Mabini nitong ipinaliwanag, "Intensiyon ko na talagang sabihin ito sa iyo, pero masyado akong maraming iniisip. Gayunpaman, si Lu Qi ay apo ni Senator Lu at isang doktor na may magandang reputasyon. Mapagkakatiwalaan siya."
Mabait na ngumiti si Elder Lin. "Siyempre, hindi ko pinagdududahan ang kanyang ugali. Nag-aalala lamang ako dahil sa kanyang edad."
Bahagyang napangiti si Madam Presidente. "Bakit ka mag-aalala tungkol doon? Ikaw din ay narinig na ang tungkol sa sitwasyon ng Xi family. Si Xi Mubai ay naghihingalo na at wala nang iba pang doktor na makakasagip sa kanya, pero ang Lu Qi na ito ay nagawa ang imposible. Ito ay dahil sa nabasa ko ang balita kahapon kaya naman nagdesisyon ako na papuntahin ito dito."
Dumilim ang mga mata ni Elder Lin. Ang Xi family na naman!
Alam din niya ang balita kay Xi Mubai; imposibleng hindi niya malaman ang tungkol dito. Ibinigay ng Xi family ang lahat para makuha ang pinakamahusay na PR sa sitwasyong iyon, kaya ang balita ay nalaman ng lahat ng nasa bansa. Kaya naman, pinagdududahan niyang ang lahat ng ito ay sinadya.
Siguro ay nalaman na nila ang tungkol sa sitwasyon ng presidente, at ito ang paraan nila para mapigilan ang Lin family ko sa pananalo sa eleksiyon, dahil kapag nagawang pagalingin ng Lu Qi na ito ang presidente, hindi na kakailanganin pang magkaroon ng eleksiyon! Ang plano ay matalino, pero isa na naman itong isyu kung ang batang doktor ay magagawang pagalingin ang presidente o hindi!
Masasabi na si Elder Lin ay isang tusong matanda; madali niyang nakita ang plano ng Xi family. Gayunpaman, tulad ng lahat ng mga kalaban sa nobela, ay masasabing guilty siya sa sobrang kayabangan. Tiwala siya na hindi magagawang pagalingin ni Lu Qi ang presidente, dahil napakaraming doktor na may mas karanasan kaysa sa kanya ang hindi iyon nagawa.
Ang magagawa na lamang ni Lu Qi ay panatilihin ang kondisyon ng presidente, hindi maglalaon at mamamatay ito. Gayunpaman, hindi lamang dahil sa swerte na nagawang makuha ng Lin family ang posisyon nang araw na iyon, dahil maingat na tao si Elder Lin. Kailangan niyang makakuha ng mga pag-iingat kapag nagawa ni Lu Qi ang imposible.
Hindi nagtagal, natapos ni Lu Qi masusing pagsusuri sa presidente.
Lumapit ang Madam Presidente at nagtanong, "Kumusta siya?"
Sumunod sa likuran niya si Elder Lin. Nakatingin sila sa kanya na naghihintay, pero ang pag-asa na inaasam nila ay magkaiba.
Tumingin si Lu Qi sa kanila at magalang silang binati bago sumagot, "Hindi na maganda ang hitsura niya. Ang puso ng presidente ay malaki ang ipinanghina. Dahil sa kanyang matandang edad at pisikal na kahinaan, masyadong mapanganib kung ooperahan siya sa puso."
Tumango ang Madam Presidente. "Tama iyon, ganoon din ang sinabi ng ibang doktor. Hindi na pwede ang operasyon dahil lalo lamang nitong papalalain ang kanyang kundisyon. Gayunpaman, kung tatayo lamang tayo dito ng walang ginagawa, lalo lamang lalala ang kanyang kundisyon."
"Sa kasamaang palad ay tama iyon gayunpaman, Madam Presidente, huwag kang mag-alala, pansamantala ay pananatilihin ko ang kanyang kundisyon bago tayo makaisip ng mas mainam na solusyon."
"Magagawa mo iyon?" Bahagyang nasiyahan ang Madam Presidente. Kung hindi mapapagaling ang kanyang asawa, ang panatilihing buhay ito ay mas mabuti kaysa wala.
Tumango si Lu Qi at matapat na sumagot, "Kung iyon lamang ay kaya kong gawin, pero kailangang maresolbahan natin ang ugat ng problema sa lalong madaling panahon kung hindi ay…"
"Naiintindihan ko!" Tumango si Madam Presidente. "Hanggang ginawa mo ang makakaya mo, ayos lamang. Kahit na pakauntiin mo pa ang nararamdaman niyang sakit, tama na iyon. Ang iba pa ay maaari na nating iwanan sa kapalaran."
May magandang impresyon si Lu Qi sa madam presidente; isa itong resonable at magalang na patrona.
"Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat," pangako ni Lu Qi. "Pero umaasa ako na papayuhan ni Madam Presidente ang presidente na huwag masyadong magpagod at ipahinga ang sarili."
Tama nga, dahil sa kondisyon nito, ay nagtatrabaho pa din ang presidente...