Sa bawat pahina ay mayroong taglay na abentura
Mga nakakubling lihim sa katiting na patak ng pluma
Walang boses man kung tumuklas sa nasaksihang istorya
Idadala, aayusin para sa nagkagulong pamilya
Pamilya lamang ba o pati ang mundong wala ng tama?
Isang maling gawi, puso't buhay ay handa nang kumawala
Sandigan ma'y matigas, rurupok din 'pag wala ng pag-asa
Hahayaan bang gugusot ang magandang nakakubling tadhana?
Kapag umibig ka sa taliwas ang pananampalataya
Halos lahat ay tututol, pati ang nakaraang lumuluha
Talunaryo ng alaala'y hindi pa rin nawawala
Bawat tamis ay nawawasak na parang isang hibla
Maaayos pa ba ang lahat kung sa una ay para nang isinumpa?
Karampot ng papel
Karampot ng tadhana
Katiting ng pawis
Papatak lahat ang luha
Sa mga matang pagod na
Titiisin pa ba ang pagdurusa?