アプリをダウンロード
65.57% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 482: Grudges

章 482: Grudges

編集者: LiberReverieGroup

Bumilis ang tibok ng puso ni Marvin dahil sa sinabi ng Fairy.

Tunay nga naman na malapit nang umabot sa limitasyon ang kanyang lakas.

At sa hinaharap, siguradong matitigil ang kanyang progreso sa limitasyon niya.

Sa Level 30.

Ang 30 ay isang seryosong numero sa Feinan. Ang pagkakaroon ng tatlumpung puntos sa isang attribute ay tinuturing na Godly Realm, at kapag lumagpas pa doon ay katumbas na ng pag-abot sa God Domain. Napakahirap itong abutin para sa mga mortal.

Ang mga nasa level ng Plane Guardian ay nalagpasan na ang mga iyon.

Ang level 30, na isang level 10 Legend, ay isang malaking limitasyon.

Sa kabuoan, ang mga Human Legend class ay mayroon lang 9 na level.

Sa level 29, mayroong malaking pader na kakaunti lang ang nakakalampas, kahit sa mga madunong at mahusay na mga Legend Wizard.

Kahit ang isang nilalang gaya ng Great Elven King ay isa lang level28 Wizard. Subalit, nakahanap siya ng paraan para magkaroon ng dalawan class. Ang kanyang Ranger class ay umabot rin sa level 21, kaya naman sapilitan niyang nalusutan ang level 30 restriction.

Halos imposibleng magkaroon ng Dual Class Holder sa Human Race. Iyon ay isang bagay na posible lang para sa mga Race na mahahaba ang buhay gaya ng mga Elf, pero nangangailangan pa rin ito ng matinding pagsisikap.

Isa pa, hindi rin alam ni Marvin kung paano magkaron ng dual class.

Sa ngayon ay level 21 Ruler of the Night na siya, at kahit na malayo pa ito sa level 30 restriction, hindi magtatagal ay maabot niya rin ito.

Karamihan ng mga tao ay pinipili na mag-ascend.

Sa era na ito kung saan ang pag-ascend ay imposible, kahit pa gaano kalakas ang powerhouse, hindi pa rin nila ito magawa at nanatili sila sa Legend buong buhay nila.

Isang palaisipan para sa mga tao kung ano ang realm na higit sa Legend.

Ganun din kay Marvin.

Dati ay pinili niyang mag-ascend sa laro, pero sa buhay niyang ito, ibang landas na ang pipiliin niya.

Siguradong hindi magiging madali ang landas na ito, kaya naman kailangan niyang kunin lahat ng pagkakataon para mapalakas ang kanyang sarili.

Kahit pa kailangan niyang dumaan sa matinding paghihirap para lang magawa iyon.

'Tutal, kinamumuhian naman na talaga ako ni Tidoma… ay, Hartson, kaya walang rason para hindi ko tanggapin 'to,' isip ni Marvin.

Tinanggap niya ang alok ng Fairy.

Simple lang ang hiling ng Fairy: At iyon ang ilayo ni Marvin ang Crystal Statue.

Isa pa, kailangan niyang mangako na hinding-hindi niya bubuksan ang selyo ng istatwa. Kapag binuksan niya ito, makakalabas ang kapangyarihan na nasa loob nito at babalik ito kay Hartson.

Kapag nangyari iyon ang ngayo'y makapangyarihan nang Evil Spirit Ovelord ay ma lalong lalakas, at maaaring walang sino man sa Universe ang makatapat sa kanya.

Binigyan diin din ng Fairy na walang siyang pwedeng pagkatiwalaan nito.

Ibig-sabihin, kailangan siya mismo ang magdala ng Crystal Statue, at ibig-sabihin rin nito na magiging mortal na kalaban siya ng Dragon God.

Pero wala nang ibang magagawa si Marvin.

Masyadong nakakahikayat ang kondisyon ng Fairy.

"Masaya akong ito ang naging desisyon mo."

Mahinahong inabot ng Fairy ang Crystal Statue kay Marvin at sinabing. "Umaasa akong poprotektahan mo 'yan. At kapag nagawa mo 'yon, masasabing nagawa ko na ang tungkulin ko."

Maingat naman na kinuha ni Marvin ang Crystal Statue… Pero bakit parang kakaiba ang tono ng Fairy?

Tila salita ito ng isang taong mamamatay na.

"Ang buhay ko ay kakabit ng selyo," dagdag pa ng Fairy.

"Ipinanganak ako dahil sa selyo na ito, at mamamatay ako kapag nawala ito. Ang pagbabantay dito ang tungkulin ko."

"Dinala ako ni Sir Lance sa mundong ito at malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Isang malaking karangalan ang maglingkod sa kanya."

"At ikaw, kapag nilabag mo ang pinangako mo sa ngalang ng Wizard God, mararanasan mo ang nakakatakot na Divine Punishing Fire, hindi ka makakatakas kahit na maging isang Evil Spirit ka pa."

"Oo nga pala, ibibigay ko sayo ang high level False Divinity Vessel!"

Sa sumunod na sandali, isang maliwanag na bagay na hugis bituin, na may anim na patusok, ang lumabas mula sa katawan ng Fairy at lumapit sa noo ni Marvin.

Nagulat si Marvin, at tinanong, "Ang Advanced Divine Vesssel ay sayo mismo?"

Tiningnan siya nang kakaiba ng Fairy at sinabing, "Syempre! Paano ko mababantayan ang selyo kung wala 'yan?"

"Nilinang ko ang Advanced False Divinity Vessel na iyan nang maraming taon. Pero kailangan mo ulit linangin 'yan."

 'Linanging?'

'Pwedeng linangin ang isang False Divinity Vessel?'

Walang masyadong alam si Marvin tungkol sa mga False Divinity Vessel.

Ilang linya ang lumabas sa kanyang interface:

[Natanggap mo ang Light Fairy's Gift, (Advance False Divinity Vessel)]

[Ang Advance False Divinity Vessel ay may prayoridad at kusang papalitan ang orihinal na Primary False Divinity Vessel]

[False Divine Vessel (Advanced): 5/30 (Divinity)]

Madali lang makita ang benepisyo ng Advanced Divine Vessel at iyon ang kakayahan nitong maglaman ng mas maraming Divinity.

Pero kakaunti lang ang alam ni Marvin tungkol sa epekto ng Divinity, kaya naman sinamantala n ani Marvin ang natitirang oras at mabilis na nagtanong sa Fairy.

Paglipas ng limang minuto, umalis na siya sa lugar.

Sa likod ng transparent na pinto, isang malaking hukbo ng mga Evil Spirit ang nagtitipon at walang habas na sinisira ang selyo ng lagusan.

Pinamumunuan sila ng Corrupted Green Dragon Modana.

Hindi na nga masasabi na isa itong Green Dragon. Nahulog na ang mga kaliskis nito at mukhang isang tumpok na lang ng buto at kulay berdeng lusak ito. Nakakasuka itong tingnan.

Nasa ilalim na rin ng kontrol ni Hartson ang isipan nito, at naging isa nang tunay na Evil Dragon.

Contento naman na bumalik ang Fairy sa pader.

Bukod sa pagsasabi kay Marvin tungkol sa False Divinity Vessel, sinabi rin nito kay Marvin ang paraan para malagpasan ang level 30 restriction.

Mahirap ang pamamaraan na ito, at hindi mapigilang mapasimangot si Marvin nang marinig ito.

Pero alam niyang hindi ito ang oras para pag-isipan ito.

Dahil isang malaking sabwatan ang pangyayari na ito, siguradong pareho na rin ang nangyari sa iba pang mga Chromatic Dragon dahil sa masamang balak ni Hartson.

Maaaring marami pang mga Evil Dragon ang paparating at kailangan na niyang makaalis dito. 

Sa maliit na lambak.

Naging malagim na ang paligid.

Umaalingawngaw sa tenga ni Ell ang sigaw ng hinagis at sakit. Ito ang unang beses na nakaramdam ng takot ang Ancient Red Dragon na ito na naghasik ng kaguluhan sa Feinan.

Matinding takot ang dinulot ng lalaking ito na nasa kanyang harapan.

Napakalakas ng kapangyarihan ni Ell, pero wala ito pagdating sa kapangyarihan ng Dragon God.

Isa pa, kahit na kulang ang Divine Source ni Hartson, may sapat na lakas pa rin ito upang maging pumapangalawa sa mga Evil Sprit Overlord.

Kahit sa mga Great God sa Astral Sea, kaunti lang ang makakatapat sa kanya.

Paano pa kaya ang isang Ancient Red Dragon na hindi man lang umabot sa level ng Plane Guardian.

Sinubukan niyang tumakas.

Pero hinila lang siya muli pababa.

Desperado na si Ell.

Malinaw na isang external plane ang lugar na ito. Kaya naman, sigurado siyang ito ang tunay na katawan ni Hartson.

Mayroon pa siguro siyang pag-asa na makatakas mula sa isang Doppleganger, pero siguradong mapait ang sasapitin niya kapag kaharap niya ang tunay na katawan nito.

Sadyang mabagsik ang mga Red Dragon.

Bilang isang powerhouse, mapagmataas pa rin ito.

Sumigaw nang napakalakas ni Ell, "Ganito mo ba itrato ang mga anak mo?"

"Puro kasinungalingan at panloloko? At gagawin mo silang Corrupt? Para lang mabuhay, nilabag mo na ang iyong Godly Code."

"Hindi bagay sayong tawaging Dragon God!"

Hindi nagpatinag si Hartson, tumatawa ito. "Tama, hindi ako ang Dragon God Hartson. Ako ang Evil Spirit Overlord na si Tidomas."

Umatungal si Ell, at ipinakita ang malaki nitong katawan.

Nawasak ng malaking katawan nito ang kapaligiran. Ibinuka ni Hartson ang kanyang mga kamay at inabot sa hangin.

Agad na lumiit ang katawan ng Red Dragon.

"Walang kwentang Duwag!" Umatungal sa galit si Ell, "Pinalitan mo ang pangalan mo para makatakas sa parusa ng Wizard God. Duwag ka, hindi nararapat sayo ang lakas na hawak mo, dahil isa kang duwag!"

Unti-unting naging seryoso ang mat ani Harson, "Dahil hindi mo naranasan ang lakas ng Wizard God, ignoranteng Wyrmling."

"Limitado lang ang pasensya ko. Kaya ako naging mabait sayo dahil pambihira ang lakas mo, hindi dahil mahabagin ako."

"Kapag sinuway moa ko uli, gagawin kitang katulad nila!"

Napasigaw si Ell, napuno ng takot ang kanyang mga mata.

Umalingawngaw ang malalim at Draconic na boses sa lambak!

Ito ay ingay ng nabulok na Blue Dragon at White Dragon. Wala nang emosyon sa kanilang mga mata. Nahuhulog ang mga bulok na laman sa kanila habang lumilipad ang mga ito.

Ang kanilang katawan ay may kakaibang lakas na taglay, pero ang lakas na ito ay nagmumula sa mga negatibong enerhiya na sumisira sa kanila!

Ang Rainbow Spring ay konektado sa Evil Spirit Sea ng Negative Enegry Plane.

"Kayong dalawa, kunin niyo ang gamit ko," Walang emosyon si Hartson. "Mararamdaman niyo ang lokasyon nito. Nandito lang 'yon sa mundon 'to pero hindi ako pwedeng lumapit."

Agad na umatungal at lumipad ang dalawang Dragon.

Muling binaling ni Hartson ang kanyang atensyon kay Ell/

Tila nauubos na ang pasensya nito.

Walang nagawa ang paglaban ni Ell. Sa huli, galit niyang inatake si Hartson!

Hindi naman natinag si Hatson. Sa sumunod na segundo, ang tubig mula sa Rainbow Spring ay tumama kay Ell na parang isang talon.

Habang nilalamon ng tubig ang Red Dragon, at nagsimula nang maging Evil Dragon, isang makapangyarihang nilalang ang bumaba.

Sa lakas ng kapangyarihan nito, natigilan sa ere ang tubig.

Tila ba sumisikat na ang araw at naliliwanagan ang buong mundo.

Sa pagkakataong ito, kahit ang Evil Dragon God Hartson ay hindi mapigilan tumingin.

Wala na siyang pakialam kay Ell.

Sumugal ang Ancient Red Dragon at iwinasiwas ang kanyang buntot, pinipilit na tumakas.

Nagawa niyang makatakas mula sa sitwasyon. Dahil sa sobrang takot, mabilis siyang lumipad sa buong plane, kumakaripas na parang isang kawawang tuta.

Pero hindi niya alam na hindi siya pinansin ni Hartson o ng nilalang na bagong dating.

Nakatuon lang ang atensyon ng dalawa sa isa't isa.

"Anuba Grant."

Lumalim ang boses ni Hartson. "Dapat pinatay na kita noon pa."

Paglipas ng ilang sandal, naging mapang-asar na ang kanyang tono. "Sinong mag-aakala na ang kawawang pastol na hindi mapigilang humingi ng tulong sa mga Devil dahil sa sitwasyon niya, nanagkamali dahil lagusan patungo sa Negative Energy Plane ang nabuksan niya, ang magiging isa sa mga pinakamakapangyarihang God sa buong Universe?"

Ang taong dumating sa lambak ay isang maamo at gwapong binata.

Nakasakay ito sa isang kambing na mahaba ang sungay, at ang mga pamilyar sa kanya ay alam na isa itong makapangyarihang nilalang na sumusunod na sa kanya mula noong 3rd Era.

Malumanay na nagsalita si Grant, "Kung wala ka, baka namatay na ako sa gutom."

Noong 3rd Era, dahil sap ag-alis ng mga High Elves sa Feinan, hinati-hati na ng mga makakapangyarihang nilalang ang mga teritoryo.

Bagi ginawa ni Lance ang Universe Magic Pool, nilulunod ng Chaos ang Order. Lahat ng race sa Feinan ay nasa gitna ng matinding digmaan at dahil sa walang tigil na kalamidad, maraming tao ang namamatay sa gutom.

Si Grant ay isang pangkaraniwang tao noong 3rd Era.

Namumuhay siya bilang pastol sa ilalim ng isang Lord, pero ang kailangan magpagamot ng kanyang ina, kaya naman nagastos na niya ang kanyang ipon at halos mamatay na sa gutom.

Nagkataon naman na nakuha niya ang isang libro na may kinalaman sa Nine Hells.

Ang kawawang binatang pastol ay nakilala ang ilan sa mga letra dito dahil natutunan niya ito sa anak ng Lord na kanyang pinagsisilbihan.

Sinubukan niyang gamitin ang libro na iyon para mag-summon ng isang Devil. Wala siyang nais sa mundo, gusto niya lang ipagpalit ang kanyang kaluluwa para sa pagkain, o para sa paggaling ng kanyang ina.

Pagkatapos, binuksan niya ang isang gate.

Sa likod ng gate ay ang nakakatakot na Evil Dragon Cemetery.

Si Hartson na nagpapanggap nang patay para maka-iwas sa mat ani Lance, ay unti-unting nagpapalakas. Binigyan niya ng pagkain at mga kakayahan ang pastol, pinagaling rin nito ang nanay ni Grant.

Dahil sa mga kakaibang kakayahan na ito, sa loob ng isang gabi, naging isang expert Lord si Grant mula sa pagiging isang pastol.

Kalaunan, nagkagulo ang teritoryong tinitirhan niya at namatay sa laban ang Lord. Matapang na kinalaban ni Grant at tinalo ang mga kalaban at nakuha ang pagmamahal ng mga tao.

Ang sumunod na nagyari ay isang tipikal ng kwento ng isang bayani.

Ang binatang pastol ay naging isang kilalang personalidad sa Feinan.

Hanggang sa napansin ito ni Hartson at nagkaron ng interes sa binata.

Noong mga panahon na iyon, hindi nya ginawang Evil Spirit Envoy ito dahil may iba siyang plano para ditto. Kinamumuhian sa Feinan ang mga Evil Spirit, hindi rin naman masama na magkaroon ng lihim na pinuno sa Feinan.

Kaya naman, kinausap niyang muli si Grant.

Pero hindi niya inakala na may lakas na si Grant na tumanggi.

Nakuha ni Grant ang baton a nahulog mula sa kalangitan, at dahil sinwerte siya gaya ng sino mang bayani sa mga kwento… ang batong nakuha niya ay ang Fate Tablet Fragment!

Sa tulong ng Fate Tablet Fragment, nakawlaa si Grant sa bangungot ng Evil Spirit sa buhay niya at naging isang makapangyarihang [God of Dawn and Protection]!

Ikinagalit ni Hartson ang pagtanggi ni Grant, pero dahil sa takot niya sa Wizard God, wala siyang nagawa kundi tiisin ito.

Kalaunan, naalarma na siya sa kapangyarihan ni Grant kaya hindi na siya nangahas na lumaban ditto.

Ngayon, muling nagkaharap ang dalawa. Ito ang unang beses na nagharap sila magmula ng magkamali ang batang pastol at mabuksan ang Negative Energy Plane.

"May utang ako sayong isang pabor, babyaran ko na," walang emosyong sabi ni Grant. "Kung mayroong gustong pumatay sayo, poprotektahan kita nang isang beses."

"Pero hindi mo pwedeng gamitin ang mundong ito para pumasok sa Feinan."

"May gustong pumatay sa akin?" Panunuya ni Hartson. "Sino? Sinong mangangahas?"

"God Lance" mahinahong sagot ni Grant.


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C482
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン