アプリをダウンロード
19.86% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 146: Eleven Golden Bulls

章 146: Eleven Golden Bulls

編集者: LiberReverieGroup

Marami talagang kagamitan ang mga Officer, pero kasabay nang pagiging Basilisk ni King Cobra, naselyohan rin ang kanyang storage item.

Napatay ni Marvin si King Cobra habang nakaselyo ito kaya natural lang na mawala ang mga magaganda at mahalagang bagay nito sa void.

Bahagyang ikinalungkot ito ni Marvin. Pero ganito talaga ang ugali ng mga Cleric ng Twin Snakes Cult. Tanging mga Cleric na may matataas na rank ang kayang kontrolin ang mga bagay na kanilang ilalabas gamit ang kanilang isipan.

Ninakaw na ni Marvin ang mga maaari pa niyang makuha gaya ng mga bote at palayok sa tukador.

Maraming magagandang mga potion ang naroon. Mayroong Cold Resistance, Fire Resistance, Attribute Increasing, sa kabuoan ay nasa 20 na bote na may iba't ibang laki!

Isa ito sa mga pinakamalaki niyang nakuha!

Bibihirang makita ag mga potion. Isang sangay ng Alchemy ang paggawa ng potion, pero sa Era ng mga Wizard, ang mga taong kayang gumawa ng mga potion ay may potensyal ring maging isang makapangyarihang Wizard. Kaso nga lang, kakaunti lang ang gumagawa ng potion para sa ibang tao.

Bukod sa limitado ang kanilang mga materyal, kailangan rin ng mga high level na Potioneer ng malaking halaga ng pera, enerhiya, at oras. Kaya naman hindi na kataka-taka na mahal ang presyo nito.

Mayroong mga potion na maaaring makapagligtas ng buhay mo sa mga kritikal na sandal. Tulad na lang ng Dragon Strength na ininom ni Marvin noon, tatlong beses siyang natulungan nito.

At kahit na hindi kasing lakas ng Dragon Strength ang mga nakuha niyang mga potion sa tagong tukador ni King Cobra, marami namang iba't ibang uri nito na maaaring magamit sa iba't ibang sitwasyon.

At dahil dito, natuwa pa rin si Marvin.

Mayroon ring nakita si Marvin na tatlong Uncommon item na maikukumpara sa mga kagamitan niya. Subalit, pangkaraniwan lang ang epekto ng mga ito.

Ang mga pangkaraniwang uncommon item ay hindi na pinapansin ni Marvin. Tanging mga item na gaya ng Rock Giant Belt na lang ang pasok sa kanyang panlasa, habang ang iba naman ay basta na lang niyang isisilid sa Void Conch.

Pero may isang bagay siyang ikinatuwa nang makita, hindi niya kasi inaasahang makakakuha siya ng Nature Leaf mula sa lamesa ng Officer Cleric!

Ang Nature Leaf ang tanging paraan para matuto ang mga Ranger ng mga spell. Syempre, hindi na nag-atubili si Marvin at ginamit na ito para makuha na ang kanyang ikalawang spell!

[Shapeshift Basiliks]: Maaari kang maging isang Basilisk sa loob ng 10 minuto. Pagkatapos ng 10 minuto, kusang mawawala ang spell. Kapag naman ikaw ang may kagustuhang magtanggal nito, 5 segundo bago ito mawal.

Maaaring maging kapaki-pakinabang ang spell na ito. Lalo pa at isa itong 2nd-circle spell, kaya siguradong mataas ang Strength nito.

Pero parang mas kapaki-pakinabang pa rin kay Marvin ag Transformation Vine para kay Marvin, dahil isang beses sa isang araw niya lang ito pwedeng gamitin.

Ngunit, mas mabuti para kay Marvin ang pagkakaroon ng mas maraming spell.

Bukod dito, marami pang nahanap na magagandang bagay si Marvin sa kweba.

Pero hindi na nangahas si Marvin na hawakan ang mga ito!

Dahil mayroong marka ng Twin Snakes Cult ang mga ito. Matapos ang pangyayaring ito sa Hidden Granary, siguradong ang Crimson Patriarch mismo ang magpupunta para mag imbestiga. Kung mayroong maiiwang bakas si Marvin, siguradong tutugisin siya ng mga ito.

Kapag nangyari 'yon, ang Crimson Patriarch na mismo ang haharap kay Marvin. At kahit na sinusundan si Marvin ng isang makapangyarihang tao, gaya ni Ivan, baka hindi pa rin ito makawala sa mga nakamamatay na atak ng Crimson Patriarch!

Napakadali pa namang pumatay ng isang tao sa mundong ito. Lalong-lalo na para sa dalawang Patriarch ng Twin Snakes Cult.

Ang mga item na ito ay isang Poison Resistance set na [Fearless]: isang set na may anim na bagay, mayroong para sa dibdib, gwantes, sinturon, sapatos, at para sa ulo.

Kapag suot na ang [Fearless] set na ito, kaya nang labanan kahit na ang poison cloud ng isang Wyvern.

Tiningnan ito ni Marvin na mayroong inggit sa kanyang mga mata. Kung nasa laro siya, kiuha na niya ito kaagad!

Pero tunay na mundo na ito, kailangan niyang mag-ingat sa paghihiganti ng Twin Snakes Cult!

'Sayang naman… Hindi kasi madaling tanggalin ang mga markang ito…'

'Tanggalin…'

'Hm?'

Biglang may naisip si Marvin!

'Teka… May titingnan ako…'

Agad niyang binuksan ang kanyang data log at tiningnan ang ilang mga log.

Paglipas ng 30 segundo, biglang ngumiti si Marvin.

'Mukhang mayroon palang paraan!'

'Sabi na ng aba mayroong silbi ang bawat class. Masyado lang akong naging mapangmata.'

Tapos nito ay walang pag-aalinlangang kinuha ni Marvin ang Fearless at inilagay ito sa Void Conch.

Hindi na niya kinuha ang iba pa, dahil ang paraan na naisip niya ay piling mga item lang ito gagana. Kahit na magaganda rin ang iba pang mga kagamitan doon, hindi pa rin ito sapat para ilagay ni Marvin ang sarili sa peligro dahil sa mga ito.

Pagkatapos makuha ni Marvin ang lahat ng maaari niyang makuha sa kweba ni King Cobra, isinagawa na ni Marvin ang ikalawang bahagi ng kanyang plano.

….

"Sir King Cobra, may iuutos po ba kayo?"

Sa loob ng kweba isang 2nd rank Cleric ang magalang na lumapit habang tinitingnan ang taong nakabalabal at nakatayo sa platform.

Pero hindi pa man tapos ang sinasabi nito, isang anino ang lumabas mula sa gilid, at agad na napunta sa likuran nito!

Dalawang daggers ang humiwa!

"Pshh!"

Ngunit hindi katulad ni King Cobra, mabagal ang naging reaksyon nito, kaya naman bago pa ito naka-ikot, nasaksak na ni Marvin ang ulo nito!

'Una'

Tahimik na hinila ni Marvin ang bangkay ng lalaki sa gilid, nang tingnan ito ni Marvin mayroon siyang nakitang isang Uncommon Item at malaking halaga ng pera. Dahil sa nakuntento na siya, bumalik na siya sa platform at hinila na ang ikalawang tali!

Mayroon anim na taling nakasabit doon, bawat tali konektado sa perception ng isa sa mga anim na Cleric na nakatago sa Hidden Granary.

Kadalasang hinihila ni King Cobra ang mga taling ito para tawagin ang kanyang mga tauhan.

Malaking kalamangan kay Marvin na una niyang napatay si King Cobra.

Ipinagpatuloy niya lang ang ganitong taktika sa anim pang mga tali, at sa loob lang ng isang oras, napatay na niya ang anim na 2nd rank Cleric na nasa loob ng kweba!

Kahit na 2nd rank Cleric ang mga ito, hindi sila gaanong mapanganib para kay Marvin.

Pero hindi rin ganoon kaganda ang mga nakuha niyang mga kagamitan sa mga ito. Bukod sa malaking halaga ng ginto ng Wizard, mayroon lang tatlong Uncommon Item.

At sa mga Uncommon Item na 'yon, iisa lang ang nakapukaw ng atensyon ni Marvin. Isang kwintas na nakakapagpataas ng perception, mapapalitan na nito ang [Mark of the Moon] na hindi na niya nagagamit.

[Keen Necklace]: Perception +1

Pangkaraniwan lang ang perception ni Marvin. Kaya niya lang ito pataasin nang paunti-unti.

Matapos niyang mapatay ang anim na Cleric, malaking kaguluhan ang bumalot sa Hidden 

Ang mga sibilyan na kontrolado ng mga ito ay biglaang nalinawan ng pag-iisip. Naalala pa nila kung ano ang mga ginawa nila. Ang iba sa mga ito ay hindi matanggap at nabaliw o di kaya ay nalugmok sa malalim na kalungkutan, habang ang iba naman ay hindi na nag-isip at agad na umalis.

Nilamon ng kaguluhan ang buong kamalig.

Tanging si Marvin lang ang nanatiling mahinahon sa paglabas niya sa kamalig. Hindi na niya pinansin ang mga taong nagtatakbuhan at dumeretso na sa kanyang layunin sa lugar na 'yon.

Kung ito ay isang laro pa rin, tapos na sana ang kanyang misyon. Dahil patay na ang Officer Cleric at ang anim na 2nd rank Cleric. Wala na siyang iba pang gugustuhin sa instance na ito.

Pero nasa tunay na mundo na siya!

[Hidden Granary] ang tawag sa instance na ito!

Ang bagay na dati'y walang pakielam si Marvin ay isa nang mahalagang pangangailangan.

At 'yon ay pagkain.

...

Sa isang Kweba sa kaloob-looban ng Hidden Granary.

Maingat na iniwasan ni Marvin ang ilang patibong at binuksan ang isang pinto.

Madilim sa likod ng pinto, pero dahil mayroong Darksight si Marvin, hindi na niya kinailangan ng sulo.

Mas malawak ang kwartong ito, na mayroong dumadaloy na ilog sa ilalim ng lupa.

Nagulat siya na mayroong isang treehouse sa kaliwa!

Walang kandado ito kaya naman madaing nakapasok si Marvin.

Walang tao sa bahay na ito, mayroon lang labing-isang ginintuang toro.

Tama! Mga Golden Bull. Mayroong gravity spell ang mga ito, kaya naman kahit na gaano pa kabigat ang mga ito, nagiging magaang ang mga ito.

Tuwang-tuwa naman si Marvin nang makita ang mga golden bull.

Sa wakas nakuha na niya ang mga ito!

Kung ibang tao ang makakakita nito, iisipin lang nila na isa itong iskultura na gawa sa tinunaw nag into.

Pero iba si Marvin.

Alam niyang produkto ng Alchemy ang mga ito!

Bawat isa ay tila gawa sa ginto pero nabubuksan at nasasara ito gamit ang isang incantation.

At punong-puno ang loob nito ng napakaraming pagkain!

Na-farm na ni Marvin noon ang Hidden Granary at pambihira ang mga Golden Bull na ito. Ibinebenta niya lang ang mga ito sa tuwing nakukuha niya.

Pero sa pagkakataong ito, ito na ang sagot sa problema sa pagkain ng kanyang teritoryo.

Pero paano niya madadala ang lahat ng mga ito?

Panandaliang nagdalawang isip si Marvin saka siya nakaisip ng plano.757

Napatingin si Marvin sa ilog.

Madaling araw, maririnig mula sa Shrieking Mountain Range ang mga papalapit na kabayo.

Isang garrison mula sa Black Dock Harbor ang ipinadala, kasama ng isang 3rd rank na Wizard.

Ito ay dahil sa paggamit ni Old Tucker ng mga koneksyon niya. Isa na rin ito sa mga pagkilos ng South Wizard Alliance laban sa Twin Snakes Cult na mas naging aktibo noong mga nakaraan.

"Sigurado ka bang nasa lugar na 'to ang base ng Twin Snakes Cult?" Tanong ng 3rd rank Wizard.

Tumango si Old Tucker. "Oo. Hindi pa nagkamali ang Tracking ko."

"Hindi ba sabi mo ma binatang noble ang sumugod mag-isa kahapon?"

Sumimangot ang Wizard, "Bakit hindi mo siya pinigilan!?"

"Alam mo namang mapapanganib na tao ang Twin Snakes Cult."

"Hindi ako magaling mangumbinsi ng tao, at isa pa, desidido na talaga siya." Sagot ni Old Tucker.

"Matapang dahil hindi niya alam kung ano ang kaharap niya."

"Sana lang hindi siya gawing prenda kapag dumating na tayo." Malupit na sabi ng 3rd rank na Wizard.

"Tara, bilisan na natin."

Sumunod naman ang garrison sa ilang rouge class patungo sa lagusan ng Hidden Granary.

Pero ang ikinagulat nila, wala silang naabutan sa daan papasok!

Hindi naman nila pinagdududahan si Old Tucker. Dahil ang mga sulo sa magkabilang dingding ng kweba ay senyales na base nga ito ng Twin Snakes Cult!

"Ano bang ginagawa ng mga masamang taong 'yon?" Maingat na sinisili png rd rank Wizard ang kaloob-looban ng kweba. .

Pinagpatuloy ng grupo ang pagpasok, at di nagtagal, naabot na nila ang gitna ng Hidden Granary.

Sa kabilang dulo, isang madilim na ilog ang makikita, labing-isang golden, na nakatali sa isa't isa gamit ang dalawang tali, ang lumulutanglutang.

Isang anino ang nakahiga sa likuran ng mga golden bull. Si Marvin!


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C146
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン