アプリをダウンロード
2.62% Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 26: BUONG-PUSONG PAGHAMAK

章 26: BUONG-PUSONG PAGHAMAK

編集者: LiberReverieGroup

Iniisip pa lamang niyang may ginagawang kakaiba ang dalawa sa likod niya ang nagdulot ng inis kay Tianxin.

Naniniwala siya na ang kasalukuyang Xinghe ay hindi na niya kakumpetensya pa pero nangangaba pa din siya.

Mula ng umalis ang buwisit na iyon, bakit hindi pa ito nagpakalayu-layo?

Kailangan pa talaga niyang magpakita kung kailan na nalalapit ang kasal nila ni Mubai!

Sumumpa si Tianxin sa sarili na huwag niyang subukang magiging balakid sa kanya o impyerno ang ibabalik niya!

Pero agad ding natagpuan ni Tianxin na hindi pala siya dapat mag-alala o mangamba.

Ang lugar kung saan matatagpuan ang bahay ni Xinghe ay… halatang lugar ng mga pulubi.

Ngayon lang nakakita ng ganoong kapangit na lugar at bahay si Tianxin.

Umaalingasaw ang baho, ang lugar ay madumi tulad ng pusali.

Nangingilag siya sa mga tao sapagkat natatakot siya sa impeksyon at sakit.

Ang agam-agam na nadama niya noong nasa kotse ay napalitan ng saya ng makita niya ang bahay ni Xinghe. Kung hindi dahil kay Mubai ay hindi siya tatapak sa lugar na ito.

Pero papayag siyang magpunta sa lugar na ito kung maipapamukha niya kay Xinghe na nagtagumpay siya.

Mahigpit na humawak si Tiangxin sa bisig ni Mubai at kunwari ay nag-aalalang nagtanong, "Mubai, sigurado ka ba na dito nakatira si Xinghe? Paano siya nabubuhay dito? Kung ako sa kanya, mas huhusayan ko ang pagtatrabaho upang hindi ako mapunta sa lugar na ito."

Ang ibig niyang sabihin, dahil ito sa kakulangan ni Xinghe kaya ito nasadlak sa lugar na ito.

Lalong tumindi ang paghamak niya kay Xinghe.

Pakiramdam niya ay isa siyang hangal dahil sa pagkakaroon niya ng agam-agam kay Xinghe.

Ang babaeng ito ay hindi karapat-dapat pag-ukulan ng kanyang oras.

Napakunot-noo si Mubai. Hindi din niya inakala na masasadlak sa kahirapan si Xinghe.

Dapat ay sinigurado niya na tatanggpin ni Xinghe ang alimony ngayon. Hindi na siya makapapayag na magpatuloy itong mamuhay ng ganito.

Tahimik na ginabayan ni Chang An ang dalawa patungo sa apartment ni Xinghe.

"CEO Xi, ito na po ang bahay ni Ms. Xia," sabi ni Chang An habang yumuyuko.

"Katukin mo," utos ni Mubai.

Magalang na kumatok si Chang An pero walang sumasagot o nagbubukas.

Naubos na ang pasensiya ni Tianxin, hindi na niya gusto pang magtagal sa lugar na ito kaya sinabi niya, "Mubai, baka wala sila sa bahay. Kahit na ano pa iyang gusto mong ibigay kay Xinghe, siguro pwede mo naman ipadala na lang sa kanya."

"Sino ho ang hinahanap ninyo?" Biglang may lalaki, ilang pinto mula doon, ang maingat na nagtanong.

Tumingin si Chang An sa pinanggalingan ng tinig at magalang na nagtanong, "Mawalang-galang na ho pero alam po ba ninyo kung nasaan ang Xia Family? Bakit walang sumasagot sa pintuan nila?"

"Oh, hinahanap pala ninyo sila. Hindi maganda ang oras ng pagpunta ninyo, may nangyari kasing hindi maganda kaya sa tingin ko ay nasa ospital pa silang lahat."

Nagulantang ang grupo, kaya nagtanong si Mubai, "Ano ang nangyari?"

Ipinaliwanag ng lalaki ang nangyari noong nakaraang araw.

Nasorpresa sa natuklasan si Mubai. Alam niyang hindi maganda ang lagay ng kalusugan ni Chengwu sa ngayon kaya maaaring may nangyaring masama sa pangyayaring ito.

At malamang ay walang pera ang pamilyang ito para bayaran ang mga medical bills.

Ito ang pinakamahalagang rason para ibigay niya ang alimony kay Xinghe.

Inutusan agad ni Mubai si Chang An na magpunta sila sa ospital. Wala na iba pang sinabi si Tianxin ngayon, tahimik na sumunod na lamang siya.

Hindi dahil sa kabutihang loob kung bakit siya sumama. Naaalala pa niya ang hitsura ni Xinghe noong huli silang nagkita.

Ang nahihiyang mukha ni Xinghe noong napansin sila nito bago ito tumakbo palayo ang nagdudulot ng kasiyahan sa kanya ngayon.

Napapangiti siya tuwing naaalala niya ang imaheng iyon.

Ngayong mayroong hindi magandang nangyayari sa babaeng ito ngayon, mas gugustuhin nitong hindi sila makita.

Pero wala nang magagawa pa si Xinghe kundi lunukin ang natitira pa niyang dignidad dahil kailangan niyang tanggapin ang kanilang kawanggawa ngayon.

Muntikan ng tumawa ng malakas si Tianxin habang iniisip ang mukha ni Xinghe na puno ng pagkatalo at kahihiyan. Kaya gusto niyang sumunod at makita ito sa ospital.


Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C26
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン