アプリをダウンロード
70.34% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 517: Pursuit!

章 517: Pursuit!

編集者: LiberReverieGroup

'Sino 'yon?'

Agad ma pumikit si Marvin at gumait ng Earth Perception.

Pumapasok sa kanyan isipan ang lahat ng paggalaw sa kanyang paligid, kahit na ang pagsabay ng damo sa hangin.

Sa hindi kalayuan, dalawang lalaking naka-itim na balabal ang nagmamasid sa kanya.

Nararamdaman ni Marvin ang bagsik na mga ito na ni hindi man lang tinatago ng mga ito!

Mga tauhan ng Dream Shrine!

Agad na minulat ni Marvin ang kanyang mga mata.

Napansin ni Marvin ang emblem na suot ng dalawang lalaki ay emblem ng mga high rank Guardian.

'Kahit na ang Holy Light City ang isa sa mga lugar kung saan nagaganap ang operasyon g mga God, wala naman dapat mga Guardian na ganoon katas ang rank dito.'

Kinilabutan si Marvin. 'Kung hindi ako nagkakamali, ang emblem na iyon ay sinusuot ng pinakamataas na mga Dream Guardian…'

'Basta mayroon silang sapat na kontribusyon, maaari silang itaas sa pagiging Divine Servant.'

Alam ni Marvin na ang pagkakaiba ng Divine Servant at ng Divine Guardian ay hindi kumakatawan sa pagkakaiba ng kanilang lakas. Mas tungkol ito sa mga titolo at karangalan.

Ang ilang Divine Guardian ay mas malakas pa sa mga Divine Servant.

Ang dahilang kung bakit hindi pa naiiba ang posisyon ng mga Divine Guardian na ito ay dahil puno na ang mga pwesto para sa Divine Servant, o di kaya, hindi pa sapat ang kontribusyon ng mga Guardian.

Maraming tauhan ang Dream Shine na mayroong sapat na kakayahan. At kahit ana ng Dream God ay hindi kasing lakas ng tatlong Great God, ang kanyang natatanging Domain ay nakakatakot pa rin.

Pinaniniwalaan na ang Dream God ay may kakayahan na kontrolin ang panaginip ng mga tao.

Maaari niyang patayin ang mga tao sa kanilang panaginip, at sinasabi na mayroon pa nga itong God na napatay sa pamamagitan ng pamamaraan na ito!

,

Syempre, ang lahat ng ito ay noong magulong 3rd Era. Natahimik naman na ang Dream God matapos ito.

Tinuturing pa nga itong maamo sa lahat ng mga New God, kahit na sa panlabas lang. Mabuti ang pagtrato nito sa mga powerhouse ng Feinan at marami itong naging kaibigan sa mga ito, at nagawa pa niyang mapa-anib ang mga ito sa kanya.

Isa itong bagay na makukumpira ni Marvin dahil sa ginawa ni Ambella.

Wala naman ginawa si Ambella kay Marvin noong una. At sa halip, nagpakita pa ito ng intension para makipag-ayos.

Pero sa pananaw ni Marvin, ang pakikipag-ayos na ito ay isang uri ng pagbabanta.

Sa pagkakaalam niya, mas matindi ang ambisyon ng Dream God kumpara sa iba pang mga New God. Mas paniniwalaan pa nito si Grant, ang God of Dawn ang Protection na pinatay ang sarili nitong kaibigan, kesa paniwalaan ang Dream God na pumapangalawa sa God of Deception sa panlilinlang sa mga tao.

'Hinabol pa talaga niya ko kahit nasa ibang plane ako, mukhang desidido si Ambella.'

Hindi maiwasan na tumaas ang tingin ni Marvin sa babaeng ito.

Mukhang ang pagiging unang Divine servant ng Dream God ay hindi isang pagkakamali, dahil nagawa nitong gumawa ng ganitong klase ng desisyon.

Pumalya ang pagpapa-anib nito sa kanya kaya kailangan nitong siguruhin na mamamatay siya.

Ang pagpapadala ng dalawang beternaong Dream Guardian para dispatyahin ang isang Legend na kailan lang nag-advance ay pagpapakita kung gaano kataas ang tingin nito sa kanyang kakayahan.

Marahil nagtataka ang dalawng Dream Guardian kung bakit nag-aabala ng ganito si Ambella para sa wala.

Lalo pa at ang karamihan ng mga Dream Guardian ay sinusubok sa pamamagitan ng pakikipaglaban nila sa mga Devil, mga Demon, at iba pang mga nilalang.

Ang isang pangkaraniwang Legend powerhouse ay pag-aaksaya lang ng kanilang oras.

Kung hindi nila kaya si Marvin, sana ay si Ambella na agad ang ipinadala o isang avatar ng Dream God!

Syempre, hindi ito kakayanin ni Marvin.

Kahit na natunton na niya ang kanyang mga kalaban, nasa mahirap na sitwasyon pa rin si Marvin.

Ang maganda lang dito, hindi pinapayagan ang pakikipaglaban sa loob ng Holy Light City.

Pero mayroon pa ring mga hindi nakasulat na batas sa dilim.

Kung hindi sila makita, kahit na mahanap sila at walang mag-aakusa sa kanila, kahit ang pagpatay at panununog ay ayos lang.

Isa itong pangkaraniwang patakaran sa lahat ng lugar sa Crimson Wasteland.

Alam na alam ito ni Marvin. Ang dalawang Dream Guardian ay naghihintay na sumapit ang gabi.

Mayroong araw at gabi sa Crimson Wasteland. Sadyang hindi lang halata masyado ang pagdilim dito.

"Isang malakas na pwersa ang Dream Shrine sa loob ng Holy Light City. Noong kausap ko si Griffin, sinabi niya sa akin na ang Dream Shrine ang una nilang pupuntahan.'

'Kung hindi ako makakatakas, dehado ako.'

'Halatang masyado silang kampante dahil wala na silang ibang kasama. Mukhang kaya sila nagpunta sa Holy Light City ay para hiramin ang makakalap ng impormasyon mula sa Dream Shrine at hindi para kumuha ng mga tauhan. Mabuti 'to.'

Mahinahon na inubuos ni marvin ang kanyang tinapay at nawala, mabilis siyang nagtungo palabas ng siyudad.

"Nakita na niya tayo. Alisto ang batang 'to.'

Ngumiti si Swift habang pinapanuod ang pagtakas ni Marvin, makikita ang panghahamak sa mga mata nito. "Sumasaya na ang misyon na 'to.'

"Wag kang maging pabaya." Paalala ni Wayn na nananatiling mahinahon."Siguradong malakas ang ng isang tao na mataas ang tingin ni Ambella."

Isang kakaibang reaksyon ang lumitaw sa mga ma ani Swift habang sinasabing, "Talaga ba? Itatanong ko kung ano mga kakayahan ng batang 'yan pagkatapos ko siyang patayin."

Pagkatapos ay bigla na itong nawala.

Napailing na lang si Wayn at tahimik na sumunod.

Mabilis na binaybay ni Marvin ang mga eskinita ng Holy Light City para tumakas.

Nadidispatya niya ang karamihan ng kanyang mga kalaban dahil sa kanayng Godly Dexterity.

Pero malinaw na hindi ito sasapat para sa dalawang Dream Guardian.

Walang magagawa si Marvin kundi umalis sa siyudad.

Ang siyudad na ito ang tahanan ng Dream Shrine, kaya mas mabuting lumaban siya sa kasulakan.

Napakabilis niya at sa isang iglap ay nakalabas na siya ng Holy Light City.

Dahil sa paghabol sa kanya ng dalawang Dream Guardian, wala siyang nagawa kundi sa pinakamalapit na gate lumabas at napunta naman siya sa kasukalan sa dakong hilaga.

Walang hanggan na bundok na balot ng nyebe ang nakikita niya sa malayo.

Lalo pang binilisan ni Marvin at nagmadali patungong hilaga. Kung hindi niya maililigaw ang mga ito, kakailangan niyang lumaban para sa kanyang buhay sa isang bundok.

Sinubukan niyang linlangin ang mga ito gamit ang kanyang Shadow Doppleganger at Paper Clone, pero tulad ng kanyang inaasahan, hindi mgapangkaraniwang sundalo ang mga ito.

Mayroong karanasan ang mga ito at nagawa nitong mahanap ang tunay na katawan ni Marvin.

Nahirapan si Marvin.

Nakaramdam ng panganib si Marvin dahil sa kapangyarihan ng dalawang Dream Guardian!

Matapos itong umalis ng Holy Light City, walang alinlangan nang pinamalas ng mga ito ang kanilang lakas!

Ito ang kumpiyansa ng isang hunter.

Nang maramdaman ito ni Marvin, mas lalo siyang nabahala, hindi niya mapigilang aminin na mabagsik ang dalawang ito.

Mayroon silang lakas ng mga Level 5 Legend o higit pa!

Sa madaling salita, sila ay masasabing isa sa pinakamalakas sa Feinan.

Tanging isang expert na gay ani O'Brien ang may kakayahang makipagsabayan sa mga ito.

Kahit si Ivan ay mayroon lang 50% na tyansang manalo laban sa dalawang ito.

Kung isa laban sa isa, kampante si Marvin na mapapatay niya ang mga ito gamit ang mga item at mga makapangyarihang property ng kanyang Legend class, pero ibang usapan na kung dalawa itong magkasabay na haharapin.

'Pahamak na Ambella.'

Lumitaw sa kanyang isipan ang mukha ng taga-sunod ng Dream God habang tahimik siyang nag-iisip/

Nagawa nitong makatakas sa ngayon, pero siguradong tutugisin niya ito pagbalik niya sa Feinan.

Habang iniisip ito, malayong distansya na pala ang kanyang narrating, nasa harapan niya na ang bundok na balot ng nyebe.

Ang magandang balita lang ay halos kasing bilis lang niya ang dalawang Guardian.

Malamang ay nasa God Dexterity rin ang mga ito. Dahil hindi pa nila nalalampasan ang kanilang limitasyon, makakasunod lang ang mga ito kay Marvin pero hindi nila mababawasan ang distansya sa pagitan nila.

'Mayroon kaya akong magagamit para mapigilan sila sandali at gaitin ang binigay na item ng Migratory Bird Council para makabalik sa Feinan?'

Nakakapanghinayang ito. Nagpunta siya sa Crimson Wasteland para sa isang misyon, at kahit na ayaw pa niyang bumalik kaagad sa Feinan, hindi naman siya gaanong mapangahas. Kahit na mahalaga na makapagpalakas siya, magagawa niya lang ito kung buhay pa siya.

Pero habang iniisip niya ito, mayroong gumalaw sa isang patay na puno sa bundok na nasa harapan niya!

Kumibot ang mat ani Marvin! Sa gilid ng kanyang mga mata ay mayroon siyang napansin na aninong papalapit sa kanya!

Mabilis naman ang naging reaksyon niya dito.

"Burst! Shadow Step!

"Woosh!"

Maririnig ang tunog ng pagkapunit kasabay ng pagkakaroon ng isang mababaw na butas sa baywang ni Marvin!

Tumulo ang dugo mula dito.

Naging seryoso ang mukha ni Marvin.

Tumayo lang siya doon, tinititigan ang palihim na umatake sa kanya.

Mukha itong matigas, pero sa katunayan ay mahusay ito.

Para itong isang mantis. Ang mga kamay nito ay parang mga patalim at malayang nakakapagpalit-palit ng kulay ang kanyang balat. Mayroong itong natatanging imprenta sa ulo nito, at nagpapakitang isa itong taga-sunod!

Isang Bladde Demon!

Tumigil rin ang dalawang Dream Guardian sa kanyang likuran.

Dalawa sa dakong timog, isa sa dakong hilaga, nahaharangan ng dalawang Dream Guardian at ng Demon ang daan ni Marvin.

"Nakakapagtaka…" Mahinahong sabi ni Marvin. "Kailan pa nagtulungan ang mga God at mga Demon? Ang pinakabagong miyembro ng Dream Shrine ay isang Blade Demon? Ang laking balita."

"Mamamatay ka na pero kung ano-ano pa rin ang sinasabi mo?" Panunuya ni Swift.

"Walang kaming koneksyon sa basurang Demon na iyan, pero mukhang pambihira ang kakayahan mong humakot ng problema. Mahabang panahon na mula noong huli akong nakakita ng isang Human na ginalit ang parehong mga God at ang mga Demon ng Abyss nang sabay. At umaasta ka pa rin na kakayanin mong makalabas dito nang buhay."

Nanatili lang tahimik ang Blade Demon, at tinititigan lang nito si Marvin.

Ang mga kamay nito ay napakatalim at kaya nitong salagin ang Legendary curved dagger ni Marvin.

Nakakatakot na kalaban rin ang Demon na ito!

Hindi rin sigurado si Marvin kung matatalo niya ito sa isang dwelo, paano pa kaya ngayon na mayroong dalawang Dream Guardian na nagmamasid sa kanya.

Umirap ito at sinabing, "Kung ganoon, bakit hindi niyo muna lutasin ang matagal niyo nang alitan?"

"Isa lang naman akong pangkaraniwang Human, pwede niyo kong patayin ano mang oras. Bibihira lang dumating ang ganitong pagkakataon, ayaw niyo bang pag-usapan muna?"

"Mahina at tusong tao," panunuya ni Swift.

"Siguradong mamamatay ka ngayon. Syempre, mamamatay rin ang Demon na 'yan."

"Swish!"

Bago pa man muling makapagsalita si Marvin para pilitin na kalabanin ng mga Dream Guardian ang Demon, biglang inatake ng Demon si Marvin!

Hindi kapani-paniwala ang bilis nito!

Kahit si Marvin ay nahirapan salagin ang atake nito.

"Klang!"

Walang habas na umatake ang Blade Demon, at napilitan si Marvin na gamitin ang Azure Leaf para salagin ito.

Pero nakaramdam siya ng sakit sa kanyang braso!

'Pucha! Ang lakas!'

Nanindigan na si Marvin. Dahil umabot na sa ganito ang sitwasyon, wala siyang magagawa kundi ibuhos ang kanyang lakas!


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C517
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン