アプリをダウンロード
67.61% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 497: Altar

章 497: Altar

編集者: LiberReverieGroup

Sa daan papasok sa lambak, maraming awra na mala-Devil ang pinakawalan.

Ginamit ni Marvin ang Shadow-shape ng Shapeshift Sorcerer at sinumulang umikot sa lambak.

Sa kalapit na lugar, nakakita siya ng ilang bangkay ng mga Trapper na nakasabit sa mga poste.

Ang mga bangkay ng mga Trapper ay mukhang mga balat ng tao, nakakadiring tingnan ang mga ito habang nakasabit.

Nagdesisyon si Marvin na gamitin ang Shadow-shape dahil hindi ito tinatablan ng mga affliction ng hamog, kaya maiiwasan niya ang ano mang pantal o iba pang epekto nito sa kanyang katawan.

At ang mala-Devil na awra ay isang tunay na paghahamon.

Ang katawan ni Marvin ay mayroong inheritance mula sa mga Devil, kaya ang ganitong klase ng awra ay hindi maitatago sa isang makapangyarihang Demon.

Alam naman ng lahat na mortal na magkalaban ang mga Demon at mga Devil!

Kahit saan pa ito, kapag nagtagpo ang isang Greater Devil at Greater Demon, laging maglalaban ang mga ito hanggang kamatayan. At syempre, direkta at mabagsik na aatake ang Demon, habang ang Devil ay magpapakatuso at manlilinlang.

Sinadyang ipalabas ni Marvin ang kanyang awra para mapukaw ang atensyon ni Balk.

Kahit na hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa lambak, hindi nawala ang sama ng kutob niya.

Malinaw na hindi niya dapat pasukin ang teritoryo ng isang Demon Wizard.

Sinusubukan niyang palabasin ang ahas na ito mula sa lungga. Kung magagalit niya si Balkh, mas mabuti ito.

Sa kasamaang palad, matapos lumipas ang oras, wala pa rin ano mang senyales ng akribidad sa loob ng lambak.

Hindi mapigilang sumimangot ni Marvin.

Nagpapatuloy pa rin ang nakakatakot na eksperimento sa altar.

Walang emosyon lang pinanuod ni Balkh ang paghihirap ng lalaki. Namuti na ang mata nito at bumubula na ang kanyang bibig habang nanginginig ang katawan nito.

Ito ay mga sensyales ng pagsakop ng isang Demon Spawn sa isang katawan.

Hindi naman siya gaanong natuwa sa naging resulta.

Gusto niya ng taong mayroong malakas na pangangatawan at malinaw na pag-iisip, isang taong mapamumunuan ang isang hukbo sa labanan. Ayaw niyang magkaroon ng hukbo ng mga Demon na walang alam sa istratehiya at walang ibang alam gawin ay pumatay at umatake.

Napakarami nang Demon na pagpatay lang ang alam, habang walang makikitang Demon na may taglay na katalinuhan.

Hindi pinansin ni Blakh ang babala ng Magic Dragon.

Bilang isang matalinong Demon Wizard, hindi interesado si Balkh sa tinatawag na pagiging mortal na magkaaway ng mga Demon at Devil.

Kung gustong umatake ng isang Human na mayroong Devil bloodline, abalahin ang kanyang eksperimento, at hamunin ang kanyang lakas, walang problema sa kanya ang pagpatay dito.

Pero ang pagpapalabas sa kanya mula sa kanyang teritoryo… Gagana lang ang paraan na ito sa karamihan ng mga Demon, pero hindi kay Balkh.

Isa lang ang sinabi niya sa kanyang alaga: "Ipagpatuloy mo lang ang pagbabantay."

"Kung subukan niyang sumugot, sabihin mo kay 29th na humanda sa laban."

Tumango ang Magic Dragon bago nagtanong, "Paano kung matalo si 29th?"

Ngumisi si Balkh, "Edi hayaan mong puntahan at hanapin ako ng Human na 'yon dito sa altar."

"Aahh!"

Napasigaw ang lalaki at pagkatapos ay bumalik na sa pagiging mahinahon ang mukha nito.

Bigla namang kuminang ang tuwa sa mat ani Balkh at muling tinuon ang kanyang atensyon sa kanyang eksperimento!

Nagpaikot-ikot si Marvin sa daan papasok ng lambak, pero wala pa rin pagkilos ang kanyang kalaban.

Nararamdaman niyang mayroong nagmamasid sa kanya, Inakala niyang lalabas na rin agadf si Balkh, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kumikilos ang kalaban.

Nagbago na ang opinyon niya tungkol kay Balkh.

Hindi pala ito pangkaraniwang Demon Wizard.

Nagagawa talaga nitong balewalain ang pagiging mortal na magkalaban ng mga Demon at Devil. Ibig sabihin, hindi pala gaanong mahalaga sa kanya ang kasikatan at dignidad.

Maaaring isang henyo …o isang baliw ang nilalang ito.

Maging alin man ito sa dalawa, hindi ito maganda para kay Marvin.

Dahil hindi niya napalabas si Balkh, hindi na gumana ang plano ni Marvin.

Marahil pinagmamasdan siya nito at sinusubukang sukatin ang kanyang lakas. Kaya naman, mapanganib kung magtatagal pa siya rito.

Sa oras na ito, ang maaari na lang gawin ni Marvin ay ang direktang umatake!

Kung tutuusin, tamad na tao si Marvin. Kung maaari niyang mahuli ang manok nang direkta, hindi na niya ito gagawing kumplikado. At kung kaya niyang ma-assassinate ang isang tao, hindi siya magsisimula ng isang dwelo. Sa kabilang banda, desidido at mabagsik na tao si Marvin.

Ngayong pumalya ang kanyang unang plano, agad niyang sinimulan ang pangalawang plano.

Kinansela na niya ang Shadow-shape.

Tila may sariling pag-iisip ang hamog at agad itong lumapit nang gawin niya ito.

Ngumisi si Marvin.

Malinaw na mayroong nagmamanipila sa hamog. Kahit na hindii to si Balkh maaaring tinutulungan siya ng ibang Demon.

Pero base sa impormasyong nakuha niya sa kampo, mag-isa lang si Balkh, at bukod sa Magic Dragon na alaga nito na hindi kailan man umalis sa tabi niya, kakaunti lang ang mga Demon na may kaugnayan sa kanya dito.

Ang nagmamanipula ng hamog ay hindi si Balkh, kundi ang Magic Dragon.

Ang isang nilalang na katulad ng Magic Dragon ay isang alaga na inaasam-asam ng mga Wizard. Maaaring mapalakas nito ang magic ng isang Wizard, at maaari ring mapabilis ang casting speed.

Pero nakatira sa isang malayo at hindi pangkaraniwang plane ang race na ito. Kakaunti lang ang nakakahuli sa Magic Dragon at nagagawa itong alaga.

Tungkol naman sa Magic Dragon ni Blakh, malamang ay sinwerte lang ito kaya niya ito nakuha… O hindi kaya, ang ama niya, na si Demon Lord Balkh, ay ginamit ang sariling pwersa nito para mahuli ito.

Gayunpaman, kung haharap sa isang Demon Wizard na mayroong alar at Magic Dragon, hindi na masama ang maging masyadong maingat.

Ginamit ni Marvin ang kanyang Legend Skill, [Summon – Shadow Dragon]!

Isang malaking Teleportation Gate ang biglang namuo.

Pero sa pakakataon na ito, ang kanyang specirlty na [Double Efficientcy] ay hindi umepekto. Anim na Shadw Dragon lang ang lumitaw sa itaas ng lambak.

Pero para kay Marvin, sapat na ito para sa isang maliit na lambak!

Malakas na umalingawngaw ang atungal ng mga Dragon mula sa Teleportation Gate.

Ayaw nang bigyan pa ni Marvin ng pagkakataon na makakilos ang kanyang kalaban.

Nang matapos na ang pag-summon niya sa mga Dragon, sinimulan na niyang gamitin ang kanyang sariling Shapchange skill, [Advanced Shapechanging – Royal Griffin].

Dahil sa epekto ng nag-aalab na Nature Power, nagsimulang magbago ng anyo ang katawan ni Marvin.

Sa isang iglap ay naging Griffin si Marvin!

Ang Griffin na ito ay naiiba sa pangkaraniwang Griffin. Tila mayroon itong korona sa ulo at nababalot ng ginintuang balahibo, at mayroong itong inilalabas na ginintuang liwanag!

Tiningnan naman ni Marvin ang kanyang interface:

[Royal Griffin (Legend)]

[Origin: Advanced Shapechanging]

[Ability 1: Fighting Halo – (+5 Courage)]

[Ability 2: Affliction immunity – Immunity sa lahat ng negative status effects]

[Ability 3: Bloody Roar – Kapag umatungal ito, lahat ng nasa maabot nito ay sasailalim sa isang willpower check. Ang hindi makapasa dito ay matatakot.]

Namangha si Marvin sa pagbabago sa kanyang interface.

Wala na siyang oras para tingnan ito nang mabuti at agad na napaisip na: Ang lakas!

Karapat-dapat naman maging pinakamalakas na Griffin ang Royal Griffin. Ang lahat ng ability na nakuha niya ay pambihira. Tunay ngang napakalaking kayamanan ang binitawan ng Migratory Bird Council ngayon. Mukhang napakahalaga talaga sa kanila si HalfGod Minsk.

Hindi na ito masyadong inisip ni Marvin. Matapos maging isang Royal Griffin, direkta siyang gumamit ng [Bloody Roar]!

Kasabay ng pag-atungal ng Griffin, biglang bahagyang humupa ang gumagalaw na hamog at nakakagulat na nakikita na ni Marvin nang malinaw ang istruktura ng lambak!

Hindi ganoon kalaki ang lambak, kaya naman nakikita na niya ang Demonic Altar mula sa malayo!

Umatungal si Marvin at direktang sumuong sa mahamog na bahagi ng lugar kasama ang anim na mababagsik na Shadow Dragon!

Magdudulot ng nakakatakot na epekto ang hamog sa mga Human at karamihan pa ng mga Race, pero sa harap ng immunity ng Royal Griffin, isa lang dekorasyon ang ang hamog na ito. Habang ang mga Shadow Dragon naman ay dating mga nilalang ng shadow realm, kaya naman mahirap mapinsalaan o ma-curse ang mga ito.

Sunod-sunod na sumugod ang anim sa lambak, kaya naman nanginig ang buong lambak.

Habang lumilipad si Marvin sa lambak, tiningnan niya ang matangkad na Demon na nasa tabi ng altar.

Isang pambihirang Demon si Blakh.

Gumagamit ito ng Disguise sa kanyang sarili para magmukha itong elegante at maamo.

Pero hindi niya maitatago ang kanyang natural na awra ng kabaliwan at kabagsikan. Siguradong isa nga itong Greater Demon!

'Anong ginagawa niya?'

Naguguluhan si Marvin.

Sa tabi ng altar, mayroong lalaking nakahiga, at matindi ang panginginig nito!

'Nag-eeksperimento ang lalaking 'yon!'

Nakadama ng maraming kulungan si Marvin sa kaibuturan ng lambak!

Lahat ng uri ng Human ang nasa kulungan na ito, malakas, mahina, matanda, bata, lalaki at babae!

Walang galit sa mata ng mga taong ito. Mukha nawalan na sila ng pag-asa.

Hanggang sa nagising sila sap ag-atungal ng Griffin!

"Balkh!"

Matapos maging isang Royal Griffin, nakakapagsalita pa rin si Marvin. Habang pasugod ito kay Balkh, sumigaw ito ng. "Oras na para tapusin ang mga masasama mong eskperimento!"

Pinaikutan ng anim na Shadow Dragon ang kalangita, at sineselyohan ng mga ito ang lahat ng psibleng gawing daan para makatakas.

Dahil sa makipot ang lambak, hindi na pinababa ni Marvin ang mga ito.

Nang makalagpas siya sa hamog, kailangan niya ang Shadow Dragon bilang harang, pero para sa isang melee battle, maaari naman siyang magsiyasat nang mag-isa.

Malinaw na masama ang timpla ni Balkh nang manggulo si Marvin sa gitna ng kanyang pag-eeksperimento.

Bigla naman itong tumingin sa itaas, pero isang nakakatakot na talon ng Griffin ang agad na kumapit sa ulo nito!

Pinira-piraso ni Marvin ang ulo ni Balkh!

Agad naman siyang napaisip, "Mayroong mali!"

Nanlumo si Marvin. Tulad ng kanyang inaasahan, muling nabuhay si Balkh sa altar!

'Talagang kakaiba ang mga Abyssal Spell.'

Biglang nakaramdam ng matinding sakit si Mavin sa kanyang mga talon!

Ito ay dahil sa kanyang immunity. Kung nasa normal na anyo siya, siguradong nagsimula na sanang mabulok ang kanyang katawan!

"Ang lakas ng loob mong hamunin ang isang Demon Wizard sa harap ng kanyang altar?"

"Hindi ka ba tinuruan ng kahit anong tungkol sa Abyss, batang Druid?"

Walang emosyon naman itinaas ni Balkh ang kanyang sheep-head staff at tinutok ito kay Marvin na muli nang lumipad sa ere.


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C497
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン