[Scatter Shot]!
Nanlaki ang mat ani Marvin. Biglang napuno ng palasong papunta sa kanya ang kalangitan. Pero nagawa niyang panatilihing mahinahon ang sarili!
Ang [Scatter Shot] ay pangkaraniwang long distance skill ng mga ranger. Wala itong gaanong pwersa dahil hindi naman ito eksakto.
Pero malaking problema 'to para kay Marvin sa sitwasyon na 'to!
Makipot ang eskinita, kung gusto ni Marvin na makatakas, kailangan na niyang umalis, total patay naman na si Wolf.
Siguradong makakatakas siya kapag ginamit niya ang kanyang dexterity!
"Pero kung tatakas ako, baka mahirapan na akong hanapin ang babaeng 'to!"
Nagngalit ang ngipini ni Marvin habang nag-iisip!
Bahala na!
Bigla itong tumakbo papunta sa kaliwang pader habang iniinda ang sakit!
Anti-Gravity Steps!
Pinaling niya pakanan ang katawan niya, natapilok siya sa pagtakbo papunta sa pader, pero nagawa pa rin naman niyang tumakbo ng maayos paakyat.
"Woosh!"
Lumagpas sa kanya ang napakaraming palaso. Dumaplis naman ang isa sa mga ito sa kanyang damit!
'Muntik na! Buti na lang at walang lason ang mga palaso niya!' Mabilis ang tibok ng puso ni Marvin.
Para sa kanya, ang misyon niya ngayong gabi ang pinakang mapanganib sa lahat ng ginawa niya.
Mahirap patayin ang isang archer na nasa mataas na lugar, lalo pa at walang shield si Marvin!
Saglit lang siyang makakatakbo sa pader gamit ang Anti-Gravity Steps. Matapos niyang iwasan ang mga palaso, bigla siyang bumagsak sa lupa at nadaganan niya ang kanyang kanang kamay!
Lalong sumakit kanang balikat niyang tinamaan ng palaso kanina.
Tumagas ang dugo.
Naapektuhan na nito ang balanse ni Marvin, kaya nagkamali ito ng pagtansta sa pagkilos.
'Pucha, nabawasan ng halos kalahating segundo ang Anti-Gravity Steps ko…' Hinawakan ni Marvin ang palaso at napamura.
Mabilis na bumababa ang kanyang health dahil sa dami ng dugong nawawala sa kanya, bumababa na rin lalo ang kanyang stamina.
Pero wala pa rin siyang balak umatras!
'Kailangan kong mapatay ang babaeng 'yon!'
'Una pa lang ito sa pagsubok ng Night Walker Advancement. Kung hindi ko magawa ito, paano na lang ang mga kasunod?'
Lalong naging determinado si Marvin!
"Woosh!"
Muling tumira si Kitten.
Buti na lang kitang-kita ni Marvin ang bawat kilos nito dahil sa Darksight, kaya naman nagagawa niya pa ring iwasan ang mga atake nito.
Tumakbo siya sa isa pang eskinita, at tahimik na nilapitan ang bubong kung saan nakatayo si Kitty!
Maliit na lang ang distansya nilang dalawa.
Kapag umabot na si Marvin sa blind spot nito, wala na tong magagawa.
Pero hindi rin sumuko ang archer!
Kinagat nito ang kanyang labi at tumira pa ng mas maraming palaso!
Sa bilis ng pagkilos ni Marvin, nahihirapan si Kitten na asintahin siya kaya naman walang tumama sa mga tinira nito!
Pa-ikli nang pa-ikli ang distansya nilang dalawa.
Nang biglang ngumisi ang archer.
Diyan…
Sa ganyang distansya!
May kakaibang marka ang lumabas sa kanyag mata!
Kahit na nahihirapang umiwas si Marvin, binabantayan pa rin nito ang bawat kilos ng archer!
Kitang-kita niya ang marka sa mata nito dahil sa darksight… at ito ang [Moving Shot]!
'Tangina! Natuto ng isnag high-end skill ang babaeng 'yon!'
Halos tumigil sa pagtibok ang puso ni Marvin!
Naiintindihan na ni Marvin kung paano nakasigurado ang kanyang mga kalaban na sila ang magwawagi, at kung bakit hindi pa rin ito umaatras kahit sobrang lapit na niya!
Dahil may alas pa ito!
[Moving Shot]: Malaking dadag sa shooting accuracy sa mga gumagalaw target!
Medyo malabo ang skill description, pero alam ni Marvin na sa layong 'to, malaki ang posibilidad na tamaan na siya ng archer.
May kaunting distansya pa bago niya maabot ang blind spot ng kalaban.
At sa distansyang ito, mas maraming palaso ang mapapakawalan nito!
Kahit isa lang ang tumama kay Marvin, delikado pa rin ito para sa kanya!
Anong dapat niyang gawin?
Si Marvin na madalas na mahinahon sa bingit ng kamatayan ay medyo natuliro.
Dahil sa posisyon ng archer, naipit na sa sitwasyong 'to ang isang Ruler of the Night.
Kaawa-awa.
Tinitigan nila ang isa't isa.
Agad na nagdesisyon si Marvin.
Tuloy sap ag-abante!
…
"Mamatay ka na!" Bulong ni Kitten.
Pinakawalan na nito ang palasong inasinta niya kay Marvin. "Woosh!" Pinakawalan na nito ang unang palasong punterya ang sikmura ni Marvin!
Gusto niyang puruhan si Marvin!
Napataas ng Moving Shot ang kanyang accuracy. Eksaktong-eksakto ang palasong ito at di magtatagal ay tatami na 'to sa sikmura ni Marvin!
Nang biglang nanginig ang buong katawan ni Marvin!
Shadow Step!
Nailigtas na naman ng skill na ito ang kanyang buhay. Sapilitang iniba ni Marvin ang kanyang direksyon. Kalahating metro ang layo nang inuring niya kaya niya naiwasan ang atake.
"Magaling," Sabi ng archer.
Ikalawang palaso!
Katulad rin ito ng naunang palaso, eksaktong-eksakto, pero ngayon naman ay papunta ito sa leeg ni Marvin!
Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Marvin. Sa isang iglap, tila nalimutan niya ang sakit na nararamdaman niya, at tumalon gamit ang kanyang kanang paa!
"Krak!"
Parang nabalian siya ng buto!
Imitation Shadow Step!
"Woosh!"
Lumagpas ito sa kanyang tenga habang iniiwasan ang atake ni Kitten sa pangalawang pagkakataon.
"Ano? Dalawang skill?" Makikita ang gulat sa mukha ng archer.
Mayroong pa siyang ikatlong palaso!
Nakatutok naman ito sa puso ni Marvin!
Mukhang kahit anong mangyari, hindi na niya maiiwasan ang palasong 'to!
"Siguradong patay na siya!" Ika ng archer sa sarili.
…
Hindi pa rin sumuko si Marvin. Kabisadong-kabisado niya ang kanyang katawan.
Wala nang lakas ang kanyang kanang balikat dahil sa bumaong palaso, habang ang nabalian naman ang kanyang kanang paa!
Masakit kung iisipin.
Pero walang maramdamang sakit si Marvin.
Hindi ito pamamanhid, bagkus isang uri ng mystical state.
Pinanood niya ang ikatlong palasong tatapos sa kanyang buhay.
Lalong nabuhayan ang potensyal niya dahil nasa bingit siya ng kamatayan!
Tumalon naman siya ngayon gamit ang kaliwang paa. Malinaw naman na dahil sa paggamit niya ng Shadow Step, hindi na kakayanin ng kanyang kaliwang pang suportahan ang bigat ni Marvin. Hindi na niya ito kayang pwersahin.
Pero pinilit pa rin niyang gawin.
All-out!
Burst!
Isa na namang panggagaya sa Shadow Step!
"Krak…"
Nabalian na rin ang kanyang kaliwang paa… Kawawang-kawawa na siya!
Pero sa pagkakataong ito, naiwasan muli ni Marvin ang ikatlong palaso. Gumulong ito sa lupa at direktang napunta sa ilalim ng bubong kung nasaan si Kitten.
Ito na ang kanyang blind spot, siguradong di na niya makikita si Marvin.
'Mahirap 'to…'
'Pero oras na para bumawi.'
Pinilit ngumiti ni Marvin na halos nakahiga na sa lupa.
Nabalian na ang magkabilang paa niya. Ang pagpwersa sa marupok niyang katawan ay hindi magandang ideya.
Mabuti na lang, nabaliktad na ang sitwasyon.
…
"Naka-iwas siya?!"
"Paano nangyari 'yon?"
Naiwang nakatayo ang babae, gulat na gulat sa nangyari. Nasa ilalim lang nito si Marvin. Maingat niyang sinilip kung nasaan si Marvin.
Hindi niya napansin ang manipis na lubid na galing sa isang sulok. Bigla itong pumulupot sa kanyang paa!
"Aahhh!" Napasigaw siya.
May taling humihila sa kanyang paa, hinila siya pababa ng tatlong palapag na bahay!
Walang magawa si Kitten dahil umiikli na ang lubid at hinihila siya ito ng napakabilis. Mabilis siyang nakaladlkad pababa at bumagsak sa lupa!
"Bang!"
Masama na ang lagay nito!
Hinihila ni Marvin ang kabilang dulo ng wishful rope. Hirap itong tumayo. Tinutok niya ang dagger niya sa leeg ng hindi makahingang archer.
"Saan niyo tinago ang pera? Kapag sinabi mo, tatapusin ko na ang paghihirap mo. Kung hindi, lalo kitang papahirapan."
Mahinahon ang boses niya pero nakakatakot ito.
Pilit na ngumiti ang archer. May kinuha itong scroll mula sa pagitan ng kanyang dibdib na tila may gustong sabihin.
Pero hiniwa n ani Marvin ang leeg nito gamit ang dagger!
"Hindi mo na kailangan ipaliwanag, ako na ang bahala."
Walang awang pinatay ni Marvin ang babae.
Sa puntong ito, isang matandang lalaki ang lumitaw mula sa kabilang dulo ng eskinita.
"Masama rin ang lagay mo. Masyado mong sinagad ang sarili mo tulad ko noon," malumanay na sinabi ng matandang blacksmith.
"Nabalian ang magkabilang paa mo. Masyadong mahina ang katawan mo."
Saka nito tinulungan tumayo si Marvin, dinampot niya ang scroll at iniabot kay Marvin.
Iika-ikang naglakad patungo sa dilim ang dalawa.
…
Sa pandayan ng matanda, abalang-abala ito.
Tiningnan ni Marvin ang kanyang battle log.
Ikinagulat niya ang dalawang linyang nabasa niya:
[For arousing your potential in battle, you gained a specialty – Endurance]
[For arousing your potential in battle, you gained a specialty – Burst]