アプリをダウンロード
23.94% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 176: Two-Headed Snake Marvin

章 176: Two-Headed Snake Marvin

編集者: LiberReverieGroup

'Doble ang experience!?'

Hindi ito inaasahan ni Marvin.

Itinapon ng malaking Basilik ang soul fire ang nakuha nito mula sa Demon God Enforcer at pinunterya na ang susunod na kalaban!

Gulat na gulat ang mga nanunuod sa paligid.

Ang Demon God Enforecer na pinahirapan sila…. Ay namatay na lang ng ganoon lang?

"Tulungan niyo ko!" Atungal ni Marvin na isa pa ring Basilisk, "Gawin niyo ang lahat para matanggal ang armor at sandata ng mga Demon God Enforcer at ako na ang bahalang tumapos sa kanila."

"Sige!" Agad naman naghanda si Gordian at ng ilang Paladin ang kanilang mga sarili.

Bumuo sila ng maliit at panandaliang grupo at nilapitan ang susunod na Demon God Enforcer.

Noong dismayado pa si Marvin dahil hindi siya makapag-shapeshift sa Asuran Bear, naalala niyang mayroon pa siyang isang Shapshift skill.

Noong gabing 'yon sa Hidden Granary, nakakuha siya ng Nature Leaf matapos niyang mapatay si King Cobra.

Ang spell sa Nature Leaf na nakuha niya ay [Shapeshift Basilisk]!

Marahil nagmamadali siya noon, o marahil dahil hindi gusto ni Marvin ang masamang imahe ng Basilsik kung kaya naman hindi niya naisipang gamitin ito.

Pero hindi ibig sabihin nito ay masamang spell na ito.

Kaya naman agad na tiningnan agad ni Marvin ang impormasyon tungkol sa spell na ito.

Tuwang-tuwa siya nang makita niya ito. Hindi lang ang malakas na depensa at constricting ability ang mayroon si Marvin nang mag-shapshift siya sa isang Basilisk, mayroon din siyang matalim na mga pangil.

Nag-experimento si Marvin nang gamitin muna niya ang Edge Snatch sa Demon God Enforcer bago mag-shapshift sa isang Basilisk para subukang patayin ito.

Hindi niya inasahan na napakatalim pala ng mga pangil ng Basilisk, kaya madali niyang nabasag ang bungo ng Enforcer.

Ang mas ikinagulat pa niya ay matapos maging isang Basilisk, nakuha pa niya ang [Soul Absorption] bilang innate ability.

Kayang makahigop ng kaluluwa ng kanyang kalaban ang kanyang mga pangil para dumagdag sa kanyang sariling lakas.

Pakiramdam niya ay masama ang ability na ito, pero nang magamit niya ito laban sa mga Demon God Enforcer ay bumuti ang tingin niya rito.

Matapos niyang mahigop ang kaluluwa ng kanyang kalaban, nalaman ni Marvin na doble ang nakukuha niyang experience kapag pinapatay niya ang mga ito sa ganitong paraan.

Tila naging isang malaking regalo ng experience ang mga Demon God Enforcer para kay Marvin!

"Tara!"

Mabilis na gumapang ang Basilisk na si Marvin sa lapag, at walang pag-aatubiling sinunggaban ang susunod na kalaban!

Tila nabuhayan din ng loo bang mga knight, kaya naman ginawa ng mga ito ang lahat ng makakaya para matulungan si Marvin.

Hindi man nila kayang pumatay ng isang Demon God Enforcer na balot ng armor at may dalang sandata, pero kung magtutulungan sila, kayang kaya nilang disarmahan ang mga ito.

Kaya naman, ang kaninang mabagsik na labanan sa isang sulok ng Hall ay nagbago na ang kalagayan.

"Hu!"

Sa tulong ng ilang knight, mabangis na ginamit ni Gordian ang kanyang holy hammer para disarmahan ang isang Demon God Enforcer.

Agad namang sumunod si Marvin at sinunggaban ito.

Madali lang gamitin ang Basilisk na shapeshift, sa isang iglap ay pinuluputan na nito ang Enforcer.

At muling binaon ni to ang matalim nitong pangil sa bungo ng Demon God Enforcer at hinigop ang soul fire nito!

Matapos lang ang dalawang segundo, namatay na ang kanina'y nagpupumiglas pang Demon God Enforcer.

Nagsimulang magdiwang ang mga sundalo!

Epektibo ang istratehiya!

Kaya naman nakipagtulungan na ang bawat sundalo kay Marvin.

Napapaligiran na ang mga Demon God Enforcer at balot pa rin ng yelo ang lapag, kaya hindi makawala ang mga ito sa mga sundalo.

Sa pamumuno ng Two-Headed Basilisk na si Marvin, nabuhayan at lumakas ang loob ng mga sundalo ng River Shore City!

Nakahanao na sila ng paraan para talunin ang mga Demon God Enforcer.

Nagkaroon sila ng pag-asa!

"Mabuhay si Lord Marvin!"

Ito ang maririnig mula sa mga hukbo.

'Pshh!'

Muling sumunggab si Marvin, kaya namatay ang isa pang Enforcer.

Hindi niya pinansin ang mga hiyaw at papuri, at tinuon ang pansin sa pagpatay sa mga kalaban.

Dahil limitado lang ang oras ng kanyang shapeshift.

Sayang naman kung hindi pa niya ito sasamantalahin at mag-ipon ng experience.

Hindi inasahan ni Marvin na magiging ganito kalakas ang Basilsik. Kaya naman gusto niyang magamit ito ng husto.

Sa kabilang dako naman ng hall, matatapos na rin ang labanan.

Malakas pa rin si Avenger Fegan kahit pa natanggal na ang armor nito. Ito'y dahil isa siyang makapangyarihang melee class holder.

Nakakamanghang kaya pa rin nitong labanan ang pinagsamang pag-atake ni Collins at Madeline ng ganito kahaba.

Lalo pa at ito ang erang ito ay malaki ang lamang ng mga caster!

Slice!

Habang lumilipad si Madeline sakay ng kanyang magic carpet, iba't ibang marka ang lumabas sa kanyang katawan.

Bawat marka ay nirerepresenta ang isang specialty na ginamit niya.

Mayroong iba't ibang uri ng caster specialty. Kumapara sa mga melee class, ang mga Wizard specialty kapag isinama sa ilang spell na pinili nila ay mas malakas at nakakatakot ang epekto.

Mayroong ring mga specialty na mahahalaga. Halimabawa na lang nito ay ang isang ginamit ni Madeline, ang [Mobile Casting].

Para magawa niyang maasinta at mapunterya ng maayos ang kanyang mga kalaban habang nakasakay sa kanyang magic carpet na mabilis ang lipad, kailangan man lang niya ang isang high level na [Mobile Casting].

Direktang tumama ang Slice spell sa pakpak ni Fegan.

Napasigaw sa sakit si Fegan at biglang bumagsak sa lupa.

"Klang!""Klang!"

Apat na espada ng liwanag ang nag nag-krus kaya naman napako na sa lapag ang katawan ni Fegan.

Apat na [Chosen Paladin] ang naglalabas ng silver light ang tumingin kay Fegan.

Lalo pang namutla ang mukha ni Collins. Talagang nakaka-ubos ng kanyang lakas ang pag-summon sa apat na Chosen Paladin.

Mayroong bonus restraining effect sa mga undead ang mga sword of light sa kanilang mga kamay. Kung magpapadalos-dalos si Fegan, maaari niyang ikamatay ang mga espadang ito!

"Sa wakas, natapos rin."

Matapos ang sunod-sunod na pag-cast ng spell, napapagod na rin si Madeline.

Dahan-dahan siyang bumaba at tiningnan ang kabilang dako ng Hall.

Noong una, akala niya'y magkakaroon ng isang malaking labanan, at mahihirapan sa pakikipaglaban ang kanyang mga sundalo.

Hindi naman niya inaasahan na sa oras na matapos siyang makipaglaban, tapos na rin ang kanyang mga sundalo sa pakikipaglaban!

Patay na ang lahat ng Demon God Enforcer.

Tinutulungan na ng mga knight ang mga sugatan pabalik sa kanilang kampo, habang mayroong sariling trabaho ang mga mediko.

Tulirong-tuliro si Madeline.

Paano nangyari ito….?

Kahit pa kumilos ang mga Vampire, hindi naman nila ganoon kabilis nila matatalo ang tatlumpung Demon God Enforcer, hindi ba?

Nagulat rin si White Gown Collins.

Hindi nila inasahang mauuna pang matapos ang labanan na iyon kesa sa kanilang laban? Buong akala niya ay pagkatapos nilang talunin si Fegan ay kakailanganin pa nilang tulungan ang mga sundalo.

Anong nangyari?

Mayroon bang nakahanap ng paraan para dispatyahin ang ma Enforcer?

Biglang pumasok sa isip ni Collins ang mukha ni Marvin habang nag-iisip.

'Siya nga ba?' Tahimik na nag-isip ang matanda.

Huminahon na si Madeline. Kahit ano pa man ang nangyari, mabuting natapos na agad ang laban.

Marahil mahusay talaga ang isa sa mga expert na inimbitahan niya.

Ito ang inisip niya.

Pero biglang nagbigkas ng incantation si Fegan na nakapako pa rin sa lupa ng apat na Chosen Paladin.

"Gusto niyong tumakas? Hindi kayo makakatakas!"

Mabilis naman ang naging reaksyon ni Madeline. Sinunod niya lang ang kanyang Perception at nag-cast siya ng Bind patungo sa direksyon.

At tulad ng inaasahan, nawala bigla si Fegan mula sa lapag at biglang lumitaw sa direksyon na pinunterya ni Madeline.

"Bang!"

Matagumpay na nahuli ng Bind ang kanang kamay ni Fegan.

Umatungal si Fegan at sapilitang pinutol ang kanyang kamay!

Nahuli man siya ni Madeline, pero kamay lang ito!

"Hindi pwede ito!"

Hindi inaasahan ni Madeline at Collins na kayang gamitin ni Fegan ang spell na ito!

Ipinagpatuloy ito niya ito at tumakas.

Isang pinto ang unti-unting bumubukas sa kanyang harapan.

Tatlong segundo lang mananatiling bukas ang Temporary Teleportation Gate. Pero sapat na ang oras na 'yon para tumakbo si Fegan at makatakas sa lugar na ito.

Makakatakas nga ba talaga siya?

Sinulyapan ni Madeline si Collins.

Bahagyang ngumiti si Collins, dahil hinahabol na ng mga Chosen Paladin si Fegan, pero halata naman na hindi nila ito maaabutan!

Pagkatapos ng mga spell na ginamit nila, wala nang natitira sa kanila para pigilan si Fegan!

"Tuso talaga… Sinadya niyang magmukhang mas pipiliin pa niyang mamatay kesa tumakas."

"Pucha. Mas mabilis pa siya sa pagtakas!"

Nagngalit ang ngipin ni Madeline.

Kung hahayaan nilang makatakas si Fegan, hindi siya matatahimik!

Medyo bumagal man si Fegan dahil sa matinding pinsalang natamo niya, mabilis pa rin itong tumatakbo papalapit sa pinto.

'Makakatakas pa ako,' ito ang nasa isip niya.

Sa sumunod na sandal, kumaripas ito papasok sa gate.

Nang biglang may malakas na pwersa ang pumulupot sa kanyang katawan!

Buntot ng ahas!

"Bang!"

Pwersahan siyang hinila nito pabalik at itinaas siya at walang habas na hinampas si lupa!

Ang kaawa-awang si Fegan ay matindi na ang mga pinsala nito bago pa man mahuli ni Marvin.

Bigla siyang Two-Headed Snake ay dinambahan siya, at si Fegan ay sadyang wala nang lakas pa para lumaban. Nahilo siya at hindi na nakalaban dahil sa pagbalibag sa kanya.

"Sssss!"

Kinontrol ni Marvin ang isang uli at pinasakmal ito kay Fegan.

Bumaon ang makamandag na mga pangil nito sa noo ni Fegan, at walang hirap na hinigop ang soul fire!

Kahit na siya ang pinuno ng mga Demon God Enforcer, hindi pa rin nito kayang palitan ang sarili nitong kaluluwa.

Basta mahigop ang kanyang soul fire, siguradong mamamatay siya!

Dahil sa pag-atake ng Two-Headed Baslisk, hindi man lang nakasigaw si Avenger Fegan bago ito tuluyang pinatay ni Marvin. .

[Napatay mo si Fegan the Avenger. Nakakuha ka ng 4786 battle exp.]

[Nahigop mo (Basilisk-shape) ang soul fire ni Avenger Fegan. Nadoble ang Battle experience. (9572 exp)]

[Nakapatay ka ng sapat na bilang ng mga tao. Nabuksan mo na ang isang hidden specialty – Night Kill.]

Maraming mga log ang lumitaw sa harap ni Marvin habang kuntento siyang nagpapahinga.

Nang biglang naramdaman niyang nasa panganib siya!

Nakatuon na sa kanya ang pansin ni Madeline at Collins!

Ang tingin ng mga ito ay tila handa nang mag-cast ng spell ano mang oras.

"Ano 'to?"

Parehong nagulat si Madeline at Collins. Saan nanggaling ang Two-Headed Basilisk na ito?

Wala naman ito kanina.

"Mabuhay si Lord Marvin!"

Umalingawngaw ang pagdidiwang ng maraming knight na nasa likuran ng dalawa!

Nagulat si Madeline.

Anong nangyayari?


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C176
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン