アプリをダウンロード
35.51% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 261: Taboo Ability

章 261: Taboo Ability

編集者: LiberReverieGroup

Agad na lumingon si Marvin nang marinig na sumisigaw si Hera.

Isang Asymyth ang kinukuha si Guy mula sa kamay ni Hera!

Tuwang-tuwa itong tumatawa habang itinataas niya ito sa ere habang umiiyak naman sap ag-aalala si Hera.

Mabilis ang pangyayari, nawala ito agad sa paningin ni Marvin.

Masasamang nilalang ang mga Aymyth!

Kadalasan, manghuhuli sila para lang paglaruan lang ito, at mukhang ito ang balak gawin ng mga ito kay Guy. Lilipad ang mga ito nang napakataas at saka nila bibitawan ang mga ito at hahayaang mahulog at mapisa.

"Sir Robin!" Sigaw ni Hera.

Alam ni Marvin kung anong ibig sabihin nito.

Agad niyang kinuyom ang kanyang kamao at binuksan ang pinto sa likod ng kamalig at inihagis si Raven sa loob.

"Bantayan mo muna siya!"

"Ikandado moa ng pinto, at kahit anong mangyari, wag mong hayaang makapasok ang Azymyth."

"Wag kang mag-alala, babawiin ko si Guy!"

Pagkatapos nito ay tinulak ni Marvin si Hera at sinarado ang pinto.

Saka ito naghandang tumalon sa ere, ang katawan ng Azymyth ang punterya niya!

Magaan lang si Guy kaya mabilis pa ring nakakalipad ito.

'Kailangan ko na talagang makakuha ng item na pampalipad.'

'Ang hirap makipaglaban sa ere.'

Tinantya ni Marvin ang taas at layo ng Azymyth bago ito tuluyang gumamit ng Burst!

Night Jump!

Second Jump!

Lumipad ang katawan ni Marvin, pero may distansya pa rin sa pagitan niya at ng Azymyth!

Pero mabuti na lang, dahil sa kapangyarihang ng Shroud Sun ay maaaring magamit ni Marvin ang mga Night Walker skill niya.

Patuloy na nababaluktot ang katawan ni Marvin sa kalangitan!

Agresibong lumapit ang Azymyth at sinusubukang hulihin si Marvin.

Pero hangin lang ang naabutan nito!

Night Boundary!

Mahusay na naglibot sa kalangitan ang katawan ni Marvin.

Sa sumunod na sandal, ang katawan niya ay biglang lumitaw ilang metro sa taas ng Azymyth na humuli kay Guy!

Ito ang pinakamataas na lugar na naabot ni Marvin matapos gamitin ang lahat ng kanyang mga skill.

Bumagsak ang katawan niya at dumamba patungo sa Azymyth.

Pero mabilis ang naging reaksyon ng Azymyth.

Nagpakawala ito ng ingay at iniwasan si Marvin!

"Heheheh.."

Tumawa ito nang tumawa habang pinapanuod ang pagbagsak ni Marvin.

Kahit pa hindi alam nito kung paano nakatalon nang napakataas ni Marvin, sigurado itong nag-hihingalo na ito dahil sa pagbagsak nito.

Pero naputol ang pagdiriwang nito ng isang mabigat na bagay na tumulak sa kanyang likuran.

Pinagaspas nito ang kanyang pakpak para labanan ang bigat!

Nagulat ang Azymyth nang makita na ang kanina'y bumabagsak na tao ay nasa likuran na niya.

Ngumisi si Marvin. Matapos niyang gumamit ng Shadow Escape at Wishful Rope, mahigpit niyang hinawakan ang leeg ng Azymyth.

Nagsimula naman itong bumagsak.

Kahit ang Azymyth ay mamamatay kapag bumagsak siya mula sa ganito kataas na distansya!

Kaya naman, wala itong nagawa kundi subukang pabagalin ang kanyang pagbagsak.

Sinubukan naman silang habulin ng ibang Azymyth para tumulong, pero kontrolado ni Marvin ang direksyon ng pagbagsak nila at saka niya muling binawi ang bata.

Mukhang takot na takot ang bata pero hindi ito umiyak.

'Kakaiba ka talagang bata,' isip ni Marvin.

...

Pinwersa lang ito ni Marvin hanngang sa kasing taas na lang sila ng bubong. Pagkatapos ay kinuha niya si Guy at tumalon mula sa Azymyth habang hawak pa rin ang Wishful Rope!

"Bang!"

Matapos bumagsak ng matiwasay ni Marvin sa lupa, hinila niya nang malakas ang Wishful Rope para mawalan ng balanse ang Azymyth at bumagsak ito sa lupa.

Lumapit si Marvin at tinapos ang buhay nito!

Pagkatapos nito ay binuhat na niya ang bata at mabilis na bumalik sa kamalig.

Hindi mahusay sa matagalang paglipad ang mga Azymyth, basta manatili muna sila dito, magiging ayos din ang lahat.

Kung walang malawak na espasyo at mga taong papahirapan, hindi gaanong nakakayamot ang mga ito!

Nang buksan niya ang pinto, biglang nagbago ang kanyang mukha!

Walang tao dito!

Parehong nawala sina Hera at Raven.

'Nakuha ba sila ng Azymyth?' Naguluhan si Marvin.

Bukod sa mga Azymyth, wala nang iba pang Underdark Race ang ganoon kabilis.

May naramdaman siyang mali.

Mayroong isang tinapon na kariton sa isang sulok ng kamalig, at ang anino sa likod nito ay parang kakaiba.

Ngumisi si Marvin, binunot niya ang kanyang dagger gamit ang kaliwang kamay habang hawak ang bata sa kanan, at saka dahan-dahang lunapit.

Bago pa ito makalapit, kusang tumayo na ang anino.

"Nahanap mo pa rin ako." Mahina ang boses nito.

Biglang nanlumo si Marvin.

Gising na si Raven.

Mukhang masyado niyang minaliit ang resistance ng Dark Elf sa potion!

Sandaling oras pa lang ang nakakalipas mula nang binigyan niya ito ng pampamanhid, pero nagawa pa rin nitong makabawi agad?

At ang mas malala ay may hawak siya laban kay Marvin.

"Mama!"

Kung hindi hawak ng mahigpit ni Marvin si Guy, baka lumapit na ito doon.

Pinapapawisan si Hera habang nakatutok ang isang straight dagger sa kanyang lalamunan.

Pero mukhang wala itong masyadong pakielam sa sarili niya, dahil nang makita niyang ligtas si Guy ay nakahinga ito nang maluwag.

"Narinig kong tinawag ka niyang Robin? Mukhang may dapat tayong pag-usapan."

Bahagyang pinagpapawisan si Raven. Mukhang may epekto pa ang binigay na Potion sa kanya ni Marvin.

Madali lang para sa kanya ang paghuli sa isang taong hindi marunong makipaglaban gaya ni Hera, pero iba ang pakiramdam kapag may kaharap nang isang expert gaya ni Marvin. Nang papasukin ni Marvin si Hera, ang naisip lang nito ay magiging ligtas siya mula sa Azymyth, nakaligtaan na ni Marvin tingnan ang lagay ni Raven.

Subalit, kung hindi iisipin ni Marvin si Hera, kayang-kaya nang pigilan ni Marvin si Raven.

"Anong gusto mo?" Malalim na tanong ni Marvin.

"Kalayaan, kaligtasan," mahinahong sagot ni Raven. "Sinasagawa na ng hukbo naming ang pag-atake, hindi magatagal, mapapasaamin na ang kalupaan ito."

"Kinuha mo sa akin ang pagkakataon makatulong at hinuli mo ko. Pero wala naa kong pakielam doon."

"Gusto ko lang na ligtas na makabalik sa amin ngayon."

Huminga nang malalim si Marvin. "Pakawalan mo si Hera at palalayain kita."

"Wala akong tiwala sayo." Umiling ang Dark Elf. "Mister Robin, mag-isip ka ng paraan para makumbinsi mo akong totoo ang sinasabi mo."

"Kung hindi, paano ko malamang tutuparin mo ang sinabi mo kapag pinakawalan ko ito? Alam kong hindi kita kayang tapatan."

Sumimangot si Marvin.

May nadama siyang mali ulit.

Masyadong tuso si Raven, mas tuso pa sa pangkaraniwang Dark Elf.

Siguradong may plano siya… sandali…!

Biglang may napagtanto si Marvin.

Noong mga oras na iyon, biglang sumigaw si Hera, "Nagkita kong sinenyasan niya ang mga kasama niya!"

"Baka may mas maraming Underdark race na papunta dito."

Biglang naging seryoso si Raven. " Manahimik ka!"

"Kung gusto mo pang mabuhay, wag kang magsasalita."

Kinuyom ni Marvin ang kanyang ngipin at sasagot na sana pero bigla siyang nakarinig ng mga yapak!

Mas malakas ang Listen ni Raven kesa kay Marvin, kaya siguradong narinig niya rin ito.

Ngumiti ito. "Sir Robin, talo ka na."

"Nandito na ang mga kasamahan ko. Sa loob ng ilang sandal, mapapaligiran na nila ang lugar na ito, Kung sa tingin mo ay makakarating pa kay ong Hope City, nagkakamali ka."

"Dudumugin kayo ng mga tao namin, at siguradong wala na kayong kawala."

Biglang nagbago ng mukha ni Hera. Tiningnan niya ang kanyang anak at sinabing, "Sir Robin, wag mo na akong alalahanin, pakiusap, dalhin niyo na si Guy sa Hope City!"

"Nasa kanya na ang gusto mo. Ibibigay niya sayo 'yon pagdating niyo sa Hope City!"

"Wag mo na akong isipin! Pakiusap iligtas mo siya. Alam kong kaya mo."

Tinakpan ni Raven ang bibig ni Hera, at naiisip na nitong gilitan ito ng leeg.

Pero nakapagdesisyon na si Hera!

Sapilitan niyang iginalaw ang kanayng ulo at bumaon sa kanyang leeg ang dagger.

Nahiwa ito at dumanak ang napakaraming dugo.

Hindi mapigilang kumibot-kibot ng ilang ulit ng katawan ni Hera.

Nakatingin pa rin ito kay Guy.

Sa gulat ni Raven sa ginawa ni Hera, bigla niyang nabitawan ito.

"Ikaw…"

Mahina na ang boses ni Hera. "Guy, anak, wag kang umiyak…."

Unti-unting nawalan ng lakas ang katawan nito hanggang sa bumagsak ito sa paanan ni Raven.

Lumapit si Marvin na kasing bilis ng kidlat at sinipa si Raven sa sikmura!

Tumalsik ang Dark Elf at namimilipit sa sakit sa isang sulok.

Tulirong nakatayo ang bata, kita ang lungkot at sakit sa mga mata nito.

"Mama…"

"Mama…"

Lumapit ito at hinawakan ang kamay ni Hera.

Pero wala na itong buhay.

Napuno ng galit ang puso ni Marvin.

Ang Grupo sa labas ng kamalig ay maririnig na.

Mukhang isa itong grupo ng mga Dark Elven Scout!

"Ayoko sanang gawin ito."

Galit na tiningnan ni Marvin si Raven.

Sa sumunod na sandali ay inilabas niya ang Book of Nalu at nagbigkas ng incantation!

Nagmadali siyang pumunta sa tabi ni Raven at hinawakan ito, saka ito gumamit ng kutsilyo para iukit ang isang kakaibang rune sa noo nito!

Ito ang pribadong rune ng God od Deception!

Isang kakaiba at malabong tunog ang maririnig mula sa Book of Nalu kasabay nang pagbalit ng itim na liwanag sa dalawa.

"Sa ngalan ko, pinapatawan kita ng Rebirth."

Nakakatakot ang boses ni Marvin.

Biglang nanginig ang katawan ni Raven, para itong nakaakita ng isang nakakatakot na bagay!

Pagkatapos ay nakaramdam din ng matinding sakit sa kanyang isip si Marvin!

Soul Strip!

Isang pinagbabawal na ability ng Book of Nalu.

Gamit ang ability na ito, parehong kailangan magbayad ni Marvin at Raven.

Tuloy-tuloy ang paglabas ng mga Wilpower tests sa mga log ni Marvin!

Mabuti na lang at nakay Marvin ang Vanessa's Gift at isang metatag na will, kaya naman nalalagpasan niya ang bawat isa sa mga ito.

Paglipas ng sampung segundo.

Tumigil na sa panginginig si Raven.

Biglang nagbago ang katawan nito.

Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang ulo.

"Handa na pong maglingkod si Servant Raven."


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C261
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン