niya kung saan dapat dumaan, mayroon pa rin mga mekanismo at patibong na susubukan siyang patayin.

Sinundan niya ang isang maliit na daan sa tabi ng swamo, sinamantala niya na hindi pa gaanong makapal ang hamog at agad na pumasok.

Ang daan para makapasok sa bahay ng Snake Witch ay mahaba at maraming pasikot-sikot.

At habang papunta si Marvin, marami siyang dinaanan na balakid.

Isang mabagsik na Willow Tree, isang Squirrel na mayroon malaking buntot, at isang pugad ng mga ahas.

Ang mga halimaw na ito ay mapagbantay sa sino mang tagalabas, pero nang ilabas ni Marvin ang kahoy na tableta, walang kahirap-hirap siyang nakapasok.

Hindi lang nakaiwas si Marvin sa mga hindi kailangan na laban dahil sa bagay na ito, pero mahalaga rin ito para sa mismong pagpasok sa bahay.

Bilang isang mahusay na Alchemist, hindi pangkaraniwan ang bahay ng Snake Witch.

Kahit na mukha lang itong ordinaryong bahay mula sa labas, napakalaki nito sa loob.

Para itong maliit na Wizard Tower.

At ang susi para makapsok sa Wizard Tower ay ang tabletang kahoy, na dating kumakatawan sa estado ng Snake Witch sa mga Anzed. Kaawa-awa lang dahil hindi niya kailan man nabitawan ang mga nararamdaman niya para sa mrga Anzed.

Nang makapasok sa bahay, hindi na masyadong nag-isip si Marvin at agad na dumeretso sa mga mahahalagang bagay.

Hinawakan niya lang kung ano ang gusto niya, at hindi niya kinuha ang hindi niya kailangan.

Lalo pa dahil hindi naman siya isang tunay na caster, kaya hindi niya matatanggal ang lahat ng magical mechanism at mga patibong na inilagay ng Snake Witch sa loob.

Kung magiging pabaya siya at aksidenteng mahulog sa patibong, siguradong hindi maganda ang kalalabasan nito.

Ang unang palapag ng bahay ay ang sala. Isang mahabang lamesang gawa sa kahoy ang nasa gita ng kwartong ito, at sa dulo ng lamesa ay mayroong mataas na upuan na kakaiba ang hugis.

Mayroon ditong naka-ukit na pitong bulaklak, at isang kakaibang buwan.

'Ang ancient totem ng mga Anzed?'

Tiningnan itong mabuti ni Marvin. Ito ang unang beses niyang makapasok sa bahay ng Snake Witch, kaya ito rin ang unang beses niyang makikita ang mga bagay sa loob nito.

Mayroon ding labing dalawang mga kahot na upuan, mayroong tig-anim sa magkabilang gilid ng lamesa. Bawat isa sa mga ito ay malinis at makintab.

Napailing lang si Marvin. Naiisip ni Marvin ang Snake Witch habang nakaupo s upuang mayroong bulaklak at buwan, at nagpapantasyang maging Witch Queen, habang nakayuko ang Twelve Witches sa kanyang tabi.

Sa kasamaang palad, isa itong eksenang hindi mangyayari sa katotohanan.

Nilagpasan ni Marvin an lamesa at umakyat sa hagdan na nasa dulo ng sala.

Siguradong nasa ikalawang palapag ang mga magagandang bagay.

Ang ikalawang palapag ang laboratoryo at aklatan ng Snake Witch.

Maraming mahahalagang bagay sa maliit na bahay ng Snake Witch, pero dahil wala siyang kasamang Legendary Wizard, hindi nangahas si Marvin na kumilos basta-basta.

Maaari niya lang sundin ang naaalala niya sa nabasa niyang post at kunin lang ang mga mahahalagang item na walang patibong o magdudulot ng curse.

Habang sinisiyasat ang laboratoryo, nakahanap siya ng malinis na istante na kung saan nakalagay ang mga natapos nang Alchemy Item ng Snake Witch.

Mayroong apat na hati ang istanteng ito, ang bawat isa sa mga ito ay punong-puno. Ang mga bote ng medisina at mga item ay may tatak na nakasulat gamit ang isang kakaibang lenggawahe.

Ang Anzed Language.

[Burning Hot Power], [Anqima Poison], [Thunder Bless], [Major Wish]...

Ang bawat potion ay hindi bababa sa Legendary level!

Talagang karapat-dapat sa pagiging Legend Alchemist ang Snake Witch na nabuhay ng isang libong taon. Pambihira ang koleksyon ng mga item na ito. Kahit noong ni-loot ni Shadow Thief Owl ang imabakan ng kayamanan ni Diggles, wala silang gaanong nakuhang mga makapangyarihang potion.

Pero tiningnan lang ni Marvin ang mga bagay na ito.

Dahil alam niyang mayroong makapangyarihang Magic Array dito para protektahanan ang mga potion na ito.

Kailangan manggaling ang chant mula sa bibig ng Snake Witch para matanggal ang mga ito. At kung magawa man niyang may makuha mula sa istante, kailangan naman niyang harapin ang posibilidad na sumabog ang mismong potion.

Bukod sa hindi na ito mapapakinabangan ni Marvin, ma-titrigger ang bahay at ang lahat ng mga patibong at mekanismong mayroon dito.

Inalis na niya ang kanyang tingin sa mga potion na nasa pinakataas na hati, at napunta ang kanyang atensyon sa isang bote ng potion sa ikaapat na hati ng istante.

'Walang Magic Aray ang potion na 'to?'

'Ito ang pinakabago niyang nagawa, nawalan siguro siya ng oras…'

Matapos gumamit ni Marvin ng Earth Perception at nalaman ni Marvin na walang kahit anong protective spell ang bote na ito, makikita ang tuwa at gulat sa kanyang mukha.

Noong una ay tiningnan niya lang talaga ang istanteng ito dahil alam naman niya na protektado ang lahat ng laman nito. Nasurpresa siya noong mayroong kapaki-pakinabang sa mga ito na walang proteksyon.

Tulad na lang ng bote ng potion na ito na tinatawag na [Poison Drug].

Base sa tatak nito, ang [Poison Drug] ang pinakabagong nagawa ng Snake Witch, na ipinagmamalaki nito. Naisip lang ni Marvin na hindi pa nakaisip ng magandang pangalan ang Snake Witch para dito.

Ang epetko ng Poison Drug ay simple lang: sampung minuto matapos inumin ito, ang sino mang gumamit nito at tataas ng 10 puntos ang lahat ng kanilang Attribute!

Nakakamangha ang taas na ito!

Para kay Marvin na isa nang Legend, hindi maarok kung ano pa ang maibibigay sa kanya ng kaagdagang 10 puntos sa kanyang mga attribute.

Hindi niya lubos maisip, kung anong mangyayari sa Post-Godly Dexterity,na ngayon pa lang ay sapat na para durugin ang karamihan ng kanyang mga kalaban, paano pa kaya kung umabot ito ng 45! Sa tingin niya ay kakayanin na niyang tapatan ang isang Mid-God nang hindi siya dehado.

Dahil sa kanyang False Divine Vessel, magagawa na niyang malabanan ang kapangyarihan ng mga Plane Law Authority ng mga God. Para naman sa iba pang skill ng mga God, sa harap ng napakalakas na mga attribute niya, sadyang wala nang silbi ang mga ito.

Ang hirap isipin ng 45 Dexterity.

Dahil kahit siguro mga God ay hindi ito kayang abutin.

Bibigyan nitong kakayahan ang sino mang gumamit nito na kumilos nang napakabilis. Kahit ang pinaka-simpleng movement skill ni Marvin ay hindi makakayang matalo ng Teleportation Door ng mga Wizard o ang Flicker ng mga rouge, kung 45 ang kanyang Dexterity!

Ang pagkakaroon ng ganitong klaseng potion ay tila pagkakaroon ng napakalakas na alas.

Paanong hindi matutuwa si Marvin sa kanyang nahanap?

Pero syempre, hindi lang ito puro kagandahan. Pinangalanan ang potion na ito na Poison Drug dahil isa talaga itong nakakalason na gamot!

Kahit na mapapataas nito nang sobra ang potensyal ng isang tao, nakakalason naman ang mismong potion na ito. Habang umeepekto ang potion, pwedeng magamit ng uminom nito ang karagdagang lakas na ibinibigay ng potion habang umaasa sa resistance ng kanilang katawan para labanan ang lason.

Sa oras na matapos ang epekto nito, magsisimulang tumindi ang nakakalason na bahagi ng potion. Kahit pa isang God ang uminom nito ay maaaring maapektuhan ang kanyang Divine Source at mamatay ito at hindi na muling mabuhay.

Nakaramdam ng kaunting takot si Marvin habang binabasa ang paliwanag ng potion.

Ang potion na ito ay katulad lang ng kanyang Magic Addict Shape. Gagamitin lang ito kapag sobrang desperado na ang sitwasyon.

Bigla naman niyang maisip na maaaring magamit ang potion na ito kapag ipinares sa kanyang Magic Addict Shape!

Isang mapangahas at medyo nakakabaliw na plano ang nabuo sa kanyang isipan, pero sandali lang ito inisip ni Marvin. Mukhang malabi niya itong gamitin sa isang tunay na laban.

Maliban na lang kung kailangan niya talaga itong gamitin, ang ganitong uri ng alas ay mananatiling nakatago habang buhay.

Habang iniisip ito, itinabi na ni Marvin ang Poison Drug bago muling tiningan ang iba pang sulok ng laboratoryo.


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C603
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン