Isang maliit na hagdan ang nasa dulo ng mahaba at makipot na lagusan.
Nahirapang ideretso ni Marvin ang kanyang katawan at gumapang siya pataas nito. Itinulak niya ang isang kalawanging takip ng manhole at isang malakas na amoy ng nabubulok na bagay ang pumalibot sa kanila.
Ang Vampire na kasunod niya ay hindi naiwasan sumimangot nang maamoy ito.
"Ito ng dating Residential District ng mga Gnome ng Saruha?" Tanong ni Gwyn.
Ang Vampire na ito ay malinis sa katawan kaya hindi siya mapakali sa nabubulok na amoy na ito. Hindi niya napigilan sabihin, "Pwede bang bilisan nating umalis sa lugar na 'to?"
Pero umiling si Marvin.
"Kung gusto mong matakasan si Pale Hand, sumunod ka sa akin."
Pagkatapos niyang sabihin ito, namadali si Marvin at nagpunta ito sa kaloob-looban n Residential District.
Sumimangot si Gwyn pero sumunod pa rin ito kay Marvin.
May ingay na maririnig paminsan-minsan sa loob ng tahimik na distrito.
Natatakpan ng ingay na ito ang pagkilos ng mga Evil Spirit.
Nakatanggap na ang mga ito ng utso mula sa mga Evil Spirit Envoy pagkalabas ng dalawa sa lagusan.
Isang malaking bilog na nakapalibot sa dalawa ang unti-unting nabubuo.
…
Sa gitna ng makapal na hamog, pumikit si Marvin. Inisip niya ang itsura ng mapa ng lugar na ito sa kanyang isipan.
.
Maliliit na pulang tuldok sa pagitan ng mga bitak ng gusali ang mabangis na nakatingin sa kanya.
Nakasunod si Gwyn kay Marvin. Isa siyang pambihirang miyembro ng Bright Side at may malakas na perception.
"Napapaligiran tayo," mahinang babala niya.
Tumango si Marvin, isang maliwanag na ngiti ang gumihit sa mukha niya. "Gaya ng gusto ko!"
Sumimangot si Gwyn. Dahil ganito kakampante si Marvin, hindi na siya nabahala sa mga Evil Spirit na ito.
Lalo pa at masasabi niyang kahit maraming Evil Spirit, kaunti lang ang malalakas sa mga ito.
Sa abilidad niya, kahit na lumitaw ang Tentacle Horror, madali niya lang itong maiiwasan.
Nagmadali si Marvin dahil nararamdaman niyang papalapit na ang mga Evil Spirit na nakapalibot sa kanila.
Ang Residential District ay isa sa limang mga bahagi ng Saruha, pinamumugaran ito ng mga Evil Spirit. Walang masyadong Construct dito, bagkus walang hanggang mga Evil Spirit na nasa ilalim ng kapanyarihan ng mga Evil Spirit Envoy.
At ang dalawang Evil Spirit Envoy ay nakatira naman sa sunod na bahagi, ang [Desolate Ancient Altar].
Sa pagkaka-alam ni Marvin, ang dalawang Evil Spirit Envoy ay hindi pwedeng umalis sa Desolate Ancient Altar. Tila nakasanib ang kanilang mga katawan doon.
Para patayin si Marvin, maaari lang nilang ipadala ang kanilang mga tauha, o humanap ng paraaan para mapunta siya sa kanila.
Hindi nila alam na alam ni Marvin ang tungkol dito, pati na ang kanilang plano.
Alam niyang magmula noong winasak niya ang Decaying Plateau, ang Evil Spirit Enmity ng kanyang katawan ay napakataas na. Dominyon ni Tidomas ang lugar na ito, kaya malamang ay naramdaman ng Negative Energy Plane Overlord na ito ang pagpasok ni Marvin sa Saruha.
Lubhang nakaapekto ang pagbagsak ni Diggles sa mga pag-atake ng Negative Energy Plane sa Feinan. Lahat ng Evil Spirit ay kinamumuhian si Marvin, lalong-lalo na si Tidomas na kaibigan ni Diggles.
'Siguradong gagawin niya ang lahat para patayin ako. Pero alam naman niya ang lakas ko, alam din niya siguro na hindi ako kayang patayin ng mga Evil Spirit na ito.'
'Pinupwersa lang nila ako na magpunta psa Desolate Ancient Altar. Dahil doon lang maaaring makipagtulungan ang dalawang Evil Spirit Envoy sa hukbo ng mga Evil Spirit at makapaghiganti sa akin.'
'Hehe, wala rin naman problema sa akin 'yon…'
Ngumisi si Marvin.
Papunta naman talaga siya sa Desolate Ancient Altar!
Kaya naman, nakakagulat na pasensyoso ang mga Evil Spirit na ito at dahil sa paggabay ng Evil Spirit, hindi agad sila umatake.
Niluwagan pa nga nila ang kanilang pormasyon, at nag-iwan ng puwang.
At ang puwang na iyon ay patungo sa Desolate Ancient Altar.
Naniniwala ang mga ito na dahil sa perception ng lalaking iyon, mahahanap nila ang puwang na ito.
Pero nasurpresa ang dalawang Evil Spirit Envoy na si Marvin, na tumatakbo patungo sa direksyon ng Desolate Ancient Altar, ay biglang tumigil sa harap ng isang gusali.
Isang malaki at engrandeng gusali!
Kahit napakahabang panahon nang abandonado ang Saruha, nakatayo pa rin ang gusaling ito.
Ang [McKenzie Theater].
Ngumiti si Marvin at pumasok!
Sagit na nag-alinlangan si Gwyn pero kinuyom nito ang kanyang ngipin at sumunod.
…
"Nalaman na niya ang plano natin."
Sa Desolate Ancient Altar, isang Evil Spirit Envoy ang nakasimangot.
Sumagot naman ang isa pa, "Ano naman? Sa tingin ko, pumili lang siya ng magiging libingan niya."
"Akala siguro niya, magandang lugar ang McKenzie Theater para sa isang laban… Pero hindi niya alam na mayroon na rin tayong mga Evil Spirit sa loob."
"I-summon si [Sleeping Max] at iselyo ang teatro, hehe. Gusto kong makita kung paano lulusutan ng [Hero of Feinan], na sumira sa Decaying Plateau,ang Evil Spirit Barrier natin ngayon!"
Sa Desolate Ancient Altar, dalawang anino ang yumuko at nagsimulang bumigkas nang mahina.
Nagsimulang bumuhos ang kapangyarihan sa Feinan, sa pamamagitan ng altar, mula sa Evil Dragon Cemetery sub-plane ng Negative Energy Plane!
Napapaligiran na ng Evil Spirit ang McKenzie Theater.
Sa utos ng mga Evil Spirit Envoy, pumasok ang lahat ng Evil Spirit sa loob!
Tentacle Horrors, Evil Spirit Servants, Brain Eating Monsters, Corpse Monsters… Lahat ng uri ng Evil Spirit ay sabay-sabay na pumasok saw along pinto ng McKenzie Theater!
Sa loob ng teatro, tiningnan ni Gwyn ang hukbo ng mga Evil Spirit at namumutlang inulit, "napapaligiran tayo!"
Tumakbo si Marvin sa bawat helera ng upuan at tumigil sa gitna ng entablado!
"Oo nga."
"Pero kung hindi dahil dito, paano natin mapagtataguan ang perception ni Pale Hand?"
Sabay-sabay na dumamba kay Marvin ang mga Evil Spirit, kasabay ng pagbalot ng malakas na kapangyarihan sa McKenzie Theater. Isang maliit na kulay abong barikada ang nabuo at pumalibot sa teatro.
"Evil Spirit Barrier?" Nagningning ang mga mat ani Gwyn dahil may napagtanto ito.
Hindi matutunton ng perception ang lugar na ito dahil sa barikadang ito!
Lahat ng ingay, bakas, lahat ito ay mawawala.
Kahit na hanapin at sundan sila ni Pale Hand, hindi niya pa rin mahahanap ang lugar na ito. Lalo pa at isang high-level Evil Spirit Barrier ito. Sa tantya ni Gwyn, hindi mararamdaman ito ng karamihan ng mga Legend.
Subalit…
Kahit na mapipigilan ng Evil Spirit Barrier ang paghabol sa kanila ni Sky, malaking hamon naman ang kakaharapin nilang dalawa!
Hindi mabilang na mga Evil Spirit ang pasugod sa kanila na parang alon at lalamunin sila.
Kung hindi lang malaki ang teatrong ito, baka nagpatong-patong na ang mga Evil Spirit na ito at inipit sila hanggang sa mamatay sila!
"Ano nang gagawin natin?"
Hindi namalayan ni Gwyn na sanay na siyang sundan si Marvin.
Tumingin si Marvin sa pinakamalapit na Evil Spirit at binunot ang kanyang mga dagger, makikita ang pagkasabik sa kanyang mga mata.
"Patayin silang lahat!"