Bago magpunta si Marvin sa Dead Area, nakakuha siya ng 50000 exp mula kay Mark 47.
Dahil kay Sky at mga halimaw sa Seafloor Tunner, nakakuha siya ng halos 70000 exp bago siya makarating sa Dead Area Continent.
Sa mga iyon, nagamit na niya ang 20000 para matutunan ang Desperation Style. Noong una ay iniisip niya na kailangan niyang makahanap ng lugar kung saan makakakuha ng maraming exp para mapataas niya ang level ng kanyang Night Walker class.
Lalo pa at kailangan ng 144000 exp para maabot ang level 9 na Night Walker!
Pero hindi niya inasahan na ang hamon na ibinigay sa kanya ni Kangen sa Ice Monster Cave, ay makakakuha siya ng madami-daming exp.
Sa bandang huli, nakakuha siya ng nasa 800 exp sa bawat Ice Monster at napatay ni Marvin ang 126 sa mga ito!
Anim na bugso ito ng mga Ice Monster. Sa huling bugso ng mga ito, napalibutan si Marvin ng 64 na Ice Monster. Kinailangan niyang ibuhos ang lahat para matalo niya ang mga ito.
Noong lumalaban siya, hindi lang umabot sa Master level ang kanyang Desperation Style, nakakuha rin siya ng higit sa 100000 battle exp.
Dahil sa mga nakuha niyang exp na ito kaya niya nagawang pataasin ang level ng kanyang Night Walker class.
Kaya naman, pagkatapos niyang maabot ang Legend threshold na level 21, may lumabas na pagpipilian sa kanyang interface.
[Pumili ng Legend class: Ranger (lv9) – Night Walker (lv9)]
Sa ngayon, maaari lang siyang pumili sa pagitan ng Ranger at Night Walker para maging kanyang Legendary class dahil ang kailangan para sa advancement ng Ruler of the Night ay Ranger (lv8) – Night Walker (lv10).
Kahit na hawak ni Marvin ang Advancement Manual, hindi niya pa rin naaabot ang kailangan kaya naman hindi siya makakapag-advance sa Ruler of the Night.
Kaya agad na tinanggihan ni Marvin ang pagpili ng Legend class.
Ang lamang ng isang sistema na parang sa laro ay makikita dito dahil maaari siyang pumili ng kanyang Legend class ano mang oras. Pero kailangan niya munang maabot ang kailangan.
Kaya naman, muling bumaba sa 20 ang level ni Marvin mula sa 21.
Kung hindi siya makakapili ng kanyang Legend class, mananatili siyang level 20 Half-Legend. Kahit na may sapat na siyang level para maging Legend, wala naman siyang Legend class.
At sa tuwing kinakalkula ang kanyang kabuoang level, kahit ano pang maabot ng kanyang mga class, hindi siya lalampas ng level 20 kung wala siyang Legend class.
Wala naman masyadong pakialam dito si Marvin. Pinili niyang pataasin ang level ng kanyang Night Walker class para mas mapalapit na siya sa Ruler of the Night. Kasabay nito ay mas lumakas pa siya.
Dahil sa evel 9 Night Walker, nakakuha si Marvin ng karagdagang 36 skill point at 246 HP.
Kasabay nito, nakakuha si Marvin ng dalawang Night Walker specialty:
[Major Tenacity]: Hindi mahahadlangan ng malubhang pinsala ang iyong pagkilos.
[Magic's Foe]: Malaking pagtaas sa Magic Resistance.
Ang dalawang ito ay makapangyarihang passive specialty. Sa katunayan, kapag mas nalalapit sa Legend Realm mas madalas makakuha ng mga passive specialty. Pero ang mga passive specialty na ito ay makapangyarihan.
Ang unang specialty at ang personal na specialty ni Marvin, ang [Endurance], ay hindi lang siya pinapalakas sa mga laban, nagagawa niya ring hindi pansinin ang sakit at epekto ng pinsala sa kanyang katawan dahil dito.
Lali pa at mayroong nagbabago kapag nakakatamo ng pinsala ang tao. Ang maliit na pagbabagong ito ay makakaapekto kung mabubuhay o mamatay ang taong iyon sa laban.
Habang ang [Magic's Foe] specialty ay magagami niya sa tuwing may kalaban siyang caster. Pahihinain ng specialty na ito ang epekto ng spell kay Marvin. Ano mang mangyari, ipinakita na ng level 9 Night Walker ang lakas nito. Bibihira lang makakuha ang isang class ng ganito kalakas na mga passive specialty bago umabot sa Legend.
Ito rin ang dahilan kung bakit pinili ng karamihan sa orgarnisasyon ng mga Night Walker ang Night Walker bilang Legend class nila.
Parehong makikita akina Constantine at O'Brien ang lakas ng Night Walker class, kahit na magkaiba sila ng landas.
…
Pagkatapos ang paglevel-up, nagpatuloy na maglakbay si Marvin patungo sa Secret Garden.
Sa katunayan, hindi niya inakalang matatapos niya ang pagsubok ni Kangen sa loob ng tatlo at kalahating araw.
Lalo pa at ang mga dagger na gawa sa kahoy ay halos walang pinagkaiba kung gagamitin niya lang ang kanyang mga kamay sa mga Ice Monster. Ang kinaganda lang nito ay nagagawa niyang salagin ang atake ng mga ito. Pero ang Desperation Style ay hindi ginagamit sa pagsalag.
Ang tunay na lakas ng Blade Technique Stule na ito ay nasa pag-atake, ang tuloy-tuloy na pag-atake.
Noong una ay inasahan ni Marvin na sa lagay niya, kakailanganin niya ng isang linggo para talunin ang mga Ice Monster.
Pero sa pagtaas ng level ng Blade Technique Style na ito, mas bumilis siya sa paggamit nito. Dito makikita ang tunay na lakas ng Desperation Style.
Hindi nagsanay ng Martial Path si Marvin sa laro, kaya hindi niya alam kung anong bonus ang naibibigay nito!
Noong umabot na sa [Intermediate] ang kanyang Desperation Style, saka lumabas ang una niyang Martial Path property!
[Weapon Sharpness +15].
Mas napadali ang pagpatay ni Marvin sa mga Ice Monster dahil sa pagtaas ng Weapon Sharpness, kaya naman mas humusay din ang kanyang kakayahan sa pag-opensa kahit na kahoy na dagger ang hawak niya. Noong una ay kailangan pa niya ng dose-dosenang atake para mapatay ang Ice Monster hanggang sa maging mas kaunti at mahusay ito.
At doon na rin nagsimula ang pagkalap ni Marvin ng exp.
Noong umabot ng [Expert] ang Desperation Style ni Marvin, lumabas na ang sumunod na property nito: [Armor Break +20].
Ang property ito ng mga sandata, pero lumabas ito bilang bonus ng Blade Technique Style. Kahit na walang armor ang mga Ice Monster, pagkatapos makuha ni Marvin ang property na ito, naramdaman ni Marvin na mas madali nang hiwain ni Marvin ang mga katawan nito.
Halosa isa't kalahating araw na lang ang ginuguol niya sa paglaban sa huling bugso ng mga Ice Monster bago tuluyang naabot ng Blade Technique Style ang Master Realm.
At doon, nakuha naman niya ang:
[Desperation Burst: Kapag ginagamit ang Desperation Style, ang bawat atake ay may tyansang madoble ang pinsalang idudulot nito.]
Isa pa rin itong passive property, at dahil sa pagdoble ng pinsala, paminsan-minsang nagagawang matalo ni Marvin ang isang level 17 Ice Monster sa isang atake lang!
Kahit na maliit lang ang tyansa nito, kapag maraming kalaban ang kaharap, o patibayan ang laban, malaki ang maitutulong nito.
Dahil sa tatlong bonus na iyon, natalo ni Marvin ang mga natitirang Ice Monster at nagawang makalabas ng kweba.
…
Ang kapangyarihan ng Desperation Style ay higit pa sa kanyang inaakala.
Kung mahahasa niya ang Blade Technique Style na ito hanggang Greatmaster, o Grandmster…. Halos hindi na niya maisip ang maaaring mangyari.
Kaya naman pala nagawang talunin ni Kangen ang avatar ng Winter God.
Sa kasamaang palad, hindi na tumataas ang level ng Desperation Style sa pamamagitan ng exp. Mayroon ding limitasyon ang sistema. Kung hindi, sa husay ng pagkalap ng exp ni Marvin, madali na niya sanang mapapataas ang level ng kanyang Curved Dagger Mastery at Blade Style Technique.
Iniisip niya ang mga nakuha niya mula sa Ice Monster Cave habang pinapabilis ang pagtakbo ng kanyang kabayo patungo sa Secret Garden.
Paglipas ng halos isang araw, naabot na ni Marvin ang kanlurang bahagi ng Dead Area.
Sa kanyang paglalakbay, tatlong beses siyang nagpalit ng kabayo para manatiling mabilis ang kanyang byahe. Kalaunan ay nakasalubong siya ng mga tao sa daan.
Ang mga taong ito ay nagmamadali rin papuntang Secret Garden.
'Sana hindi pa nagbubukas ang Secret Garden o nalalagay sa panganib si Ivan,' pag-aalala ni Marvin.
Ang Secret Garden ay hindi katulad ng Saruha. Mayroong ibang pangalan ang lugar na ito dati: [Tomb of Legends]!
'Sa tuwing magbubukas ang Secret Garden, dahil ito sa mayroong nagbato ng pain…'
Kumunot ang noo ni Marvin habang iniisip ang mga alaala niya sa laro.