アプリをダウンロード
3.53% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 26: Desperate Strike

章 26: Desperate Strike

編集者: LiberReverieGroup

Tungkol sa sinabi ni Miller, aminado kasi siyang isang malaking bangungot sa kanya si Masked Twin Blades magmula ng pagbalik nito sa River Shore City.

Hindi niya inaasahang may makakasagupang ganitong klaseng tao.

Buong akala niya si Diapheis ang kaaway nito at nadamay lang ang kanyang anak.

...

Dahil kung tutuusin masyadong mabagsik ang ganitong klaseng hitman. Pinapatrabaho na niya ito sa isang Shadow Spider kaso nga lang..

"Punyetang hitman 'yan! Ang laki-laki na ng binayad ko pero mayroon pa raw siyang ibang bagay na kailangan asikasuhin kaya mamayang gabi pa niya hahanapin si Masked Twin Blades!"

Di lang galit si Miller, gulat din siya.

Paano siya nakapasok!?

Anong ginagawa ng mga sentry sa labas? Yung mga mercenary?

"Wag mo na silang hanapin dahil patay na silang lahat." Sabi ni Marvin.

Nanginig si Miller sa takot at agad na nagtago sa likod ng dalawang barbarian

"Sino bang nag-utos sayo!?" Tanong ni Miller na nagngangalit ang mga ngipin.

"Alam mo bang napakayaman ko? Kung hindi mo pinatay ang dalawang anak ko, baka pwede pa sana tayo maging magkasosyo."

Namula na sa galit ang mga mata niya.

Namatay ang dalawang anak niya ng ganun-ganun lang! Masyadong brutal at walang awa siya kung pumatay.

Wala ng atrasan 'to!

"Patayon mo siya! Patayin niyo siya! Tadtarin niyo ng pinong-pino!" Nababaliw na sigaw ni Miller.

....

Agad na kinuha ng dalawang barbarian ang dalawang malaking axe mula sa mga likod nila. Pareho nilang hawak ang mga 'to gamit ang kanang kamay at naka-abang naman ang kaliwang kamay sa may baywang kung saan may maliit na hatchet.

Pinagmasdang mabuti ni Marvin ang mga kilos ng mga 'to. Base sa mga naranasan niya mahirap kalabanin ang mga barbarian na nagbabato ng mga hatchet.

"Sinong nag-utos sa akin?"

Bahagyang umatras si Marvin na agad naman napukaw ang atensyon ng tatlong lalaki.

"Sino?! Sabihin mo!"

Sumenyas si Miller na wag munang umatake.

"Sino pa ba?" MApang-asar na tanong ni Marvin, "Hindi mo ba ko nakikilala?"

"Mahal kong tiyuhin?"

"Hindi mo naisip na darating ang araw na 'to nung nilason mo ang tatay ko?"

"Noong nakipagsabwatan ka sa Acheron Gang para patayin ako, di mo rin naisip na lilitaw ang Masked Twin Blades?

Binalik na sa dati ni Marvin ang kanyang boses.

Gulat na gulat si Miller.

"Imposible 'to!" nabigla siya nang makilala niya ang boses, "Paano mo nagawa lahat 'to? Wala ka namang magical talent o fighting ability…"

Pinaglaruan ni Marvin ang kanyang dagger at sinabing, "Isang patunay na hindi mo ako kilala. Tulad ko, hindi rin pala kita masyadong kilala. Hindi ako makapaniwala na ikaw ang tipo ng taong kayang patayin ang sarili niyang kapatid."

Lumalim ang paghinga ni Miller, at biglang may nakakatakot na tingin sa mukha niya at sinabing, "Ano naman kung nalaman mo? Nahirapan akong hanapin ka, at biruin mo nga naman ikaw na mismo ang lumapit sa akin. Basta mamatay ka ngayong gabi, akin na ang White River Valley, pati na ang bagay na 'yon na nasa loob ng palasyo…"

Natigilan siya magsalita at nagpaikot-ikot ang pangingin.

Biglang naging mababa at nakakatakot ang tawa niya, "Maliit na bagay ang dalawang anak basta makuha ko ang bagay na 'yon, haha, Baka di mo alam, natanggap ko na ang basbas ng [twin snakes of doom]! Mamamatay ka na ngayon gabi!"

"Patayin niyo na siya!"

At ibinigay na nga ni Miller ang hudyat. Ngunit may kakaiba sa maliit at halos di makitang ahas sa kanyang kaliwang mata.

....

Sa uto ni Miller sinimulan na ng dalawang barbarian ang pag atake, pumwesto ang isa sa harapan ni Marvin at isa sa likuran.

Kahit na malaki ang sala, masyado pa rin itong maliit para sa labanan sa pagitan ng mga class holders.

Woosh!

Hindi pa man tapos ang unang pagsugod ng isang barbarian, lumilipad na papalapit kay Marvin ang mga hatchet.

Napakatalas ng mga hatchet na ito. Kung hindi man mamatay ang tulad ni Marvin na isang Ranger, maari naman siyang mabaldado kapag tinamaan siya nito.

Ngumisi lang si Miller!

Para sa kanya, wala ng pag-asa pang mabuhay si Marvin. 'Nagmaskara ka pa para katakutan, huh! Mga oridinaryong nilalang lang ang matatakot sa'yo!"

Pero sa katunayan, pinagmasdan lang ni Marvin ang mga kamay ng mga barbarian, kaya nang ibato nila 'to agad na kumilos si Marvin.

"Haha!"

Sumigaw siya at tila lumipad. Umapak siya sa may bintana at naglakad sa kisame.

Walang nagawa at natulala na lang si Miller at ang dalawang barbarian.

20 dexterity special skill!

[Anti-Gravity Steps]!

Dahil higit sa isa ang kalaban ni Marvin, nagagamit nito ang (+1 dexterity) effect ng titolo niyang [Chaotic Battle Expert].

Parang bulak sa gaan ang katawan ni Marvin na mabilis na tumalon patungo sa kisame, at umatake mula doon na parang isang bampira.

"WAH!" Napahiya ang mga barbarian.

Hindi matanggap ng dalawa na hindi nila kayang talunin ang isang 1st rank na Ranger.

Aatakehin na sana nila si Marvin.

Nang biglang may dalawang aninong lumabas mula sa magkabilang gilid ng haligi na parang dalawang black phantoms.

Kasing bilis ng kidlat ang pagkilos ng dalawa na agad inatake ang mga barbarian.

Sa isang iglap, kitang-kita ni Marvin na nanghihina na ang dalawang barbarian.

'Tagumpay ang plano!'

Natuwa si Marvin at bumaba mula sa kisame.

Hawak ang mga curved dagger sa magkabilang kamay, walang hirap na pinugutan ng ulo ni Marvin ang dalawa.

Plop plop!

Sumirit ng matindi ang dugo. Naging kulay pula ang suot ni Marvin sa dami ng dugo.

Pinunasan niya ang kanyang dagger at tiningnan si Miller

Para siyang isang demonyong kakaahon lang mula sa dagat ng dugo.

....

"Paanong...?"

Parang nakakita ng multo si Miller. Hindi siya makapaniwalang namatay lang basta-basta ang dalawang malakas na barbarian sa harap niya.

Mga 2nd rank [Berseker] ang mga 'yon!

Paanong napatay ni Marvin ang dalawang 'yon na parang naghihiwa lang ng repolyo?

Guni-guni lang siguro 'to!

Napa-atras si Miller at napaupo.

Tiningnan niya ang dalawang anino na malapit sa bangkay ng mga barbarian.

Dalawang elf.

Mukhang masama ang lagay nila at hindi makatayo ng deretso.

"Marami kayong nagawa. Maghanap kayo ng ligtas na lugar para magpahinga at magpagaling. Saka niyo na ako ulit hanapin."

Disenteresadong sabi ni Marvin.

Tumango lang si Amber at Agate, Naglaho ang dalawa habang akay-akay ang isa't-isa.

At biglang napagtanto ni Miller.

Kinuha lang ni Marvin ang atensyon ng dalawa para hindi mapansin ng mga ito ang pagsugod ng mga elf.

Kung ginamit ng mga barbarian ang [Ancestral Blessing] mahihirapan silang talunin ang mga 'to dahil parang mga wizard na may kaparehong rank ang lakas ng mga 'to.

Kaso nga lang, minaliit ng mga ito ang 1st rank na ranger na si Marvin.

Masyado nilang itunuon ang atensyon nila kay Marvin at hindi na napansin ang dalawng aninong umaaligid.

Planado 'tong lahat ni Marvin.

Hindi siya padalos-dalos at nagpaplano ng maigi dahil isa siyang legendary player.

May napakalas na skill ang mga Phantom Assasin na tinatawag na [Desperate Stike]

[Desperate Strike]: ipagsasawalang-bahala ang depensa ng isang kalaban, at mapupunta 'to sa bingit ng kamatayan.

Isa itong pambihirang skill. Kaya naman maraming manlalaro ang pumupili ng assassin dahil sa skill na 'to.

Subalit, malala rin ang kapalit ng skill na 'to.

Kalahating buwang manghihina ang gagamit nito.

Ibig sabihin, hindi na matutulungan ng dalawang elf phantom assassin si Marvin sa loob ng dalawang linggo. Dahil nasa panganib ang buhay nila.

Bukod dito, hindi 100% ang hit rate ng desperate strike.

Kung naging maingat ang mga barbarian at gumamit ang mga 'to ng ancestral blessing, baka nagawa pa nilang iwasan ang skill na ginamit ng mga elf.

Delikado ang plano ni Marvin dahil dito.

Buti na lang maswerte siya dahil gumana ang plano niya.

Umalis na ang mga phantom assassin at nakakuha siya ng dalawang ulo ng barbarian. Nakakuha siya ng 480 battle exp dahil dito.

Sobrang sarap sa pakiramdam ang isang godlike last hit tulad nito.

Hindi nasayang ang pag-aalay niya ng divinity para magkaroon ng dalawang tapat at maasahang kasamahan tulad ng dalawang elf.

...

"May gusto ka pa bang sabihin?"

Tinitigan ni Marvin si Miller.

Nanginginig ang buong katawan nito.

"Hindi mo ko pwedeng patayin! Tagasunod ako ng twin snakes of doom! Kapag pinatay mo ko hahanapin ka ni Sir King Cobra at gagawing alipin!"

Eto na ang huling pag-asa ni Miller para mabuhay.

"Kaya wag mo kong papatayin!"

Bigla itong naging kampante at kabadong tumawa, "Sinabihan ko naman ang tatay mo na sumali na pero binatikos niya lang 'to. Kaya pinatay ko siya. Nararapat lang sa kanya iyon dahil ininsulto niya ang twin snakes of doom. Isa ka pa! Ipaghihiganti ako ni Sir King Cobra."

Naawang tiningnan ni Marvin si Miller, "Nauto ka nila para maging isa sa kanila… Tingin mo hindi ko pinaghandaan 'yan? Magaling nga sila sa paghagilap ng kanilang mga kaaway pero may paraan para maiwasan sila. At alam ko kung paano."

Sinuntok ni Marcin si Miller, saka kinuha ang dagger at sinaksak ang dalawang maliit na ahas sa mga mata nito.

"AHHH!" Isang nakakapangilabot na sigaw ang umalingawngaw sa buong silid.

Sa labas naman ng bintana makikita ang mga naglalagablab na apoy.

Kaguluhan.


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C26
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン