Habang nasa dormitoryo,
[9th master, 9th master~ Bakit hindi ka sumagot? Nagustuhan mo ba 'yung tula? Gusto ko ng compliments mo, tulad ng halik.]
Walang sagot na natanggap si Ye Wan Wan matapos niyang ipadala ang text. Para makasigurado, sinubukan niyang magpadala ulit ng isa pang mensahe.
Sa katunayan, hindi siya napakali dahil siya sigurado kung tatalab ang ginagawa niya kay Si Ye Han.
At isa pa, ay tulang 'yun ay dapat na sulat ng mga lalaki sa mga mahal nila.
Hindi naman masasaktan 'yun kahit parang babae ang turing sa kanya a para bigyan ng malalambing na mensahe, hindi naman kaya siguro no?
Minsan na siyang nasangkot sa gulo sa dati niyang buhay. Sa kalagitnaan ng gabi, hatak-hatak siya ng mga tauhan ni Si Ye Han sa hindi malinaw na dahilan. Naging malaking usap-usapan iyon sa school niya. May ibang nagsasabi na "sugar daddy" niya si Si Ye Han at nahuli siyang tumakas. Samantalang may iba naman nagsasabi na baon ang pamilya niya sa utang kaya nahuli siyang nagbebenta na lamang ng katawan...
Kahit na wala namang patunay ang mga istorya na 'to, at kahit tsismis na matuturing, magagawa pa rin nito makasira sa tao.
Habang inaalala ang nakaraan, biglang nakaramdam ng kaba si Ye Wan Wan...
Naramdaman niya ang nginig ng phone niya sa palad niya.
Napahinto saglit si Ye Wan Wan at dahan-dahang binasa ang natanggap na mensahe...
Sumagot na si Si Ye Han sa text niya. Isang salita na "Good" at may kasamang "kiss" na emoticon.
Tinitigang maigi ni Ye Wan Wan ang "kiss" emoticon na natanggap niya at tuluyang natulala, "..."
Sinong magaakala na ang magagaliting halimaw na 'to ay magagawang magpadala sa'yo ng isang "kiss" emoticon?
Sa oras ding iyon, 'yung kaba na naramdaman niya ay unti-unting nawala dahil sa emoticon na ipinadala sa kanya.
Si Ye Han… tila nagbago siya… mula sa lalaking nakilala niya noon sa dati niyang buhay...
Isa pa, isa itong magandang milagro para sa kanya!
Hinawakan ni Ye Wan Wan ang kanyang baba, at gayun din ang kanyang pisngi at nagsimulang magpadala ulti ng mensahe: [Eternal kisses para sa'yo, isang linggo na lang mag-e-exam na ako. Tututok muna ako sa pag-aarala at sa revisions ko, kaya hindi muna kita mate-text ha. Pero huwag mong kakalimutang ma-miss ako ha, araw-araw.]
Matapos maipadala ni Ye Wan Wan ang text, ilang segundo pa'y, may sagot nang ipinadala sa kanya. [Yeah.]
Habang tinititihan ang simpleng salita na nakuha niya, "Yeah", napakurap saglit si Ye Wan Wan at hindi makapaniwala sa nabasa.
Talaga bang gumana?
Sinabi ko lang naman na hindi ko siya makakausap ng isang linggo! Okay siya dun?
Hindi niya inaasahang sa isang kaswal na paglambing lang ay tatalab na...
Nanatiling tulala pa rin sa Ye Wan Wan ng tatlong segundo, at dagling inuntog ang ulo sa mesa niya, iniisip na patayin ang sarili. Kung nalaman na niya noon pa na madali lang aluin si Si Ye Han, nagawa na sana niya noon at hindi pa siya nagdusa sa dati niyag buhay!
Okay, sa ganitong paraan pala mauuto ang halimaw na 'to. Magandang bagay 'to.
Matapos na makipagpalitan ng mensahe ni Ye Wan Wan kay Si Ye Han, wala na siyang aalalahanin pa. Pwede na niyang isubsb ang sarili sa mga libro at tumutok ng maigi sa kanyang pag-aaral.
Mabilis na lumipas ang pitong araw.
Sa loob lamang ng pitong araw, naging tatlo hanggang apat na oras sa isang araw lamang ang tulog ni Ye Wan Wan. Sa wakas, nagawa niyang makuha ang mga aralin mula Senior Year 1 hanggang 3.
Ngayon na naiitindihan niya ang kahirap ang kulang sa tulog, sisiguraduhin niyang makakabawi na siya ng tulog pagkatapos ng exams.
Comprehensive Liberal Arts and Language ang unang exam nila sa simula pa lang ng araw. Pumasok na parang multo lamang si Ye Wan Wan.
Sa umpisa, maririnig ang ingay sa loob ng silid ngunit nang pumasok na si Ye Wan Wan, parang stereo na humina at unti-unting nawala ang tunog sa biglang katahimikan ng lahat.
Hindi suot ni Ye Wan Wan ang kulay berde niyang peluka at maging ang makeup niya ngayon ay tama lang. Pero halata sa mata niya ang malalaking eyebags dahil sa pitong araw na kulang siya sa tulog. Ang hitsura ay tulad din ng nakakatakot na hitsura niya noong may suot pa siyang berdeng peluka...
Narinig na naman ng lalaking natutulog sa mesa ang tunog ng ginagalaw na mesa at upuan. Naalimpungatan ang binata.
Ilang segundo pa'y, nagulat ang lalaki at nanging ang buong katawan at halos matumba sa takot. Muntik na siyang mapasigaw sa nakita.
Napatulala ang lalaki sa mukhang "Sadako" sa tabi niya. Halatang pinagpapawisan ang noo ng binata at unti-unting nagdilim ang kanyang mukha at napabulong sa takot, "S-h-i-t!!!"