Binigyan si Syven ng pangalawang pagkakataon upang itama ang kanyang pagkakamali sa taong tinalikuran at inabandona niya. Ipinangako ni Syven na ibabalik niya ang buhay na ninakaw niya mula dito kahit kapalit ang buhay niya.
Iyon ang pangako niya kaya bakit nahihirapan siyang isuko ang sarili sa taong ito? Ilang malalalim na gabi ang kailangan niyang ilaan upang makuntento ito?!
Nanginginig ang katawang bumangon si Syven sa mahigpit na pagkakayakap nito sa kanya. Subalit muling pumulupot ang kamay nito sa tiyan niya upang ibalik siya sa kama at lunurin sa nakakalunod na halik...
Yura Zhu.
Ang bunsong anak ng Punong Heneral ng makapangyarihang imperyo ng Salum. Sa labas ng marangyang tahanan, lumaki siyang malayang nakapaglalakbay sa bawat sulok ng kanilang lupain, hawak niya ang kalayaang pinagkaloob sa kanya ng kanyang magulang.
Ngunit isang kautusan ang biglang bumago sa lahat. Siya ang napili bilang magiging katipan ng Prinsesa ng Imperyal.
Paano niya haharapin ang tungkuling ito, kung ang kanyang tunay na pagkatao'y nakakubli sa anyo ng isang lalaki?