アプリをダウンロード
21.9% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 161: Deal

章 161: Deal

編集者: LiberReverieGroup

Nagpatuloy lang ang pag-andar ng karwahe.

Nanghihina si Isabelle. Kahit na nailabas na ang kanyang potensyal, masaydo pa ring malaki ang epekto nito nang iwan nila si Madeline at isama paalis si Marvin.

Masyado na niyang sinagad ang kanyang sarili.

Tiningnan ni Marvin ang namumutlang bata at di maiwasan masaktan.

Sadyang pambihira ang batang ito.

Binuhat niya ito at tinanong kung ano ang pinagdaanan niya. Unti-unti namang binalikan ng bata ang mga nangayri sa kanya magmula noong naghiwalay sila ng landas.

...

Matapos dispatyahin ni Marvin nang mag-isa ang Acheron gang, binigyan niya si Isabelle ng pera.

Gagamitin na niya sana ito para iligtas ang buhay ng kanyang ina, pero hindi ganoon ang nangyari.

Hindi na kinayang hintayin pa ng nanay ni Isabelle na makapagdala ito ng isang Priest sng Sivler Church. Namatay na ito sa kanilang bahay.

"Noong namatay siya, biglang pumasok ang isang lalaki. Kung hindi ako pinrotektahan ng Priest, baka nadakip na ako. "

"Ninakaw nila ang lahat ng perang ibinigay mo sa akin, sabi nila mayroong daw utang ang mama ko sa kanila. Pero imposbile 'yon, dahil wala namang pinagkaka-utangan si mama."

"Walang nang nagawa ang batang Priest. Masyadong malakas ang mga taong 'yon, isa rin silang gang. Inalok niya ko na tutulungan niya akong ilibing ang nanay ko sa walang kwentang sementeryong 'yon, pero hindi ako pumayag."

"Gusto kong makakuha ng pera para mabigyan ng maayos na libing ang mama ko."

Mahinahon ang boses ng bata pero mas naging nakakatakot pa ang kwento nito.

"Halos kasabay lang rin noon, mayroong lalaki sa amin na mas matanda sa akin. Sinubukan niya kong kuhanin noong lasing siya, hindi ko alam ang rason kaya lumaban ako."

"Ginamit ko 'yung dagger na ibinigay mo sa akin para patayin siya."

"Iyon ang unang beses kong pumatay. Pero hindi ako nandiri. Nakakuha pa ako ng pera sa katawan niya."

"Saka ko naisip na magandang paraan ang pagpatay para makakuha ng pera."

"Kaya naman nagsimula na akong pumatay."

Nagsimulang kumurap ang dalawang pulang mata nito. Walang masyadong nagbago sa mukha ng bata.

Para bang normal na lang sa kanya ang pagpatay.

Napa-iling na lang si Marvin.

"Masama ang pumatay," sabat ng Priest na nasa gilid.

"Binayaran na kita diba. Tiningnan ito ni Marvin. Nagkibit balikat na lang ang pari at pumikit para matulog.

...

Wala naman nang iba pang masasabi sa mga susunod png nangyari. Ang talentadong ti Isabelle ay agad na naging komportable sa kanilang lugar.

Hindu lubos maisip ni Marvin kung paano naging isang nakakatakot na mamamatay tao na gisang 6 na taong gulang na bata dahil sa sa karahasan sa paligid niya.

Nagawa niyang makakuha ng sapat na pera para ilibing ang nanay niya dahil lang sa pagpatay ng mga gang member.

Kalaunan, pinag-interesan siya ng City Lord ng River Shore City noong nililinis pa nito ang siyudad. Isinama siya nito pabalik sa Wizard tower at sinanay para maging isang katulong at isang tunay na Assassin.

Sa loob ng Wizard Tower, mayroong 3rd rank Assassin na nagsisilbing guro niya. Malinaw na nakitaan ni Madeline ng talento si Isabelle.

Subalit mukhang hindi niya alam ang ibig sabihin ng mapupulang mata nito.

...

Biglang pumasok sa isip niya ang isang quest na ginawa niya noon. Walang takot na sumugod ang lalaking ito sa mga kalaban na nag-iwan naman ng malalim na marka dito. Tulad na lang ni Isabelle, ang lalaking 'yon ay mayroon ring mga mapulang mata.

Nakatadhana nga atang pumtay ng lahi na ito.

Sila'y mga Innate Assassin, ang tagapatuloy ng mga hinahangad n Shar. Mayroong bakas ng kapangyarihang ng Ancient God sa kanilang dugo. Ang kapangayarihang ito ang nagpa-iba sa kanila mula noong pagkapanganak pa lang nila.

Sinasabi ni lang sila'y mga "Hammons". Tatlong-daang taon na ang nakalipas, nanirahan ang mga ito sa isla ng Hammon na nasa dakong hilaga. Halos hindi nakikisalamuha ang mga ito sa mundo.

Subalit may hindi inaasahang pangyayari, nakursunadahan ng isang malaks na Wizard clan ang kalupaan sa isla ng Hammon, at nais nila itong payabungin. At syempre, nilabanan ito ng mga naninirahan dito.

Nagkaroon ng madugong digmaan ang dalawa, at sa huli, halos naubos ang mga Hammons dahil sa magic, kakaunti lang nabuhay sa mga ito dahil nasa malalayong lugar ang mga ito.

Malaki rin nag nawala sa nasabing Wizard clan at halos kakaunti na lang silang nanirahan sa kanilang orihinal na teritoryo at sa Hammon. Hindi rin naging maganda ang pagyabong nito.

Simple lang ang rason: Mga Innate Assassins ang mga Hammons, at isang malaking banta ang mga ito sa mga Wizard.

Isang halimbawa nito ay si Isabell, anim na taong gulang pa lang ito, pero alam niyang mayroong skill na magbibigay sa kanya ng kakayahang pumasok at lumabas sa karwahe ng isnag 4th rank na Wizard.

Sa labang 'yon, marami ring expert ang nawala sa Wizard.

Magmula noon, nawala na sa kasaysayan ng Feinan ang mga Hammon, at paminsan-minsan na lang silang lumitaw. At kung makakilala man ito ng mga taong mula sa nasabing Wizard clan, maghihiganti sila sa mga ito. Di naglaon, nalimutan na rin ito ng mga taong mga dugong Hammon.

Kakaunti lang rin ang mga God Player na naaka-alam tungkol rito.

Nangyari lang na isa si Marvin sa mga ito. Nakalahahok na si Marvin sa isang quest na nagngangalang [Hammons's Vengeance.]. Sa Quest na 'yon, kailangan niyang magkipagtulungan sa isang Hammon, at direktang bombahin ang isla ng Hammon.

Maraming Wizard na ang namatay dahil sa kanya, pero doble pa nito ang napatay ng binatang Hammon kesa sa RUller of the Night na si Marvin!

At isang 4th rank lang ang batang 'yon.

Kung maging Legend ito… Siguradong magiging sobrang makapangyarihan nito!

Mayroong nabasa si Marvin na mahirap daw para sa mga Hammons ang mag-advance sa Legend. Marami sa kanilang hindi na lumalagpas sa 4th rank. Minsan, makikitaan ng potensyal sap ag-advance ang ilan sa mga ito pero bigla silang papatayin ng Shadow Prince. Ang mga Hammon ang posibleng pumalit sa Shadow Prince bilang isang god. Kaya naman may kutob siyang ang gulo sa pagitan ng mga Hammon at ng mga Wizard ay dahil sa nilalang na ito.

Marvin knew that after Hammons advanced to Legend, they would gain a legendary specialty, [Boundless Blink]!

Alam ni Marvin na matapos mag-advance ng mga Hammons a Legend, makukuha nila ang legendary specialty, ang [Boundless Blink]!

Mas malakas pa ang abilidad na ito kumpara sa [Nether Lightning Spirit] na mula sa Celestial Plane na kayang maglaho sa mga hindi kilalang mga lugar.

Ang tanging kapintasan ng mga Hammon ay uhaw sa dugo ang mga ito. Kaya nilang tapusin nag buhay ng mga tao nang walang kahirap-hirap, kaya naman wala nang malasakit para sa buhay ng tao ang mga ito.

Kasing lupit ng mga ito si Marvin pero mahal ni Marvin ang buhay ng mga tao.

Makikita ni Marvin ang kawalan ng pakielam sa mga mata ni Isabelle.

Sumakita ng ulo niya dahil dito.

"Wag kang mag-alala, dahil nagkita na tayong muli, ako na ang sundan mo."

"Hindi ko hahayaang makuha ka pa ulit ni Madeline," bulong ni Marvin habang hinihimas ang ulo nito.

Tumango naman ito bago tuluyang itanong, "Sir Masked Twin Blades, hindi ko pa rin po alam kung ano ang pangalan niyo?"

"Si Masked Twin Blades ay ang Baron Marvin ng White River Valley. Alam naman ng lahat 'yon." Muling sabat ng Priest.

Tiningnan ito ni Marvin at tumango.

"Oh." Sagot no Isabelle.

Sa kanyang reaksyon, mukhang hindi mahalaga kay Isabelle ang pagiging isang Baron ni Masked Twin Blades.

Ang mahalaga sa kanya ay ang pangalan nito.

Sa katunayan, hindi niya malimutan noong panahon binubugbog siya ng dalawang lalaki at biglang dumating si Marvin, at walang hirap na dinispatya ang mga ito.

Para sa musmos na ito na napilitang lumaki sa malupit na kondisyon, si Marvin lang ang taong nag-alok na tumulong sa kanya.

Naaalala niya ang bawat salitang sinabi sa kanya ni Marvin. Naaalala pa nga niya kung paano siya binigyan ng dagger nito habang nakangiti at sinabing, "Sayo muna ito Isabelle. Pareho lang ang kalaban natin ngayong gabi."

Noong oras na 'yon, palihim itong sumupa sa kanyang puso.

Ang dating mapanglaw niyang mundo, ay naging bahagyang makulay dahil sa pangako niyang ito.

'Masked Twin Blades, White River Valley, Baron Marvin…'

Tinitigan nito si Marvin, na tila gutong iukit sa kanyang puso ang itsura nito.

Nagbuntong hininga si Marvin, at nag-iisip ng mga paraan paano haharapin si Madeline.

Hindi niya inaaashang biglang sasabihin ng Priest na, "May gustong pumasok, kung ayaw niyo siyang papasukin, kailangan mong magbayad pa."

Nang biglang may isang Teleportation Portal ang lumitaw sa gitna ng Karwahe.

Si Madeline!

Kumibot ang mga talukap ng mata ni Marvin, lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.

Pero biglang inabot ng Priest ang kanyang kamay sa portal at itinulak ito, hindi inaasahan na naisara niya ang Teleportation Portal.

"Sinarado ko na ang unang pintuan nang libre," sabi nito.

Nagulat si Marvin dahil tila napakadali lang ginawa ito ng Priest!

Ang taong 'to….'

'Nagawa niyang isara ang Teleportation Portal ni Madeline nang ganoon-ganoon lang?'

'Anong klaseng lakas 'yon?'

'Teka…'

Tinitigan ni Marvin ang Priest na nasa harapan niya bago naisip ang isang bagay, "Ikaw ho ba si Sir Collins?"

Kalmado namang tumango ang Priest, "8 segundo na lang at magbubukus na ang susunod na lagusan, mukhang galit si Madeline."

Si White Gown Collins!

Ang miyembro ng Silver Church ng River Shore City na mayroong pinakamataas na rank, isang 4th rank Half-Legend Cleric!

Sa sobrang nakatuon ang atensyon ni Marvin sa sitwasyon ni Isabelle, hindi na nito napansin na sa karwahe ng isang high rank na Cleric sila dinala ng kapangyarihan ni Isabelle!

Tila walang yabang ng isang makapangyarihang nilalang ang taong ito, kaya naman nagbayad lang si Marvin at hindi na napansin ito.

"Magkano para hindi siya papasukin?" mabilis na tanong ni Marvin.

Nag-isip si Collins at sinabing, "Mahal."

"Kalahati ng isang minahan. Hindi lilit kaysa sa nahanap sa dakong hilaga ng River Shore City," mabilis na sagot ni Marvin.

Tiningnan ni Collins Marvin at tinanong ito ng may pagududda, "Mayroong minahan sa iyong teritoryo?"

"Malapit nang magkaroon," mahinahong sagot ni Marvin, "Hindi hihigit sa isang buwan mula ngayon."

"Sige, pumapayag ako,' Ngumiti si Collins habang sinasara ang isang Portal na muling lumitaw.

Maririnig ang sigaw ni Madeline mula sa labas, "Collins, walang hiya ka! Anong ginagawa mo?!"

"Papasukin mo ko!"

...

"Sabihin mo muna sa akin kung nasaan ang minahan na ito." Seryosong sabi ni ollins kay Marvin.

"Sa ilalim ng mga Ogre…" sagot ni Marvin.

Nanlaki ang mga mata ni Collins, at mabilis na tumayo para papasukin si Madeline!

Mabilis na sinabi ni Marvin na, "Bigyan mo kong tatlong minuto, sapat na ang tatlong minuto."

Wag mong subukang dayain ang isang tapat na negosyante," babala ni Collins. "Tutulungan kitang pigilan siya ng tatlong minute, kapalit ng karapatan ko sa minahan na sinasabi mo."

"Sige!"

Kumuha si Marvin ng isagn scroll mula sa Void Conch saka nito ginamit ang isang curved dagger para sugatan ang kanyang daliri.

Nagsimula siyang magsulat sa Scroll.


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C161
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン