アプリをダウンロード
67.21% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 494: Dream Guardian

章 494: Dream Guardian

編集者: LiberReverieGroup

Ang Abomination ay hindi talaga isang nilalalang ng Abyss, sa halip, isa itong Astral Monster.

Ang itsura ng Abomination ay halos pareho sa mga tao, pero ang katawan nila ay napakapangit dahil dumaan sila sa isang mystical radiation.

Kaya naman kasing tibay ng mga diamante ang mga katawan nito, at ang mga kadena sa kanilang mga kamay at paa ay ang ginamit ng Balkh para kontrolin sila.

Siguradong ma-aalerto si Balkh na mayroong nakapasok sa kanyang teritorup kapag pumatay siya Abomination.

Kakaunting tao lang ang gagawa nito dahil magiging mas maingat ang kanilang kalaban.

Pero ang kabaliktaran nito ang ginawa ni Marvin.

Ang pagkatalo ng dalawang Assassin ang nagpapatunay na maraming karanasan si Balkh pagdating sa pag-assassinate sa kanya.

Kahit na ang Ruler of the Night ay isang rouge class,wala silang mga specialized assissin skill tulad ng mga Ace Assassin. Ang lakas ni Marvin ay nasa mga melee battle. Maging isang dwelo ito o laban ng kupunan, matutulungan siya ng kanyang mga katangian bilang Ruler of the Night.

Dahil hindi gagana kay Balkh ang mga pangkaraniwang pamamaraan sap ag-assassinate, naisip ni Marvin na mas mabuti pang pilitin niya itong lumabas at kumaban nang harapan.

Sinunod niya ang kanyang instinct at hin ina siya lumapit pa sa Demoinic Altar.

Walang nakakaalam kung konektado ba ang altar sa Abyss Plane…Mayasdo nang katawa-tawa kung apag padalos-dalos itong nahila sa Abyy.

Sa Pagkakataon na ito, wala na si Jessica para dahin siya pabalik.

….

Kumislap ang mga Azure Leaf bago pa man nakagawa ng kahit anong ingat ang Abomination, nahulog ang ulo nito sa lupa!

Pero hindi pa rin nagpakakampante si Marvin.

Wala siyang natanggap na exp, ibig sabihin, hindi pa patay ang abomination!

At tulad ng inaasahan niya, ang Abomination na pugot na ang ulo ay bigla na lang tumalikod, at papunta na sa kanya ang kamao nitong may kadena!

Sumimangot si Marvin at gumamit ito ng Shadow Step para makaiwas sa pag-atake ng kalaban. Ilang saglit lang, walang awa niyang inatake muli ito gamit ang dagger sa kanyang kaliwang kamay, at naputol naman nito ang kamay ng Abomination.

Tunay na isang malaking tulong ang mga dagger ng Great Elven King sa lakas ni Marvin sa pakikipaglaban.

Kung ibang tao ito mula sa kampo, baka aabutin pa ito ng ilang pag-atake bago nito maputol ang kamay ng Abomintation.

Pero ang mga bonus ng kanyang dagger ay umepekto noong tinatamaan niya an Legendary Monster.

Mas bumilis at mas napadali ang kanyang pakikipaglaban dahil sa mga bonus na ito.

Kaswal na lumapit si Marvin at humina ang depensa ng Abomination dahil sa atake ni Marvin. Bago nagtagal, napaira-piraso na ito ni Marvin.

Kahit na ang proseso ay hindi tulad ng kanyang inaasahan, nagawa pa rin niyang mapatay ang Abomination tulad ng inaasahan.

Malaki ang exp na nakuha ni Marvin sa pagpatay sa Abomination, pero wala siyang pakialam dito.

Tiningnan niya ang [Night Kill] niya.

Sa ilalim nito ay mayroong secondary ability na [Spirit Orb].

Ang Spirit Orb ay isang makapangyarihang special ability na na-activate na ni Marvin sa Saruha. Ngayon lang niya nalaman kung paano gamitin na ito.

Pero aksidente niyang nalaman na ang Spirit Orb ay hindi isang passive skill.

Kung gusto niyang makuha ang kaluluwa ng namatay, kailangan niyang i-activate ang ability ng Spirit Orb. Sa proseso na ito, doble ang bilis ng pagbaba ng kanyang stamina.

Ginamit lang ni Marvin ang skill na ito bago niya pinatay ang Abominition.

Pagtapos, nagbago ang data ma pinapakita para sa Spirit Orb sa [6/200].

Dati ay 0 lang ito.

Ibig sabihin, ang halaga ng kaluluwa ng Abomination ay katumbas ng 6 na unit ng soul point.

Kung maka-ipon siya ng 200, makakakuha si Marvin ng isang soul ability na maari niyang magamit nang isang beses.

Hindi alam ni Marvin ang tungkol sa eksaktong skill, pero dahil nakita niya na kapaki-pakinabang ang skill na ito, wala namang problema sa kanya ang pag-iipon ng skill point baka sakaling kailanganin niya ito.

Mabuti na lang para sa kanya, maraming halimaw sa Withered Leaf Promenade. Lahat ng mga halimaw na ito ay mga Legend Monster at ang kalidad ng kanilang mga kaluluwa ay siguradong may kagandahan. Maaaring makaipon na ang kanyang Spirit Orb bago pa niya makaharap si Balkh.

Nasasabik siya sa kung anong klaseng ability ang matutunan niya mula sa Spirit Orb.

Sa Feinan, hindi dapat maliitin ang mga soul-ability.

Matapos niyang madispatya ang Abomination, nagpatuloy na si Marvin.

Maraming mga halimaw ang nagpapaikot-ikot sa Withered Leaf Promenade. Bukod sa mga Abomination, ang mga Trapper at Troll ay mga mapapanganib na kalaban rin.

Ang dalawang nilalang ito ay mayroong malakas na concealment abilitu, lalo na ang mga masasamang Trapper. Kung hindi ang dahil sa dalang dose-dosenang mga Sun Sphere, baka nahirapan siya.

Gayunpaman, dahil lang sa kanyang napakalakas na kakayahan, nagpatuloy lang si Marvin sa paglalakbay sa Withere Leaf Promenade habang dinidispatya ang mga halimaw.

Sa kabilang dako ng Crimson Wasteland.

Isang bahag-hari ang lumitaw at bumaba sa mapanglaw na kalupaan.

Tatlong anino ang nasa itaas ng bahag-hari, naglakad pababa ang mga ito hanggang sa maka-apak na sila sa Crimson Wasteland.

"Crimson Wasteland… Ilang taon na rin ang lumipas…" Isang boses ng lalaki ang maririnig mula sa mga ito.

Isa pang lalaking walang emosyon sa mukha ang tumalikod at nagtanong, "Kailangan ba talaga? Na sundan natin ang pesteng bata na 'yon na kailan lang naging Legend?"

Isang mahinhin na babae ang nasa likod niya. Kung naroon si Marvin, makikilala niya ito.

Nakakagulat na ito ang Divine Servant ng Dream God, si Ambella.

Seryosong sinabi ni Ambella, "Malaking banta siya."

"Swift, wag mong isipin na wala nang makakatalo sayo dahil lang natalo mo si Kedra. Hangga't hindi ka pa ginagawang 2nd Divine Servant ng ating God, kailangan mo pa rin makinig sa mga inuutos ko."

Suminghal si Swift, makikita ang pagkayamot sa kanyang mga mata.

"Para sa akin, ang tunay nab anta ay nasa Feinan!"

"Naaalala niyo pa ba ang pesteng Lorant na 'yon? Ang matandang deer at ang grupo ng mga Druid? Hindi rin natatahimik ang Thousand Leaves Forest. Nabalitaan kong mayroong War Saint ang mga Wood Elf! Isang Domain 'yon na hindi kayang abutin ng mga High Elf." Panunuya ni Swift, "Sa totoo lang, wala akong nakikita sa bata na 'yon kundi swerte lang talaga siya."

"Ambella, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa ng dalawang Dream Guardian para lang patayin ang isang batang kailan lang naging Legend!"

Ngumisi si Ambella, "Hindi mo naiintindihan? Oo nga pala."

"Dalawang daang taon na ang nakakalipas noong pareho pa lang tayong Dream Guardian, at ngayon ako na ang 1st Divine Servant, habang Guardian ka pa rin."

Namula ang mukha ni Swift. Tila ayaw naman madamay pa ng isa pang Guardian kaya naman hindi na lang ito nagsalita.

Unti-unti nang nawawala ang bahag-hari. "Kailangan mamatay ni Marvin," Pagbibigay diin ni Ambella.

"Kung magagawa mo ang misyon na 'to… Siguro… pag-iisipan ko ang hinihiling mo."

Kuminang ang mga mat ani Swift. May gusto pa sana itong sabihin pero nawala na si Ambella.

Mayroon siyang mas mahalagang misyon sa Feinan.

"Wag mon ang masyadong pansinin. Nag-aalala lang si Ambella na masyado mong minamaliit ang kalaban," malumanay na sabi ng isa pang Dream Guardian habang papalapit ito.

"Alam ko, Wayn!" Biglang nagbago ang ugali ni Swift. Namula ang kanyang mga mata habang nakatingin ito sa malayo at sinabing, "Kahit sino ka pa, siguradong mamamatay ka kapag nakaharap moa ko sa Crimson Wasteland!"


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C494
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン